Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, hinamong isapubliko ang pinag-usapan nila ni President Widodo

SHARE THE TRUTH

 182 total views

Hinimok ng National Union of People’s Lawyer ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipahayag ang katotohanan sa pinag – usapan nila ni Indonesian President Jokowee Widodo lalo na sa kalagayan ng Filipina drug convict na si Mary Jane Veloso.

Ayon kay NUPL Assistant Sec. Atty. Josa Deinla na tumutulong kay Veloso, na mahalagang malaman nang taumbayan ang tunay na napag – usapan ng dalawang pangulo upang maiwasan ang pangambang naidudulot nito sa pamilyang Veloso maging sa taumbayan.

Umaasa naman si Atty. Deinla na naipahayag nawa ni Pangulong Duterte kay Widodo na makahingi pa ng panibaging apela para sa clemency o pardon kay Veloso upang makapag – pahayag ito ng testimonya laban sa mga ilegal recruiter nito na sina Julius Lacanilao at Ma. Cristina Sergio.

“Ang crucial ang piece of evidence na hinihintay talaga nating maihain ay ang testimonya ni Mary Jane. Inaasahan natin diyan kukunin natin yan by means of deposition. Kasi hindi siya pinapayagan ng Indonesian government na lumipad at palabasin ng kulungan, lumipad ng Pilipinas para mag – testify in open court. Kaya deposition lang ang nakikita nating paraan na possible. Hinihintay natin yung order ng court tungkol diyan ng grants dahil na approve na yan a few weeks ago. Kaya lang pending for motion pf reconsideration, kaya hinhintay pa natin yung pinal na desisyon ng korte,” bahagi ng pahayag ni Atty.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs, may 80 bilang ng mga Filipino sa buong mundo ang nasa death row kabilang na si Veloso na kasalukuyang nakapiit sa Indonesia.

Nauna na ring nagpahayag ng pagkadismaya si CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos sa mga gabinete ni Pangulong Duterte ukol sa posisyon ng pangulo kay Veloso.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,956 total views

 72,956 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,731 total views

 80,731 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,911 total views

 88,911 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,507 total views

 104,507 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,450 total views

 108,450 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 89,622 total views

 89,622 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,154 total views

 86,154 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 32,808 total views

 32,808 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 32,819 total views

 32,819 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 32,823 total views

 32,823 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top