Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit na pagyabungin ang pag-ibig ng Diyos, sa pagtulong sa kapwa-Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 1,454 total views

Higit na pinagyayabong ng mga Filipino ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

Ito ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace/Caritas Philippines.

Ayon sa obispo, ito din ang dahilan ng pagpapalawak ng programa ng social arm ng simbahan para sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalu na tuwing may kalamidad.

“We don’t divide our love, we multiply it, upang mas marami ang mababahaginang kapwa,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paglunsad ng Alay Kapwa ang taunang Lenten Program ng simbahan na layong makakalap ng pondo para magsilbing emergency standby fund para sa kagya’t na pagtugon kung kinakailangan.

Tema ng 45-taong programa ng social arm ng simbahan ang ‘Dialogue Towards Harmony na may PagmaMALASAKIT, PagbaBAHAGI, at Pag-aALAY-KAPWA’ kung saan binibigyang pansin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang pananampalataya at ng mga katutubo sa bansa.

Charity beyond home and religion

Tinukoy naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na higit palalaguin ang pagtulong sa lahat ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at paniniwala sapagkat ang lahat ay kapwa anak ng Diyos.

“Hindi natatapos ang charity sa bahay lamang kundi we need charity beyond home, beyond religion,” saad pa ni Bishop Gaa.

Sa ulat ng Caritas Philippines, mahigit sa anim na milyong piso ang nalikom na pondo ng Alay Kapwa noong nakalipas na taon kung saan ibinahagi ito sa mga lugar na nasalanta ng bagyo, ang magkakasunod na lindol sa North Cotabato at sa Digos Davao del Sur gayundin ang pagtulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

Umaasa si Bishop Bagaforo na buong pusong yakapin ng mamamayan ang kapwa na nangangailangan ng pag-agapay upang maibsan ang paghihirap na nararanasan at suportahan ang mga programa ng simbahan na tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap.

Ginawa ang launching ng Alay Kapwa Luzon Region sa Diocese of Novaliches na dinaluhan ng mga delegado mula sa 17 diyosesis ng Luzon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Premyo para sa mga kaalyado?

 5,882 total views

 5,882 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 18,740 total views

 18,740 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 93,041 total views

 93,041 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 148,765 total views

 148,765 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 109,684 total views

 109,684 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

1234567