VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi pagpaparusa kundi paghilom

SHARE THE TRUTH

 812 total views

Mga Kapanalig, nagsimula kahapon ang Prison Awareness Week na may temang, “Affirm an Option for Love, Work for Justice that Heals.” Sa Filipino, pagtibayin ang pagpili sa pag-ibig, magsikap para sa katarungang naghihilom.

Isang linggo bago ang Prison Awareness Week, bumisita ang pangulo sa Camp Bagong Diwa, isang malaking bilangguan sa Taguig. Pinuri niya ang BJMP o Bureau of Jail Management and Penology dahil sa maayos na kalagayan ng mga bilanggo sa kabila ng kakarampot na badyet ng ahensya. Gayunman, problema pa rin ang pagkakaroon ng sapat na espasyo para sa mga nakapiit, kaya’t nangako ang pangulo na magpapatayo siya ng karagdagang gusali upang mabawasan ang siksikan. Magbibigay rin daw siya ng mga telebisyon para may libangan ang mga nakakulong.

Ngunit malayo sa kalagayan sa Camp Bagong Diwa ang sitwasyon sa karamihan ng mga bilangguan sa ating bansa. Ayon sa report ng Commission on Audit o COA, overcrowded ang ating mga bilangguan—limang na beses na mas marami kaysa sa kapasidad o sa bilang ng mga bilanggong kayang tanggapin ng mga ito. Noong natapos ang 2016, mayroong mahigit 120,000 na inmates sa mga piitang pinangangasiwaan ng BJMP, gayong nasa 20,000 lamang ang kapasidad ng mga ito. Nawa’y hindi mapako ang pangako ng pangulo sa mga nasa Camp Bagong Diwa, at sana’y ganito rin ang kanyang ipagawa sa iba pang bilangguan sa buong bansa.

Maraming beses nang itinampok sa mga pahayagan at dokumentaryo sa telebisyon ang kaawa-awang kalagayan ng mga kababayan nating nakakulong. Nariyang nagsasalitan sa pagtulog ang mga preso dahil hindi sila kasya sa kanilang selda. Mayroon pa ngang sa mga baitang ng hagdan natutulog. Dagdag pa ng COA sa ulat nito, hindi mabawas-bawasan ang mga bilanggo dahil sa mabagal na pag-usad ng mga kaso at kakulangan ng mga hukom na didinig sa mga ito. Lumalâ pa ang kalagayan sa mga kulungan dahil sa dami ng mga naaresto kaugnay ng giyera kontra droga ng administrasyon.

Hindi lamang overcrowding ang problema sa ating mga bilangguan. Nariyan ang kakulangan ng pagkain at serbisyong medikal na mahalaga para sa kalusugan ng mga bilanggo dahil sa kabila ng kanilang pagkakasala sa batas, mga tao silang may dignidad.  Nakalulungkot na may mga nagkakaroon ng matinding karamdaman at namamatay dahil sa kawalan ng sapat na bentilasyon at pagkain. Marami rin sa mga bilanggo ang hindi na dinadalaw ng kanilang mga mahal sa buhay, at malaki ang epekto ng pangungulila sa kanilang sikolohikal na kalusugan.

Ngayong Prison Awareness Week, pinapaalalahan tayong hindi dapat ginagawa ang pagbibilanggo para lamang parusahan ang mga taong lumalabag sa batas. May mas malawak, malalim, at makataong layunin ito—ang hilumin ang pagkasirang tinamo ng bilanggo dahil sa krimeng nagawa, ang ibsan ang sakit na naidulot sa pamilya, at ang buuing muli ang ugnayan ng nagkasala sa kanyang komunidad. Ito ang ibig sabihin ng “justice that heals”.

Sabi nga ni Pope Francis sa kaniyang mensahe sa mga bilanggo sa Argentina noong Agosto, “…for the punishment to be fruitful, it must have a horizon of hope.” Magiging mabunga ang pananatili sa loob ng piitan kung naghahatid ito ng pag-asa—sa halip na pagdurusa—sa mga nakapiit. Hindi dapat makabawas sa dignidad ng mga bilanggo ang pananatili nila sa kulungan, kaya’t napakahalaga ng mga programang pangkabuhayan, pang-edukasyon, at formation para sa mga inmates. Kung walang pag-asang maibibigay sa mga nakapiit na sila’y muling makakabalik sa kanilang komunidad, para na rin silang tinortyur.

Mga Kapanalig, sa kabila ng negatibong pagtingin ng lipunan sa mga taong nasa bilangguan ay mga kwento ng pag-asa, ng pagsusumikap na magbagong buhay. Posible ito kung pipiliin natin ang pag-ibig, ang pagturing sa mga kapatid nating nakakulong bilang mga tao, at ang katarungang hindi nagpaparusa kundi naghihilom.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Inclusive Education

 4,703 total views

 4,703 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 10,460 total views

 10,460 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 17,723 total views

 17,723 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 25,708 total views

 25,708 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 33,244 total views

 33,244 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 4,705 total views

 4,705 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 10,462 total views

 10,462 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 17,725 total views

 17,725 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 25,710 total views

 25,710 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 33,246 total views

 33,246 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 46,875 total views

 46,875 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 54,917 total views

 54,917 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,474 total views

 46,474 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,899 total views

 44,899 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,685 total views

 46,685 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,610 total views

 43,610 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,924 total views

 57,924 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,614 total views

 61,614 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,217 total views

 60,217 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 70,204 total views

 70,204 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top