Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Installation ni Bishop Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan, itinakda sa ika-19 ng Agosto

SHARE THE TRUTH

 357 total views

Ibinahagi ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan na itinakda sa Agosto 19, 2021 ang pagtatalaga kay Bishop Broderick Pabillo bilang bagong pinuno ng bikaryato.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Fr. Rey Aguanta, ang kasalukuyang tagapangasiwa ng Apostolic Vicariate, sinabi nitong patuloy ang paghahanda ng bikaryato lalo’t marami ang kinokonsidera dahil sa kasalukuyang sitwasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

“Nagmi-meeting pa rin kami mga pari pero ang baseline po natin sa August 19 ang installation sa St. Joseph Cathedral,” bahagi ng pahayag ni Fr. Aguanta sa Radio Veritas.

Ayon pa sa pari, patuloy ang kanilang koordinasyon sa lokal na pamahalaan para paghandaan ang pagdating ng mga panauhin na nais makiisa at dumalo sa pagtatalaga kay Bishop Pabillo.

Alas nuwebe ng umaga sa August 19 ang inisyal na napagkausunduang petsa at oras ng pagtatalaga sa St. Joseph the Worker Cathedral sa Taytay Palawan.

Sa hiwalay na panayam ng himpilam kay Bishop Pabillo, ibinahagi nitong sa ikalawang linggo ng Agosto ay tutungo na ito sa Palawan upang paghandaan at makipagkita sa mga pari ng bikaryato.

Tiniyak naman ng Apostolic Vicariate ang mahigpit na pagsunod sa mga safety health protocol upang mapanatili ang kaligtasang pangkalusugan ng mga dadalo sa pagluklok ng bagong obispo ng Taytay Palawan.

Matatandaang Hunyo 29 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo at pagdiriwang ng Popes Day ay inanunsyo ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang appointment ni Bishop Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Taytay Palawan na sede vacante mula pa noong 2018.

Bukod kay Bishop Pabillo, itinalaga rin si Msgr. Noel Pedregosa bilang Obispo naman ng Malaybalay.

Sa kasalukuyan apat pa rin ang bakante sa bansa ang Archdiocese ng Capiz, Diocese ng Alaminos, Apostolic Vicariate ng San Jose Mindoro at Apostolic Vicariate ng Calapan na pansamantalang pinangasiwaan ni Fr. Nestor Adalia mula pa noong 2018 dahil sa karamdaman ni Bishop Warlito Cajandig.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 106,989 total views

 106,989 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 114,764 total views

 114,764 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 122,944 total views

 122,944 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 137,936 total views

 137,936 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 141,879 total views

 141,879 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top