Hingin ang tulong ni San Roque, laban sa COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 873 total reads

Hinikayat ni Antipolo Bishop Francisco De Leon ang mananampalataya na manalangin kay San Roque dulot ng banta ng Corona Virus Disease o COVID-19.

Ito ay kaugnay na rin sa panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa na sa kabuuan ay umabot na lima makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DoH) ang dalawang bagong kaso.

Ayon sa DoH, ito ay ang isang 48 gulang na Filipino mula sa Japan at ang 62 taong gulang na Filipino na hindi naman lumabas ng bansa-ang kauna-unahang local transmission ng virus sa Pilipinas.

Ayon sa Obispo, bukod sa pag-iingat na ipinatutupad ng pamahalaan at ng simbahan, makatutulong rin ang paghingi ng pagpapamagitan ni San Rouqe na siya ring patron ng mga may sakit.

“Bilang pagdarasal rin ay maaari natin padaanin ito sa mga patron ng mga may plague (salot) tulad ni San Roque. Pwede tayo magdasal at magsumamo sa kanya na maging intercessor siya natin sa Panginoon. Kilala po natin si San Roque, kaya tawagan po natin siya na ipagdasal sa Panginoon na matapos na ang plague na ito,” bahagi ng pahayag ni Bishop De Leon sa Radyo Veritas.

Inanyayahan rin ng obispo ang mga mananampatalaya na sumunod sa mga panuntunan ng pamahalaan kaugnay ng COVID-19.

Una na ring nagpatupad ang Simbahan ng mga panuntunan upang maging mas ligtas ang mga mananampalataya lalo na ngayong panahon ng Kwaresma.

Read: Panuntunan ng CBCP laban sa COVID-19 sa Holy Week

Patuloy ang abiso ng CBCP na dasalin ang sa lahat ng banal na misa ang Oratio Imperata laban COVID-19. (Cindy Gorospe)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 19,536 total reads

 19,536 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 56,438 total reads

 56,438 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 282,708 total reads

 282,708 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 176,175 total reads

 176,175 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 269,161 total reads

 269,161 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,922 total reads

 4,922 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top