Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi kailangan ng armas para sa kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mga Kapanalig, ilang araw pa lamang nang nagbanta si Pangulong Duterte na ipahuhuli at ipakukulong niya ang mga hindi papayag na magpabakuna, nakadidismaya (ngunit hindi na nakagugulat) na karahasan na naman ang gustong palaganapin ng presidente. Iminungkahi niyang bigyan ng baril ang mga civilian volunteers upang makatulong daw sa pagpapatupad ng batas. Sinabi niya ito sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng “Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers” sa Kampo Crame sa Quezon City noong ika-25 ng Hunyo. Bagamat nilinaw na ng Malacañang na hindi pa ito ganap na patakaran, pinangangambahan pa rin ito ng ilang mambabatas lalo na’t marami nang mga kaso ng mga pulis at sundalong umaabuso sa kapangyarihan nilang humawak at gumamit ng baril. Mas magiging delikado kung dadagdgan pa ang mga taong wala namang kasanayang gumamit ng baril.

Nakakaalarma ang ganitong ideya ng pangulo, at nakababahala kung maisasakatuparan ito dahil maaari itong maging sanhi ng pagdami ng mga kaso ng walang habas na pamamaril ng mga naturingang tagapagpatupad ng batas. Sinong makalilimot sa kaso ng isang pulis sa Tarlac na bumaril at pumatay sa mag-inang nakasagutan niya? O sa kaso ng isang lasing na pulis na pumatay sa isang 52 taong gulang na babae sa Quezon City? Hindi natin inihahalintulad ang dalawang pulis sa mga civillian crime volunteers, ngunit mahalagang isaalang-alang na palaging nariyan ang tuksong gamitin ang baril bilang panakot. Hindi rin imposibleng makaudyok ito sa sinumang may hawak na baril upang depensahan ang kanyang sarili, kahit sa pagkakataong hindi naman kailangan.

Hindi natin binabalewala ang maitu­­tulong ng mga civilian crime volunteers sa kapulisan, ngunit hindi pa ba sapat ang malaking badyet na inilalaan para sa sahod ng mga pulis upang gampanan nila nang mahusay ang tungkulin nilang panatilihin ang peace and order sa mga komunidad nang hindi kinakailangang magdagdag ng armadong sibilyan? May mabigat na rason kung bakit mahirap at mahigpit ang proseso ng pagkakaroon at pagbitbit ng baril: kapag binigyan ng baril ang isang tao, para bang binibigyan din siya ng kapangyarihang hawakan ang buhay ng ibang tao. Maaari din itong magbigay sa kanila ng pakiramdam na may kapangyarihan sila sa ibang tao at maaari itong magamit sa maling paraan. Kung hindi pag-iisipang maigi, hahantong ang mungkahing armasan ang mga civilian volunteers sa mas maraming pang-aabuso sa karapatang pantao.

Bagamat kinikilala natin ang ambag ng mga civillian volunteers sa pagtugon sa krimen sa pamamagitan ng pagbibigay nila sa kinauukulan ng tama at tunay na impormasyon, hindi kailangang idaan lagi sa dahas ang pagpapanatili ng kapayapaan sa ating paligid. Mas magkakaroon ng kapanatagan at katahimikan ang ating lipunan kung hindi karahasan ang paiiraling solusyon. Gaya ng sabi sa Mateo 5:9, “mapalad ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan, dahil tatawagin silang mga anak ng Diyos.” Binibigyang-diin din sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang prinsipyo ng peace and active non-violence na kung saan dapat protektahan ang karapatan sa buhay sa pamamagitan ng paghahanap ng mga mabisang paraan upang maiwasan ang kaguluhan at malutas ang mga ito sa mapayapang pamamaraan.

Mga Kapanalig, isang pribilehiyo na makukuha sa pamamagitan ng mahigpit at mahabang proseso ng pagsasanay at disiplina ang pagkakaroon ng baril at ang karapatang bitbitin ito sa publiko. Mas dapat pagtuunan ng pansin ng kinauukulan at ng mga mambabatas ang pagpapaigting sa pagkontrol ng pagkuha at pagkakaroon ng baril at ang hindi pagturing dito bilang tanging paraan upang tugunan ang probema natin sa kriminalidad. Sa huli, kailangan ang ibayong pagsisikap, pagtutulungan, at pakikiisa ng mga pulis at ng mga mamamayan upang tunay na maging mapayapa at maayos ang ating mga komunidad.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,829 total views

 4,829 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,584 total views

 10,584 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,847 total views

 17,847 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,832 total views

 25,832 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,367 total views

 33,367 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 4,830 total views

 4,830 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 10,585 total views

 10,585 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 17,848 total views

 17,848 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 25,833 total views

 25,833 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 33,368 total views

 33,368 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,889 total views

 46,889 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,931 total views

 54,931 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,488 total views

 46,488 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,913 total views

 44,913 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,699 total views

 46,699 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,624 total views

 43,624 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,938 total views

 57,938 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,628 total views

 61,628 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,231 total views

 60,231 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,218 total views

 70,218 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top