Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi sagot ang karahasan

SHARE THE TRUTH

 322 total views

Mga Kapanalig, muling naging kontrobersyal si dating Undersecretary Lorraine Badoy, tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (o NTF-ELCAC). Dahil ito sa pagbabanta at pag-red tag niya kay Manila Regional Trial Court Judge Marlo Magdoza-Malagar. Kamakailan, naglabas ng desisyon si Judge Magdoza-Malagar laban sa petisyon ng Department of Justice (o DOJ) na ituring na teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines (o CPP) at New People’s Army (NPA). Para sa hukom, hindi sapat ang ebidensyang inihain ng DOJ upang ituring na terorista ang CPP at NPA.

Labis na ikinadismaya ni ex-Usec Badoy ang naging desisyon ni Judge Magdoza-Malagar. Aniya, ipinagtatanggol daw ng hukom ang CPP at NPA dahil kakampi at kaibigan siya ng mga grupong ito. Sa burado na niyang Facebook post, sinabi niyang kung papatayin niya ang hukom dala ng kanyang paniniwalang lahat ng kakampi at kaibigan ng CPP at NPA ay dapat patayin, maging maluwag sa kanya ang mga tao. Dagdag pa niya, pasasabugin daw nila ang opisina ng mga hukom na itinuturing nilang tiwali at kaibigan ng mga teroristang grupo, kahit pa lumuhod sila at magmakaawa para sa kanilang buhay. Nakalulungkot ang mga bantang ito mula sa anak ng isang dating Sandiganbayan justice.

Naalarma ang maraming grupo sa pahayag ni ex-Usec Badoy. Noong isang linggo, naglabas ng babala ang Korte Suprema sa mga nag-uudyok ng karahasan laban sa mga hukom at kanilang pamilya sa pamamagitan ng social media. Anila, maaari itong maituring na contempt o paghamak sa korte. Para sa National Union of Peoples’ Lawyers, ang mga nakababahalang pahayag laban kay Judge Magdoza-Malagar at iba pang miyembro ng hudikatura ay hindi maituturing na patas at batay sa makatwirang kritisismo. Kung pababayaan, maaari daw sirain ng mga kasinungaliang ibinabato sa kanila ang tiwala ng taumbayan sa sistemang pangkatarungan sa bansa.

Ayon naman sa Movement Against Disinformation, malinaw na layunin ng mga naging pahayag ni ex-Usec Badoy na manipulahin ang opinyon ng publiko at mag-enganyo ng karahasan laban sa hukom. Kinundena rin ng Chevening Alumni Association, kung saan miyembro si  Judge Magdoza-Malagar, ang mga pahayag laban sa hukom na sa katunayan ay ginagawa lamang ang kanyang tungkuling protektahan ang karapatang pantao. Sinigurado naman ng Philippine National Police na iimbestigahan nila ang mga banta laban sa hukom.

Naniniwala ang Simbahang hindi maaaring umiral nang magkasabay ang kapayapaan at karahasan. Kung saan may karahasan, wala roon ang presensya ng Diyos. Hindi kailanman magiging tugon sa mga suliranin sa lipunan ang karahasan. Ang karahasan ay isang kasinungalingan; labag ito sa katotohanan ng ating pananampalataya, sa ating pagkatao. Sinisira mismo ng mga nagpapalaganap ng karahasan ang buhay at dignidad ng tao at ang ating kalayaan na sinasabing ipinagtatanggol nila.

Hindi matutugunan ang presensya ng mga rebelde ng mga bantang pagpatay at pagpapasabog sa opisina ng mga hukom na inaakusahang kakampi ng mga grupong ito. Una, kailangang tugunan ang ugat ng pagrerebelde katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan. Ikalawa, kung totoong ang layunin ng pagtugis sa mga terorista ay itaguyod ang buhay at kaligtasan ng lahat, bakit pagkitil ng buhay ang nakikitang sagot ni ex-Usec Badoy. At panghuli, ang mga banta ay laban pa sa mga taong hindi napapatunayang kaanib ng mga rebeldeng grupo at ginagawa lamang ang kanilang trabaho.

Mga Kapanalig, katulad ng mensahe ng Diyos sa 1 Cronica 22:8: “Hindi ka bumubuo ng tahanan sa Aking ngalan dahil marami kang dugong pinadanak sa mundo.” Hindi natin makakamit ang makatao, makatarungan, at mapayapang lipunan kung magpapadanak tayo ng dugo. Ang pagpapanday sa Kaharian ng Diyos dito sa lupa ay hindi kailanman magaganap sa pamamagitan ng karahasan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,464 total views

 5,464 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 18,604 total views

 18,604 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,577 total views

 24,577 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,332 total views

 30,332 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 37,594 total views

 37,594 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,465 total views

 5,465 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 18,605 total views

 18,605 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 24,578 total views

 24,578 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 30,333 total views

 30,333 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 37,595 total views

 37,595 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,024 total views

 41,024 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,405 total views

 36,405 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,409 total views

 48,409 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,451 total views

 56,451 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,008 total views

 48,008 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,433 total views

 46,433 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,219 total views

 48,219 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,144 total views

 45,144 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,458 total views

 59,458 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,148 total views

 63,148 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top