Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

HerVote Matters campaign, inilunsad ng OXFAM

SHARE THE TRUTH

 198 total views

Nakasaad sa Encyclical na Mater Et Magistra on Christianity and Social Progress ni Pope John the 23rd noong 1961 na bahagi ng tungkulin ng estado ang protektahan ang kapakanan at mga karapatan ng mamamayan partikular na ang mahihirap, kababaihan, matatanda at mga bata.

Kaugnay nito kasabay ng paggunita ng National Women’s Month at nalalapit na May 13, 2019 Midterm Elections sa bansa ay inilunsad ng international development organization na Oxfam katuwang ang iba’t-ibang women’s rights organizations ang #HerVote Matters campaign.

Inihayag ng grupo ang five-point feminist policy agenda na #THE LEADER WE WANT na mga usapin at kalagayan na dapat matutukan at matugunan ng mga opisyal ng pamahalaan para sa kapakanan ng mga kababaihan.

Ayon kay Oxfam Philippine Country Director Lot Felizco, layunin ng grupo na maimulat ang kamalayan ng mga botante na maging pamantayan sa mga kandidatong iboboto ang kanilang programa para sa kapakanan ng mga kababaihan sa buong bansa.

“Nagkataon itong National Women’s Month ngayon ay nagkataon na nalalapit din yung Midterms Elections kaya kinukuha din namin yung pagkakataon ngayon na sana ay napag-uusapan ang mga kababaihan kung saan man sila naroon lalo na dun sa mga kababaihan na nakatrabaho namin sa mga kumonidad na napapag-usapan ano yung hinahanap sa ating pamunuan na magiging kinabukasan natin…” pahayag ni Felizco sa panayam sa Radyo Veritas.

Isang hamon rin ang ibinigay ng grupo sa mga kandidato upang tutukan at isulong ang kapakanan ng mga kababaihan.

Bilang bahagi ng programa ng grupo para sa National Women’s Month ay pinasinayaan rin ang #HerVote Matters Photo Exhibit and Interactive Booths katuwang ng Photojournalists Center of the Philippines upang maitampok ang mga usapin at sitwasyon kinahaharap ng mga kababaihan sa lipunan.

Bukas sa publiko ang nasabing Photo Exhibit na matatagpuan sa sa QCX, Quezon Memorial Circle na magtatagal lamang hanggang sa ika-24 ng Marso.

Ang Oxfam ay isang global non-profit organizations na halos 30 taon ng nakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo upang matutugunan ang mga suliraning panlipunan tulad ng kahirapan at hindi pagkakapantay pantay.

Tema ng pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan na nagsimula noong 2017 hanggang 2022 ang “We Make Change Work For Women”.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,124 total views

 17,124 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,212 total views

 33,212 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 70,932 total views

 70,932 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,883 total views

 81,883 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,557 total views

 25,557 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 15,189 total views

 15,189 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top