‘God is Glorious concert’ ng Diocese of Novaliches; Bahagi ng fund raising para sa ‘Tahanang Pari’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 464 total views

Naging matagumpay ang isigawang concert ng mga Pari ng Diocese of Novaliches bilang handog sa pagtatapos ng ‘Year of the Clergy, Religious and Consecrated Persons’.

Layunin din ng konsiyerto ang makalikom ng pondo sa ipinapatayong ‘Tahanang Pari Renewal Center’ –isang retirement home para sa mga pari ng Diocese of Novaliches bilang gantimpala sa kanilang pagsisilbi sa kawan ng Diyos.

Pinangunahan ni Fr. James Nitollama, Parish Priest ng Epiphany of Our Lord Parish, Camarin Caloocan ang inisyatibo, kasabay ng pagidiriwang ng kaarawan noong ika- 4 ng Nobyembre.

“Usually pag birthday ko may concert pero sabi ko dapat hindi lang para sa akin so gawin ko rin itong celebration nang Year of the Clergy and Consecretaed Persons kasi magtatapos na,” bahagi ng pahayag ni Fr. Nitollama.

Dahil dito labi ang pasasalamat ng pari sa mga dumalo at nakikiisa sa “Clergy and Religious: “GOD IS GLORIOUS” concert na ginanap noong Sabado ika-3 ng Nobyembre sa Caloocan City Sports Complex, Bagumbong Caloocan.

Kabilang sa mga dumalo sa konsyerto si Novaliches Bishop Antonio Tobias kung saan sa pambungad na panalangin ay binigyang diin ang kahalagahan ng pakikipagkaisa ng mga Pari, Relihiyoso at mga nagtatalaga ng buhay sa Panginoon sa bawat mananampalataya upang higit pang mapalakas ang ugnayan tungo sa kaharian ng Panginoon.

Hiling din ni Fr. Nitollama sa mananampalataya na patuloy ipagdasal ang mga pari at madre upang mas mapalakas at mapatatag sa paglilingkod sa Panginoon sa kabila ng mga pagsubok na nakakaharap sa gitna ng pagmimisyon.

Tampok sa konsyerto ang pagtatanghal ng Our Lady of Fatima University chorale, ang Tres Padres na sina Rev. Fr. Luciano Felloni, Rev. Fr. Allan Samonte at Rev. Fr. Jansen Ronquillo at ang Priests Supply na binubuo nina Rev. Fr. James Nitollama, Rev. Fr. Leo Laguilles at Rev. Fr. Falky Falcasantos na magiliw nagbahagi ng kanilang talento sa mga nanood.

Sina Fr. Nitollama, Fr. Felloni at Fr. Ronquillo ay kabilang sa mga Anchors ng Radio Veritas sa iba’t ibang mga programa ng Katolikong himpilan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 5,065 total views

 5,065 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 5,065 total views

 5,065 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 5,065 total views

 5,065 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 4,889 total views

 4,889 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 4,404 total views

 4,404 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top