Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hilingin sa Panginoon ang kapayapaan at katiwasayan sa tulong ng Mahal na Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

 268 total views

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima sa ika – 13 ng Mayo.

Aniya, magandang pagkakataon na kasabay ng kapistahan ay ang pagpili ng mamamayan ng mga mamumuno sa bayan, kaya’t mahalagang hilingin ang gabay ng Mahal na Birhen upang makaiwas sa anumang kaguluhang dulot ng hindi pag-uunawaan sa halalan.

Ngayong nataon siya sa election it’s a good timing because our election really needs some divine intervention, we can ask the Blessed Mother to protect us, to guide us like a mother na laging gumagabay sa mga anak tungo sa kabutihan,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo ang laganap na korapsyon, pamimili at pagbebenta ng boto, dahilan ng kawalan ng wastong pagpapasya ng mga karapat-dapat na ihalal na nagiging sanhi ng kaguluhan at pagkalito.

Dahil dito, hinimok ni Bishop Florencio ang mga mananampalataya na hilingin sa Mahal na Ina ang patnubay sa bawat gawain at tungkuling gagampanan sa araw ng halalan at sa pang araw – araw na pamumuhay.

If they go to their work, ask and entrust themselves to the Blessed Mother, consecrating themselves to the Immaculate Heart of Mary lalo ngayong araw na ito [Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima] as they move whatever they do in different places, to their work, to everyone casting votes in their ballots they should ask the intercession of the Blessed Mother,” ani ni Bishop Florencio.

PANALANGIN, PAGKAKAISA PARA SA KAPAYAPAAN

Pinaalalahanan din ni Bishop Florencio ang mananampalataya na sa pagpakita ng Mahal na Birhen ng Fatima higit 100 taon ang nakalipas ay dala ang mensahe na magkaisa ang lahat upang makamit ang kapayapaan sa lipunan.

Bilang pinuno ng Military Diocese, tiniyak ni Bishop Florencio ang pagpapaigting sa pamumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nangunguna sa pagtiyak ng kaligtasan ng mamamayan at pagkamit ng kapayapaan sa pamayanan.

Inihalimbawa ng Obispo ang pagtalaga noon ni St. John Paul II sa buong daigdig sa Mahal na Birheng Maria na naging instrumento sa pagkakaroon ng kapayapaan sa mga bansang may digmaan at kaguluhan tulad ng Russia.

Gayunpaman, binigyang diin ni Bishop Florencio na tungkulin ng bawat mananampalataya, Katoliko man o hindi na magkaisa bilang mamamayan sa pagkamit ng kapayapaan sa komunidad na kinabibilangan.

As a Military Bishop I would like to call everyone that in the first place we have been redeemed by the Risen Lord and it is a paramount duty for every Christian believers and every men and women of goodwill hindi lamang Katoliko kundi sa tanan, to really pray for peace and work for peace,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

Hinimok ng pinuno ng Military Diocese ang mamamayan na sikaping makamtan ang kapayapaan sa bawat pamilya upang may pagkakasundo na maging daan sa matiwasay na lipunan at makamtan ang kabutihan panlahat.

Sa isang pahayag noon ni St. Paul VI, ang kapayapaan ay daan tungo sa maunlad na lipunan.

On my part I will pray to you all not only this time of election but throughout this year until such time that we can have that peace that we want to achieve,” saad pa ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,036 total views

 17,036 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,124 total views

 33,124 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 70,844 total views

 70,844 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 81,795 total views

 81,795 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 25,489 total views

 25,489 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top