94,153 total views
Ano ba talaga ang trabaho ng mga mambabatas (Senador at Kongresista)?
Simple lang ang sinasabi ng 1987 Philippine Constitution: ang trabaho ng mga mambabatas ay maghain, magdebate at mag-apruba ng batas.
Hindi sila ibinoto para mamigay ng relief goods, mamigay ng ayuda, mamigay ng gamut, magpagawa ng basketball court, maging punong-abala sa pamburol., maging kontraktor ng mga kalsada, tulay, magpagawa ng mga flood control,magpatayo ng mga waiting shed sa kalagitnaan ng highway, lump shed, feeding programs. Ang panlilimos ay trabaho, gawain at responsibilidad ng mga local government units (LGU)., trabaho ito ng gobernador at mayor na nakasaad sa Local Government Code of 1991 o RA 7160. Ang executive branch ng pamahalaan ang dapat nagtitiyak na natatamasa ng taumbayan ang serbisyong ito, hindi ang mga mambabatas na naliligaw ng landas o hindi alam ang gagawin? Kailangan ba ng bayan ang mga pet projects kuno ng mga mambabatas?
Pero bakit nalilito ang mga mambabatas sa kanilang papel? Sinasayang ang oras na dapat ay nakalaan sa paggawa ng batas.
Kapanalig, ang pagbibigay ng tulong mula sa budget ng opisina ng mga mambabatas ay malinaw na technical malversation. Kapag ginastos naman ang pondo sa personal na kampanya at pampapogi ay malinaw na pang-abuso sa pera ng taumbayan. Ang pondo ng mga mambabatas ay para sa pag-aaral ng mga batas, pagbibigay suporta sa mga panukala, pananaliksik at pagsisiyasat sa mga polisiya ng gobyerno.
Ang hindi pagtupad ng mga mambabatas sa saligang batas ang naging simula ng lantarang pagnanakaw sa kaban ng bayan tulad ng pork barrel funds, na naging Priority Development Assistance Fund na idineklarang unconstitutional ng Korte Suprema. Dahil bawal na ang pork barrel, gumawa ang mga mambabatas ng bagong pagkakaperahan sa pamamagitan ng budget insertions..ang bagong modus ng mga mambabatas ay naunsiyame., nabunyag ang matinding katiwalian sa mga ghost project at mga depektibong flood control projects na pinondohan ng 545-bilyong piso.
Kapanalig, ang pakikialam ng mga mambabatas sa trabaho ng mga LGU at executive branch ay hindi usapin ng pagiging mabait at matulungin. Ito ay usapin ng tamang panggamit ng kapangyarihan at pondo. Ginawa ng mga mambabatas na ito ang publiko na ignorante, ginagawa nilang negosyo at gatasan ang mamamayan.
Ang gawaing ito ng mga mambabatas ay nagpapalubha lamang sa kahirapan at kawalang kaalaman ng mga tao tungkol sa tunay na tungkulin ng mga opisyal. Oras na Kapanalig, ika nga., “draw the line”. Dapat nang maituwid kung ano talaga ang tungkulin ng isang mambabatas na nakasaad sa saligang batas ng Pilipinas. Alisin na sa mga mambabatas ang kapangyarihan sa line budgeting at budget insertions!
Iginigiit ng Compendium of the Social Doctrine of the Church(165), “A society that wishes and intends to remain at the service of the human being at every level is a society that has the common good – the good of all people and of the whole person [347] – as its primary goal. The human person cannot find fulfilment in himself, that is, apart from the fact that he exists “with” others and “for” others.”
Sinasabi ng “Isaiah 10:1 -Woe to those who make unjust laws, to those who issue oppressive decrees.”
Sumainyo ang Kat




