CBCP, ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 424 total views

Nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa panalangin para sa agarang paggaling ng Kanyang Kabanalan Francisco.

Ito ang pahayag ni CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles matapos ma-ospital ang Santo Papa at sumailalim sa operasyon sa colon diverticulitis.

“On behalf of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, I enjoin everyone to pray to the Lord and beg for our Blessed Mother’s intercession for the speedy recovery of Pope Francis,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Tiniyak naman sa pahayag ni Matteo Bruni, Director ng Holy See Press Office na nasa mabuting kalagayan si Pope Francis matapos ang operasyon.

Inalala ng CBCP ang pagbisita noon ng Santo Papa sa Pilipinas upang ipadama ang pagmamahal sa mga Filipino lalo na sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Dahil dito hinikayat ni Archbishop Valles ang mananampalatayang Filipino na patuloy ipanalangin ang Santo Papa bilang pagpapakita ng pagmamahal sa pinunong pastol ng simbahang katolika.

“We remember his beautiful and very inspiring Apostolic Visit to our country in 2015. We continue to feel his love for the Filipino people. In this particular time, let us show our love and affection for him. Let us pray together – clergy, religious and consecrated persons, our covenanted communities, our lay faithful, – for the complete recovery of Pope Francis,” ani ng arsobispo.

Matatandaang Hulyo 4 nang isugod sa Gemelli Hospital sa Roma si Pope Francis para sa operasyon. Nagpaabot din ng panalangin ang iba’t ibang grupo, organisasyon at mga indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig para sa agarang paggaling ng Santo Papa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 20,366 total views

 20,366 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 39,338 total views

 39,338 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 72,003 total views

 72,003 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 77,015 total views

 77,015 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 119,087 total views

 119,087 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top