VeritasPH

The Word, The Truth

Gawing prayoridad ang mga commuters

SHARE THE TRUTH

 219 total views

Mga Kapanalig, new normal kung tawagin ang mga bagong pamumuhay natin ngayong may pandemya, ngunit nariyan pa rin ang dati nang problema sa ating mga siyudad katulad ng kakulangan ng maayos at mahusay na pampublikong transportasyon.

Ngayong niluwagan na ang mga paghihigpit sa paglabas ng mga tao, marami sa atin ang muli na namang sasabak sa kalbaryo ng pagko-commute. Bago pa man ang pandemya, bahagi na ng buhay ng isang commuter ang mahabang pila sa MRT o LRT; ang pakikipagsiksikan sa bus, dyip, o tren; pagkaipit sa napakabigat na daloy ng trapiko; ang pakikipagpatintero ng mga nagbibisikleta at naglalakad sa mga kasabayan nilang sasakyan. Ngayong sinasabing nasa new normal na tayo, ito pa rin ang mga isyung kinakaharap at haharapin ng mga kababayan nating walang sariling sasakyan. Ang tanong, hanggang kailan kaya magtitiis ang mga commuters sa ganitong sitwasyon sa araw-araw, gayong may banta pa rin ng pagkalat ng COVID-19?

Ayon sa grupong Move As One Coalition, karapatan natin ang makataong mobilidad: maayos na mga daanan at ligtas at maaasahang pampublikong transportasyon. Sa katunayan, 95% ng mga pamilyang Pilipino ay may miyembrong commuter, ngunit mababa pa sa 25% ang nakalaang espasyo para sa mga sasakyang ginagamit nila. Sa ating mga lansangan, kapansin-pansing naisasantabi ang mga walang sariling sasakyan na silang mas nakararami. Paliwanag naman ng grupong AltMobility, dahil ito sa mga programa at patakaran ng pamahalaang pabor lang sa mga may pribadong sasakyan. Halimbawa, layunin ng ipinagmamalaking “Build, Build, Build” program ng administrasyong Duterte na paramihin ang imprastraktura upang solusyunan daw ang malalang problema sa trapiko. Dahil ang ipinatatayong mga highways, skyways, at expressways ay nakalaan lang para sa mga sasakyan at dahil walang espasyo para sa mga bikelanes at sidewalks, mas maeengganyo pa ang mga taong bumili at gumamit ng sasakyang nagpapalalâ pa ng polusyon sa hangin at sa trapiko. Kaugnay nito, iyon lang ding may mga sariling sasakyan ang mas nakikinabang sa mga proyektong ito. Sa halip na magsilbing solusyon, nagiging ilusyon lang ang mga imprastrakturang ito na makakatulong daw sa paglutas ng problema sa trapiko, gayong ang mga ito mismo ang lumilikha ng problema.

Dahil sa pagkakaroon ng tinatawag na “car-centric” na patakaran ng pamahalaan, nagkaroon din ng pananaw at pagtingin ang maraming Pilipinong mahirap o hassle ang mag-commute. Ang nagiging tingin ng marami, magulo ang sistema ng pampublikong transportasyon at delikado ang maglakad at magbisikleta. Mahalagang gumawa ng mga patakaran at programang maghihikayat sa mga taong mas piliing mag-commute, at ito sana ang maging prayoridad ng susunod na administrasyon. Panahon na ring bigyang-pansin ang pagsasaayos o pagpapabuti sa kalagayan ng mga pasilidad ng mga pampublikong transportasyon.

Mahalaga ang transportasyon sa kahit saang lipunan. Ito ang tanging paraan upang makarating ang mga tao sa kanilang destinasyon katulad ng kanilang trabaho o eskwelahan, bilihan ng pagkain at pangangailangan, at pagamutan at ospital. Kung sapat ang ginagawang aksyon ng mga ahensyang dapat na tumutugon sa krisis sa pampublikong transportasyon, giginhawa ang paggalaw ng mga tao, mababawasan ang mga aksidente sa kalsada, mababawasan ang polusyon, at tunay na mapaglilingkuran ang taumbayan.

Sa kanyang ensiklikal na Fratelli Tutti, ipinaliwanag ni Pope Francis na dapat laging handang makinig sa iba pang pananaw at magbigay ng puwang para sa lahat ang mga nasa pamahalaan nang sa gayon ay walang naiiwan. Mahalagang bukás sila sa mga hinaing ng mamamayang pinaglilingkuran nila, kabilang ang mga commuters.

Mga Kapanalig, gaya ng winika ni Hesus sa Mateo 20:26, “kung nais ninyong maging dakila, dapat kayong maging lingkod sa iba.” Malinaw na ang pamumuno ay tungkol sa paglilingkod, at kabilang rito ang pagbibigay-pansin sa kapakanan ng mga ordinaryong mananakay.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 3,776 total views

 3,776 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 11,761 total views

 11,761 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,297 total views

 19,297 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,283 total views

 35,283 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,327 total views

 43,327 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 3,777 total views

 3,777 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 11,762 total views

 11,762 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 19,298 total views

 19,298 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 35,284 total views

 35,284 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 43,328 total views

 43,328 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,394 total views

 45,394 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,819 total views

 43,819 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,605 total views

 45,605 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,530 total views

 42,530 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,844 total views

 56,844 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,534 total views

 60,534 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,137 total views

 59,137 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,124 total views

 69,124 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,092 total views

 73,092 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,979 total views

 83,979 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top