221 total views
Isang magandang hakbang ang naging tugon ng isang social media giant para labanan ang terorismo at paglaganap ng mga maling balita.
Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education (CBCP-ECCCE), kailangang maging maingat ang bawat isa sa paggamit ng social media dahil sa lawak at layo ng naabot ng mensaheng dala nito.
Inihalimbawa rin ng Obispo ang panawagan ni Pope Francis na panalangin para sa kapayapaan na tinugunan ng netizens sa buong mundo.
“Sana ay ginawa nilang steps ay answer to our prayer. We have to make our contribution ang minimithi nating kapayapaan. Of course we have to let everything to God,” ayon kay Bishop Mallari.
Ayon sa Obispo sa halip na magpakalat ng maling balita at karasahan nawa ay magamit ang social media para sa kapayapaan at pagmamahal sa kapwa sa halip na paghahasik ng takot.
“Itong step na pag-alis ng mga fb account promoting terrorism, violence malaking steps yan. Kasi instead of promoting violence we have to promote peace, pagmamahalan. Loving our fellowmen, mithiin ang kapayapaan sa bawat isa, yan ang dapat nating ipromote,” ayon kay Bishop Mallari.
Paalala pa ng Obispo sa kabataan na gamitin ng wasto ang social media na magpakalat ng pagmamahal, pagkakaisa at hindi karahasan at pagkakahati-hati.
“Sa mga millenials -yung digital experts natin–we make use of what we have, like ang social media upang mapabuti ang mundo natin at maipakita natin sa mga tao ang daan talaga tungo sa kapayapaan, ang pagmamahal,”ayon kay Bishop Mallari.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines, may 63 ang Facebook accounts ng mga jihad supporters na kanilang iniulat sa Facebook.
Nangako naman ang Facebook nakikipag-ugnayan na sila sa technology society upang tanggalin ang mga account na nagpapahayag ng karahasan at maling impormasyon.