Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 160 total views

5th Sunday of Lent Cycle C

Is 43:16-21 Phil 3:8-14 Jn 8:1-11

Ngayong Linggo tinatakpan na ang mga larawan at mga estatwa sa simbahan. Sa pamamagitan ng simpleng gawaing itong sinasabi sa atin ng simbahan na huwag na muna ninyong pansinin ang mga pangkaraniwang mga bagay na nakikita ninyo sa simbahan. May bagong gagawin ang Diyos sa atin. Abangan natin ang bagong bagay na ito na dadalhin ng kanyang pagpapakasakit at kamatayan. Let us use our imagination at maging handa tayo sa mga bagong bagay na gagawin ng Diyos.

Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni propeta Isaias: “Huwag na ninyong alalahanin ang mga pangyayari ng nakaraan. Gagawa ako ng mga bagong bagay, mga bago na hindi ninyo inaasahan tulad ng bagong daan sa disyerto, tulad ng magkakaroon ng tubig sa mga lupang tigang, tulad ng mga hayop na maiilap tulad ng jackals at ostriches na sasamba sa akin.” Hindi ba sinabi din ito ng Diyos sa Aklat ng Pahayag: “I will make all things new. There will be a new heaven and a new earth”? Mawawala na ang dating mundo at ang dating langit. Papanibaguhin ng Diyos ang lahat.

Paano ito mangyayari? Ang kanyang kamatayan ay tanda ng kamatayan ng mga dating bagay, ang kamatayan ng kasamaan. Ang kanyang muling pagkabuhay ay ang pagdating ng bagong kaayusan na gagawin ni Jesus. Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang simula ng mga bagong bagay na gagawin ng Diyos.

Ang bagong bagay na ito ay naranasan ng babae sa ating ebanghelyo. Nahuli siya sa kanyang pangangalunya. Maaaring ito ay matagal na niyang ginagawa. Alam niya at alam ng bawat Hudyo na ang parusa dito ay kamatayan. Pero hindi siya makaalis sa kanyang dating gawain hanggang nahuli siya. Dinala ang babaeng ito kay Jesus. Ginamit siya bilang isang pain. Ano daw ang gagawin sa kanya? Kung sasabihin ni Jesus na pakawalan siya, kasi alam nila na maawain siya, masasabi nila na hindi siya sumusunod sa Batas ni Moises na nagtakdang dapat batuhin ang nangangalunya hanggang mamatay. Kung sasabihin ni Jesus na ipataw ang kamatayan sa kanya, hindi na siya mahabagin at isusumbong nila si Jesus sa mga Romano na nagtakdang sila lang ang makahahatol ng kamatayan. Nakulong ang mga tao sa pananaw na makasalanan ang babae at dapat parusahan. Iba ang pananaw ni Jesus. Para kay Jesus bago tayo tumingin sa iba tingnan muna natin ang ating sarili. Bago tayo manghusga sa iba, suriin muna natin ang ating buhay.

Kaya sinabi niya na ang walang kasalanan sa kanila ang mauna na humagis ng bato. Mabuti naman at honest ang mga tao. Ang attention nila ay nawala na sa babae kundi bumaling sa sarili nila. Tiningnan ang kanilang sarili at isa-isa silang umalis. Wala sa kanila ang may karapatang humagis ng bato kasi silang lahat ay may kasalanan din. Ang pinaka-climax ng kuwento ay noong si Jesus na lang at ang babae ang naiwan. Si Jesus ay walang kasalanan. Siya ang maaaring humagis ng bato. Pero napakaganda ng sinabi ni Jesus. “Ako rin, hindi kita paparusahan. Umalis ka na at huwag ka nang magkasala.” Hindi binalewala ni Jesus ang kanyang kasalanan. Alam niya na may kasalanan siya, pero ang tagumpay sa kasalanan ay hindi ang pagpatay sa makasalanan kundi ang pagbabago sa nagkasala. Siguradong nagbago ang babae. Nag-aantay na lang siya ng unang bato na tumama sa kanyang ulo o sa kanyang dibdib, ngunit ngayon malaya na siya, at buhay pa!

Ang pananaw na ang tagumpay sa kasamaan ay ang pag-eliminate ng masasama ay nasa kultura pa rin natin, kahit na 500 years na tayong Kristiyano. Kaya tahimik lang tayo habang pinapatay ang mga suspected na drug addict o ang mga tinuturing na communista. Addict kasi eh! Communista kasi eh! O ngayon, ilang libo na ang pinatay ng extra-judicial killings at ilang libo na rin ang nailigpit dahil sa red-tagging, nabawasan ba ang mga drug problem ng bansa? Nawala ba ang mga progresibong grupo? Bigo ang drug war! Bigo rin ang red-tagging! May mga tao pa rin na naniniwala na ang solusyon sa mga karumaldumal na criminal ay ang pagbitay sa kanila. Kaya gusto pang isulong ang death penalty. Kailan tayo matututo sa aral ni Jesus na pagbabago ng mga criminal, at na ang kailangan ng mga drugs addicts ay rehabilitation at hindi pagpapatay! Ito ang bagong bagay na dinadala ni Jesus.

Naranasan din ito ni San Pablo. Napakasama niya. Hindi lang siya hindi naniniwala sa katuruan ng mga apostol na si Jesus ay ang Kristo. Pinanghuhuli pa niya ang mga Kristiyano at pinapakulong. Sumang-ayon pa siya sa pagpatay kay Esteban, ang unang martir ng simbahan. Pero hindi siya tinumba ng Diyos. Oo, natumba siya sa lupa noong naranasan niya si Jesus sa daan patungong Damasco. Natumba siya pero binangon uli siya. Binago siya! Kaya ngayon nasabi niya sa ating ikalawang pagbasa na tinalikdan na niya ang pinagmamalaki niya noon, ang kanyang kaalaman sa batas ni Moises at ang pamumuhay niya bilang isang magaling na Pariseo. Itinuring na niya itong walang kuwenta, na tulad na lang ng basura, na ngayon nakilala na niya si Kristo. Nagbagong tao na siya! Siya pa ang naging napakagaling na tagapagpahayag ni Kristo. Naranasan niya ang pagbabago sa kanya, at naging masigasig siyang apostol.

Nalalapit na ang Mahal na Araw. Let us be ready for the new things that God will bring about. Kaya huwag na muna nating pansinin ang mga dating bagay na nakikita natin at ginagawa natin. Hayaan nating baguhin tayo ng Diyos. Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa pagpapanibago.

Ngayong palapit na ang halalan marami sa kababayan natin ay nakatali pa sa nakaraan, sa dating gawi. Nasa paniniwala pa na …. “Ay pare-pareho naman ang mga kandidatong iyan. Wala nang mangyayaring bago sa bansa natin. Ganyan talaga ang politika.” Huwag po tayong magpatali sa nakaraan. Maaari pang magbago. Lumabas tayo. Ikampanya ang mabubuting tao. Kantiyawan ang mga namimigay ng pera. Talikdan na ang mga political dynasties at mga makalumang mga politiko. Bantayan ang Comelec upang hindi mandaya. Tayo ay kumilos upang dumating ang pagbabago na dadalhin ng Diyos. Iyan ang mensahe ng muling pagkabuhay. May bago na darating sa ating sarili at sa ating bansa. Hangarin natin ang bagong kaayusan at kumilos na, upang ito ang mangyari!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,356 total views

 13,356 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,329 total views

 19,329 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,084 total views

 25,084 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,347 total views

 32,347 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,331 total views

 40,331 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 225 total views

 225 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,540 total views

 2,540 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,667 total views

 8,667 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,796 total views

 6,796 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,079 total views

 9,079 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,985 total views

 11,985 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,924 total views

 12,924 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,918 total views

 12,918 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,636 total views

 16,636 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,482 total views

 18,482 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,479 total views

 18,479 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,988 total views

 22,988 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,304 total views

 28,304 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,462 total views

 30,462 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,620 total views

 32,620 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top