Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 96,287 total views

Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang bagyo. Ang dalawang ito ay may malawak at malalim na epekto sa ating kalikasan, ekonomiya, at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat Pilipino. Mahalagang pagtuunan natin ng pansin ang mga sanhi, epekto, at ang mga posibleng solusyon upang mabawasan ang pinsalang dulot ng mga kalamidad na ito.

Ang heatwave ay isang matinding pagtaas ng temperatura na nagtatagal ng ilang araw o linggo. Ang pangunahing sanhi nito ay ang global warming o pag-init ng mundo na dulot ng mataas na antas ng greenhouse gases sa atmospera. Sa Pilipinas, ang mga heatwave ay nagdudulot ng iba’t ibang problema tulad sa kalusugan. Ang matinding init ay maaaring magdulot ng heatstroke, dehydration, at iba pang sakit na may kinalaman sa init. Ang mga matatanda, bata, at mga may sakit sa puso ay partikular na bulnerable sa ganitong kondisyon.

Nagdadala din ito ng matinding problema sa agrikultura. Ang matinding init ay nagdudulot ng tagtuyot na sumisira sa mga pananim at nagpapababa ng ani. Ito ay nagdudulot ng kakulangan sa pagkain at pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Malaking hamon din ito sa energy sector. Ang mataas na demand sa kuryente para sa pagpapalamig (air conditioning) ay nagiging sanhi ng power outages o pagkawala ng kuryente, na nagpapahirap sa buhay ng mga mamamayan at nagpapababa sa produktibidad ng mga negosyo.

Ang malubhang pagbaha naman ay karaniwang dulot ng matinding pag-ulan, bagyo, at pagtaas ng antas ng dagat. In recent years, mga kapanalig, nakikita natin na kahit thunderstorms pa lamang, mataas na ang baha sa maraming lugar na tumutukod ng traffic, nagpa-pastranded sa napakaraming commuters, at nagpapahirap sa maraming mga residente.

Sa Pilipinas, ang mga pagbaha ay nagdudulot ng pinsala sa ari-arian. Ang mga baha ay sumisira sa mga tahanan, imprastraktura, at mga kagamitan. Ito ay nagdudulot ng malaking gastos sa rehabilitasyon at recovery. Nagdudulot ito ng pagkawala ng buhay. Maraming tao ang nawawalan ng buhay dahil sa pagkalunod, pagguho ng lupa, at iba pang aksidente na dulot ng pagbaha. Nakakaapekto rin ito sa ekonomiya. Ang malalaking pagbaha ay nagdudulot ng pagkaantala sa trabaho, negosyo, at transportasyon. Ito ay nagpapababa sa kita ng mga tao at ekonomiya ng bansa. Ang mga baha ay nagdudulot ng pagkalat ng iba’t ibang sakit tulad ng leptospirosis, dengue, at iba pang waterborne diseases.

May mga magagawa tayo upang malabanan ang mga hamong dulot ng heat wave at malubhang pagbaha sa ating bayan. Isa na rito ay ang reforestation at green spaces. Ang pagtatanim ng mga puno at pagpapanatili ng mga green spaces ay makakatulong upang mapababa ang temperatura at maiwasan ang pagbaha. Ang mga puno ay nakakatulong sa pag-absorb ng tubig at pagpapababa ng init sa paligid.

Kailangan din maisa-ayos ang imprastraktura. Kailangang maayos ang sewage, drainage, at sanitation systems sa ating urban areas. Kabilang din dito ang pagpapatibay ng mga dam, at flood barriers. Ang ating mga waterways, creeks, tributaries at mga ilog ay kailangang malinis, tanggal ang basura na bumabara sa kanilang pagdaloy.

Ang pagkakaroon din ng maayos na sistema ng maagang babala at paghahanda sa mga kalamidad ay makakatulong upang mabawasan ang pinsala. Kasama dito ang edukasyon sa publiko tungkol sa tamang paghahanda at pag-responde sa mga kalamidad. Kailangang may paunang babala hindi lamang sa lakas ng ulan kundi sa mga lugar na maaaring bahain.

Ang heat wave at malubhang pagbaha ay dalawang pangunahing hamon na lagi nating kinakaharap sa ngayon. Ang mga ito ay may malawakang epekto sa kalusugan, ekonomiya, at kalikasan ng bansa. Ang tamang kaalaman, disiplina, at pakikipagtulungan ay susi upang mapanatili ang kaligtasan at kaginhawahan ng bawat Pilipino. Hindi makatao o makatarungan na lagi natin itong nararanasan at hindi man lang natin nilapatan ng maayos na solusyon taon-taon.

Kapanalig, lahat tayo, bilang Kristyanong Katoliko, ay tinatawag ng Diyos na pangalagaan ang kapaligiran natin, ng nag-iisang tahanan nilikha niya para sa atin. Ayon sa United States Conference of Catholic Bishops, “We show our respect for the Creator by our stewardship of creation. Care for the earth is not just an Earth Day slogan, it is a requirement of our faith. We are called to protect people and the planet, living our faith in relationship with all of God’s creation.”

Sumainyo ang Katotohanan

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 4,135 total views

 4,135 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 10,468 total views

 10,468 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 15,082 total views

 15,082 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 16,643 total views

 16,643 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 32,543 total views

 32,543 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 4,136 total views

 4,136 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 10,469 total views

 10,469 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 15,083 total views

 15,083 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 16,644 total views

 16,644 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 32,544 total views

 32,544 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 62,024 total views

 62,024 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 67,600 total views

 67,600 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 73,081 total views

 73,081 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 84,194 total views

 84,194 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 80,193 total views

 80,193 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 67,895 total views

 67,895 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 76,377 total views

 76,377 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 69,436 total views

 69,436 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 76,360 total views

 76,360 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Day of Rural Women

 73,454 total views

 73,454 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang International Day of Rural Women. Sinimulan ang pagdiriwang na ito ng United Nations noong 2008 upang kilalanin ang rural women o kababaihan sa kanayunan. Patuloy na inaanyayahan ng UN ang mga bansang kasapi nito, kabilang ang Pilipinas, na magpatupad ng mga patakaran at programang magpapabuti sa kalagayan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top