Government-sponsored smuggling?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 606 total views

Mga Kapanalig, kinuwestyon ni Senadora Risa Hontiveros ang plano ng Sugar Regulatory Administration (o SRA) na ibenta sa mga Kadiwa stores ng gobyerno ang mga nakumpiska nitong smuggled na asukal. Hindi bababa sa 4,000 metriko toneladang smuggled na asukal ang gustong ipagbili ng SRA sa halagang 70 piso bawat kilo.1  

Tanong ng senadora mula sa oposisyon: “bakit pagkakakitaan pa ang galing sa iligal?” Ang mas ipinagtataka pa niya, bakit daw mas mataas pa ang presyong ipapataw sa ipinuslit na asukal gayong mura naman itong mabibili mula sa ibang bansa. Halimbawa, kung ang inaangkat na asukal mula sa Thailand ay nasa halos 65 piso lamang, bakit gagawin itong 70 piso sa mga Kadiwa stores? Salungat daw ito sa layunin ng mga Kadiwa stores na mag-alok ng mga produkto sa mas abot-kayang halaga. Parang pinagkakitaan pa raw ng gobyerno ang smuggled na asukal. Dagdag pa ni Senadora Hontiveros, bagamat tutol siyang sirain ng Bureau of Customs ang ipinuslit na asukal gaya ng ginagawa nito sa mga nasasabat na smuggled goods, hindi rin tamang ibenta ito ng gobyerno sa mas mahal na presyo. Mas mainam pang ipamigay ang asukal sa mga kababayan nating nangangailangan o biktima ng mga kalamidad na tinutulungan naman ng DSWD.2 

Sa huli, pagdidiin ni Senadora Hontiveros, ang mas dapat sugpuin ng gobyerno ay ang aniya’y pribadong kartel na tila ba sinasamantala ang pagpabor sa kanila ng pamahalaan. Binubuo raw ng tatlong importers ng asukal ang kartel na ito, at sinasabing may koneksyon sila sa malalaking tao sa gobyerno. Ang kanilang pag-aangkat ng asukal ay ang nakikitang paraan ng gobyerno upang pababain ang halaga ng asukal sa mga pamilihan, ngunit sa katunayan ay mas kumikita pa ang mga sugar traders na ito.  

Paano ito nangyayari? Bumibili sila ng murang asukal sa ibang bansa, ngunit ibebenta nila ang mga ito sa mas malaking halaga. Kung ang nabibili nilang asukal mula sa Thailand ay nasa 25 piso lamang kada kilo, ibinebenta naman nila ito rito sa ating bansa sa halagang 85 piso kada kilo. Tumutubo sila ng 24 piso sa bawat kilo.3 Tiba-tiba nga talaga ang negosyo nila! Kung totoo nga ito, baka tama ang sinabi noon ni Senadora Hontiveros na may nangyayari umanong “government-sponsored smuggling” sa bansa.4  

Hindi dapat lumulusot ang ganitong mga kuwestiyonableng kalakaran sa ating gobyerno, kahit pa para sa marami sa atin, normal na ang katiwalian o kurapsyon sa ating bansa. Para sa ating Simbahan, ang kurapsyon ay pagnanakaw. Ang pag-abuso sa kapangyarihan para sa makasariling interes ay pagkiling sa kawalang-katarungan. Ang mga sangkot sa katiwalian ay lumalabag sa kanilang obligasyong itaguyod ang kabutihang panlahat, at sa pagtalikod nila sa tungkuling ito, hinahayaan nilang umiral ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.5 

Kung susuriin pa nating mabuti, ang kurapsyon, katulad ng lahat ng kasamaan, ay nag-uugat sa pag-ibig sa salapi, wika nga sa 1 Timoteo 6:10. Madaling nakapapasok ang mga galamay ng kasamaang ito sa mga proseso at sistema ng pamahalaan kung may mga lingkod-bayan din tayong sakim sa pera. Gamit ang awtoridad at mga koneksyong mayroon sila, ginagawa nilang kasangkapan ang pamahalaan para sa kanilang sariling ganansya, para sa kanilang pagmamahal sa salapi. Nakalulungkot—at nakagagalit—ito.  

Mga Kapanalig, maging mabunga sana ang paghahanap ng katotohanan ng mga lingkod-bayan nating matapang na ginagampanan ang kanilang tungkuling tiyaking kapakanan ng mga mamamayan, lalo na ng mahihirap, ang pinagtutuunan ng pansin ng mga nasa gobyerno. Maging matatag sana sila lalo pa’t tiyak na gagawa at gagawa ng paraan ang mga tiwali upang matakasan ang kanilang pananagutan at upang magpatuloy ang mga baluktot na gawain sa ating pamahalaan, hindi lamang sa pag-aangkat ng asukal kundi sa maraming iba pa. 

Sumainyo ang katotohanan. 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 8,890 total views

 8,890 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 182,824 total views

 182,824 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 160,457 total views

 160,457 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 224,299 total views

 224,299 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 243,455 total views

 243,455 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi lang ‘for the content’

 8,891 total views

 8,891 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 182,825 total views

 182,825 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 160,458 total views

 160,458 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 224,300 total views

 224,300 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »
Scroll to Top