Ipagdasal ang kaligtasan ng PPCRV volunteers

SHARE THE TRUTH

 292 total views

Nagpaabot ng panalangin ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting para sa kaligtasan ng lahat ng PPCRV volunteers na magbabantay sa halalan.

Tinukoy ni PPCRV Chairperson Myla Villanueva ang sitwasyon ng mga volunteer sa mga lugar na itinuturing na election hotspot na itinataya ang buhay para matiyak ang maayos at matapat na midterm elections.

Inihayag ni Villanueva ang pasasalamat ng pamunuan ng PPCRV sa lahat ng mga volunteers mula sa iba’t-ibang diyosesis sa buong bansa na buong pusong ibinibigay ng walang kapalit ang kanilang oras at panahon.

Unang-una gusto kong mag-ingat kayo mas lalo na po sa mga hotspots at mga you know mapeligro pero napakahalaga po ng inyong trabaho at nagpapasalamat po kaming lahat sa ating mga volunteers kasi ibang klase talaga ang PPCRV volunteers, ang kanilang panahon ibinibigay nila, freely, libre at lahat puso so ang laki po ng pasasalamat dapat ng bansa at kami po sa PPCRV national thank you…” pahayag ni Villanueva sa panayam sa Radyo Veritas.

Batay sa tala may 300,000 ang mga volunteers ng PPCRV mula sa 86 na diyosesis sa buong bansa na magsisilbing tagapagbantay ng Simbahan sa kaayusan at katapatan ng halalan sa may 86,000 clustered precincts sa buong bansa.

Samantala umaabot naman sa 1,196 na mga lugar ang tinukoy bilang election hotspots ng Commission on Elections (COMELEC) kabilang na ang lahat ng mga lugar sa Mindanao na una ng inilagay sa ilalim ng “red category” o areas of grave concern dahil sa matinding away pulitika na posibleng magresulta sa karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 226 total views

 226 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,046 total views

 15,046 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,566 total views

 32,566 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,139 total views

 86,139 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,376 total views

 103,376 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,369 total views

 22,369 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,838 total views

 24,838 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top