Gobyerno, patuloy na umapela para sa buhay ni Veloso-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 199 total views

Nalulungkot ang CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ( CBCP-ECMI) sa kumplikadong ulat hinggil sa naging aksyon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso ng pagbitay kay Mary Jane Veloso sa Indonesia.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, dahil ‘conflicting’ ang ulat, mas dapat pa ring malaman ang katotohanan dito dahil bago tumulak ang pangulo sa nasabing bansa, nangako itong gagawin ang lahat para matulungan si Veloso na siyang pinanghahawakan ng sambayanang Filipino.

“Yun balita ay una sa lahat dapat nating intindihin at pag-aralan sapagkat dapat nating malaman ang buong katotohanan, pahayag naman sa atin ng pamahalaan hindi ganun ang kanyang tugon, alam natin bago siya umalis sinabi niya na makikiusap siya sa pamahalaan ng Indonsesia, kay president Widodo at alam naman natin ang pamilya ni Mary Jane ay sumulat at humiling at nangako ang pangulo na tutulong yun ang ating pinanghahawakan, kung saan ang pangulo ay tutulong, bigyan nating pansin na ang lahat ng naglilingkod sa bayan ay may pangunahing tungkulin to protect and serve, nababahala lang tayo sa lumalabas na balita at tiyakin na ito ay may katotohanan,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Sa kabila nito, naniniwala ang obispo na si Veloso ay biktima lamang kaya’t umapela rin ito sa pamahalaan na madaliin ang paglilitis sa 2 ilegal recruiters nito lalo na at hinihintay ito ng Indonesia na pagbabatayan sa kanilang desisyon kung bibigyan ng clemency ang nasabing Filipina.

“Malaki ang ating paniniwala na si Veloso ay biktima , unwilling victim na siya ay ginamit na ang kanyang kawalang kaalam sa panahon nayun at sa lugar na yun kaya siya nabiktima at nalinlang, at tayo ay may pinanghahawakan yung nahuling 2 ilegal recruiters niya, na involved din sa West African dug syndicate na dapat bigyang pansin at maganda dahil nasa kulungan na ang dalawang ito, hiling lang din natin dapat bigyang pansin ang proseso, pabilisin ang hearing… magandang pabor ito at posisyon kay Mary Jane upang makita na siya talaga ay biktima ng human trafficking at ginamit lamang siya, ang desisyon ang ipadadala sa pamahalaan ng Indonesia na naghihintay kung ano ang magaganap sa hearing sa Cabanatuan sa RTC 37,” ayon pa sa obispo.

Nakiusap din si Bishop Santos sa mga mananampalataya na patuloy na ipanalangin na maligtasan ni Veloso ang parusang bitay.

Abril ng 2010, nakuhanan si Veloso ng 2.6 kilo ng heroin sa kanyang bagahe sa Indonesia.

Nasintensiyahan ng kamatayan si Veloso noong October ng 2010 subalit naipagpaliban ito dahil sa moratorium sa capital punishment na ipinag-utos ng Presidente noon na si Sucilo Bambang Yudhoyono kaya’t nailipat ang execution noong January 2015 na hindi na naman natuloy dahil sa mga protesta at pakiusap ng pamahalaan ng Pilipinas na hintaying matapos ang kaso laban sa ilegal recruiters ni Veloso.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,169 total views

 80,169 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,173 total views

 91,173 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,978 total views

 98,978 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,217 total views

 112,217 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,723 total views

 123,723 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 94,504 total views

 94,504 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 90,415 total views

 90,415 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top