Hapag-Asa, pinaghahandaan ang pinangangambahang kakulangan ng pagkain sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Tiniyak ng Hapag-Asa ang kahandaan sa pinangangambahang pagharap sa banta ng kakulangan ng pagkain sa bansa.

Ito ang tugon ng Hapag-Asa sa pahayag ni William Dar, kalihim ng Department of Agriculture na maaaring makaranas ng ‘food crisis’ hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ang buong mundo dahil sa pananatili ng pandemya, mataas na presyo ng mga produktong petrolyo at pagpapatuloy ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Inihayag ni Florinda Lacanlalay, Hapag-Asa Integrated Nutrition Program consultant na patuloy na makatanggap ng sapat na nutrisyon at makakain ang mga bata at matatandang kabilang sa kanilang mga programa.

“We have to step-up, kailangan ‘yung aming feeding program for instance ‘yung Hapag-Asa should be able to provide some foods, so kailangan – we are also preparing for that at yung isang dapat tingnan na how can we be of help to our countrymen should there be a food crisis,” pahayag ni Lacanlalay.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ni Lacanlalay sa mamamayan ang pagtatanim sa kanilang mga sariling bakuran upang maging handa sa anumang krisis sa pagkain.

Hinimok naman ni Lacanlalay ang pamahalaan na bigyan ng tulong pinansiyal at suporta ang mga magsasaka at mangingisda upang mapalakas ang lokal na sektor ng food production sa Pilipinas at maiwasan ang kakulangan sa suplay ng pagkain.

Umaasa rin ang opisyal ng Hapag-Asa na unang tutukan ng susunod na pinuno ng DA ang pagpapalakas sa local food production upang matiyak ang food sufficiency sa bansa.

Unang nanawagan ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga lider ng buong mundo na bigyan ng prayoridad ang mga manggagawa sa sektor ng agrikultura.

Naging panawagan na rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan na tulungan ang mga magsasaka at mangingisda upang matiyak higit na ngayong panahon ng pandemya na mayroon sapat na suplay ng pagkain sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top