Interest at penalties sa Cooperative loans, aalisin ng CDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 740 total reads

Tiniyak ng Cooperative Development Authority na gumagawa ito ng mga hakbang para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Sa panayam ng Radio Veritas kay CDA Chairman Undersecretary Joseph Encabo, hinikayat nito ang mga kooperatiba sa bansa na pag-aralan ang mga programa na mapakikinabangan ng mga kasapi.

Dagdag pa ni Encabo na bukod sa pagpalago ng kabuhayan sa pamamagitan ng kooeratiba ay nakatutulong din ito upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mamamayan.

“We encourage the cooperatives to do more and study on their programs, paano nila masuportahan yung kanilang mga miyembro; we also encourage the cooperatives to venture to other business line para maka-generate tayo ng employment sa mga tao,” pahayag ni Encabo sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng opisyal na pag-aralan din ng mga kooperatiba ang pagbibigay ng loan sa mga miyembro at pag-waive sa interes at penalties ng mga existing loans upang hindi mahirapan ang mga miyembro sa pagbabayad lalo ngayong panahon ng pandemya.

Sinabi pa ni Encabo na makikipagtulungan din ito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga programa upang makatulong sa dagliang pagbangon ng ekonomiya na pinahina ng pandemya.

“One of the best approaches namin is to come up with a whole of government approach, we partner with other government agencies, provide technical assistance, identify yung mga business na pwedeng gawin that will generate income at the same time employment so thats the way we can bounce back,” ani Encabo.

Ang mensahe ng pinuno ng CDA ay kasabay ng pagdiriwang ng International Day of Cooperatives noong Hulyo 3 kung saan isang blended celebration ang isinagawa sa bansa sa pangunguna ng CDA.

Sa datos na ibinahagi ng CDA, sa Pilipinas noong 2019 tinatayang nasa 12 milyon ang kasapi ng iba’t ibang kooperatiba at nakapagbigay ng trabaho sa 520 libong indibidwal.

Umabot na rin sa 515 bilyong piso ang total assets ng mga kooperatiba sa bansa habang nakapagbahagi rin ito ng anim na bilyong pisong halaga ng tulong sa COVID-19 pandemic response sa mga miyembro at sa buong komunidad.

Sa isang pagpupulong sa Italya noong 2015 kinilala ni Pope Francis ang mahalagang tungkulin ng mga kooperatiba sa pagkamit ng ‘economy of honesty’ kung saan sa patuloy na pagtuklas ng mga bagong pagkakakitaan at negosyo ay higit nabibigyang oportunidad ang mamamayan na kumita at matustusan ang pangangailangan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 36,895 total reads

 36,895 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 142,889 total reads

 142,889 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 179,676 total reads

 179,676 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 210,252 total reads

 210,252 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 257,189 total reads

 257,189 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top