CBCP, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa naiwang pamilya ng mga sundalong nasawi sa Sulu plane crash

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 571 total reads

Ikinalungkot ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Airforce sa Jolo Sulu.

Sa pahayag ni CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles, tiniyak nito ang pakikiisa at pakikiramay sa naiwang pamilya ng mga nasawing mga sundalo.

“It is with great sadness that we, your bishops, received the news of the crash of a C-130 aircraft in Jolo, Sulu; As your pastors, we share the pain of loss that this recent news has brought us. We condole with the families and friends of the several soldiers and civilians who were killed by the crash,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines, sakay ng bumagsak na C-130 aircraft ang mga indibidwal na katatapos lamang sa kanilang training sa Cagayan De Oro.

Bukod dito, dalangin din ng CBCP ang dagliang paggaling ng mga survivor sa plane crash na kasalukuyang ginagamot sa iba’t ibang pagamutan sa Mindanao.

“To our merciful Lord we commend the souls of our departed soldiers, and we invoke His healing hands upon those who have survived and who have sustained injuries,” ani ng arsobispo.

Sa pinakahuling ulat ng AFP, umabot na sa 52 ang nasawi sa insidente kung saan 49 ang mga sundalo habang tatlo naman ang sibilyan.

Nanatilli naman sa 47 sundalo ang labis na napinsala at apat na sibilyan ang kasalukuyang ginagamot sa mga pagamutan.

Panawagan ng CBCP sa mamamayan na magkaisang manalangin para sa katatagan ng bawat isa lalo na sa pamilya ng mga biktima.

“We enjoin all our sisters and brothers – Christians, Muslims, as well as all people of good will – to continue to be united – in solidarity and prayer – with the search and retrieval team of our armed forces, those who are recovering in hospitals, and the families of the deceased,” dagdag pa ni Archbishop Valles.

Nauna nang nagpaabot ng panalangin at nag-alay ng Banal na Misa ang Military Ordinariate of the Philippines sa pangunguna ni Bishop Oscar Jaime Florencio para sa mga biktima ng C-130 plane crash.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 35,051 total reads

 35,051 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 141,161 total reads

 141,161 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 177,948 total reads

 177,948 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 208,524 total reads

 208,524 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 255,530 total reads

 255,530 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top