National Shrine of Our Lady of Mt.Carmel, ganap ng magiging Minor Basilica

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total views

Puspusan ang ginagawang paghahanda ng National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa New Manila Quezon City para sa nalalapit na deklarasyon nito bilang bagong Minor Basilica.

Ayon kay Father Joey Maborrang, OCD, isang malaking biyaya ang pagkakahirang sa dambana bilang bagong Basilica Minore sa Pilipinas.

Sinabi ni Father Maborrang na kaakibat din ng pagpapala ang mas malaking misyon sa pagpapalakas ng pananampalataya ng mga Katoliko hindi lamang sa Pilipinas kun’di maging ang mga manlalakbay mula sa iba’t-ibang bansa.

“Sa National Shrine we are actually responsible and answerable sa national level sa buong Pilipinas thru the CBCP pero kapag tayo naman po ay tinawag na basilica, we are also responsible and answerable, to the Holy Father, to the whole church, international level ng konti.” pahayag ni Father Maborrang.

Inihayag ng Pari na bilang isang Minor Basilica, ay magiging daluyan na din ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos ang dambana ng Monte Carmelo.

Ang mga mananampalatayang bibisita sa bagong minor basilica ay makatatanggap ng plenary indulgence.

“Regarding po sa grace, it is an added title but at the same time also, yung tinatawag natin na benefits na binibigay sa atin katulad ng plenary indulgence na hindi po lahat ng simbahan ay binibigyan ng pagkakataon na maging daluyan ng pagpapala at pagbabasbas ng Diyos sa pamamagitan ng Plenary Indulgence. Permanent or we call this perpetual, forever.” paliwanag ni Father Maborrang sa Radio Veritas

Samantala, ipinaliwanag din ni Father Maborrang na hindi madali ang proseso upang madeklarang minor basilica ang isang simbahan.

Sinabi ng Pari na ilan sa mga pamantayan na kinakailangan ay pagkakaroon ng aktibong social services program, mga aktibong deboto na sama-samang nananalangin ng liturgy of the hours, pagkakaroon ng Schola Cantorum, at pagbibigay ng patuloy na pag-aaral sa mga encyclical at iba pang turo ng Santo Papa.

Sa kasalukuyan mayroon nang labinlimang Minor Basilica sa buong Pilipinas.

Ika-30 ng Nobyembre 2018 nang inanunsyo ng Vatican ang pagiging Basilica Minore ng National Shrine of Our Lady of Mt. Carmel sa Quezon City at Shrine of La Virgen Milagrosa de Badoc sa Ilocos Norte.

Inanyayahan naman ni Father Maborrang ang mga mananampalataya mga pari, relihiyoso at relihiyosa na makiisa sa maringal na pagdiriwang ng banal na misa para sa Solemn Declaration of the Basilica of the National Shrine of Our Lady of Mount Carmel, sa lunes ika-25 ng Marso ganap na alas sais ng gabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 78,088 total views

 78,088 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 121,696 total views

 121,696 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 204,265 total views

 204,265 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 215,490 total views

 215,490 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 311,717 total views

 311,717 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top