Good Samaritan mission launching, naging matagumpay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Matagumpay ang naging paglulunsad ng bagong programang Good Samaritan Mission ng Radio Veritas sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila sa Sto. Niño de Baseco Sub Parish, Baseco Compound, Tondo, Manila.

Bahagi ng programa ang pagkakaloob ng basic medical services at pagbabahagi ng Caritas Manila sa ilan sa mga pangunahing proyekto nito para sa mga residente ng Barangay 649 Baseco, Tondo.

Itinuturing namang biyaya ni Rev. Fr. Arnold Santa Maria – Parish Priest of Sto. Niño de Baseco Sub Parish ang paglulunsad ng programa sa kanilang parokya na nagpapakita kung papaanong ang binhi ng pananampalataya na mula sa Diyos ay maibabahagi sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong at paglilingkod sa mga nangangailangan.

“Salamat po sa inyong mainit na pagdating dito sa Sto. Niño de Baseco Sub Parish at napakalaking biyaya ang inyong ginawa sa amin sa pakikipagtulungan ng Radio Veritas sapagkat ang maraming nangangailangan ng kagalingan ay nakarating sa kanilang katauhan kung papaano ang gagawing paglilingkod at serbisyo ng medical mission sa ating parokya. Isang pagpapakita na kung papaanong ang binhi ng pananampalataya ay patuloy na ibinibigay ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng ginagawa nating paglilingkod na ito. Lubos lubos na nagpapasalamat at ramdam na ramdam namin kung papaanong ang Baseco ay isang tanda na ibinibigay ng DIyos na ipinakikitang dito ay mayroong binhi din ng pananampalataya.” pahayag ni Father Santa Maria.

Batay sa opisyal na tala, umabot sa higit 700 ang natulungan ng Good Samaritan Mission sa Sto. Niño de Baseco Sub Parish Baseco, Tondo kung saan sa bilang na ito 410 ang nabigyan ng tulong medikal, 170 sa optical at 106 naman sa dental sa pamamagitan ng tulong ng 15 mga volunteers doctors and nurses na nagkaloob ng kanilang libreng serbisyo.

Bukod dito, umabot naman sa higit 50 ang tumangkilik sa mga programa ng Caritas Manila partikular na ng Caritas Margins para sa livelihood program, Caritas Salve na maaring magpahiram ng puhunan upang makapagsimula ng maliit na mapagkakakitaan at Caritas Et Labora na nagkakaloob ng tulong sa mga nagnanais na magkaroon ng trabaho.

Ang Good Samaritan Mission ay bahagi ng pagpapalawig ng Radyo Veritas sa misyon nitong palaganapin ang habag at awa ng Panginoon sa pamamagitan ng malawak na serbisyo publiko sa pakikipagtulungan ng Caritas Manila na siyang Social Action Arm ng Archdiocese of Manila.

Mapakikinggan ang Good Samaritan Mission program tuwing ikalawa at ikaapat na linggo ng buwan, ganap na alas-otso hanggang alas-syete nang umaga sa himpilang Radio Veritas.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 848 total reads

 848 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 21,447 total reads

 21,447 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 83,071 total reads

 83,071 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 168,438 total reads

 168,438 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 215,174 total reads

 215,174 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 263,047 total reads

 263,047 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 362,880 total reads

 362,880 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top