Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 319 total views

21st Sunday Cycle C

Is 66:18-21 Heb 12:5-7.11-13 Lk 13:22-30

“Kakaunti po ba ang maliligtas?” Ang tanong na ito ng isang tao kay Jesus ay maaaring tanong din natin. Ilan po ba ang maliligtas? Hindi sinagot ni Jesus ang tanong na ito. Sa halip, ang sabi niya ay magsikap na pumasok sa makipot na daan. Ang bilang kung ilan ang maliligtas ay isang tanong ng isang taong curious lang. Ang mas mahalagang tanong ay, kasama ka ba sa maliligtas? Kahit na marami ang maliligtas kung hindi ka naman kasama dito, wala pakinabang sa iyo ang sagot.

Magsikap na maligtas kasi hindi madali ang kaligtasan. Hindi ito automatic. Hindi dahil sa kilala natin si Jesus, ligtas na tayo. Kilala ba niya tayo? Hindi dahil sa tayo ay Katoliko, automatic na ligtas na tayo. Hindi dahil sa ako ay obispo, ligtas na ako. Hindi dahil sa ako ay nagpapahayag ng Magandang Balita ay ligtas na ako. Sinabi ni San Pablo na siya mismo ay nagsisikap na idisiplina ang kanyang sarili kasi baka mangyari na siya na nanghihikayat sa iba sa kaligtasan ay hindi makarating sa finish line. Hindi rin natin maidadahilan na tayo ay miyembro ng isang samahan, na tayo ay nagdonate sa isang simbahan, o tayo ay kamag-anak ng isang madre o anak ng isang taong may tungkulin sa simbahan na assured na tayo ng kaligtasan. Walang ganitong assurance. Kaya ang bawat isa ay dapat magsikap na makinig sa Salita ng Diyos at sumunod dito. Ang bawat isa ay dapat sumunod sa kalooban ng Ama at magpakabanal.

Ang nakakalungkot nga na tayo na umaasa sa kaligtasan ay mapagsarhan ng pinto at ang mga taong hindi natin inaasahan ay siya pang nasa loob – ang mga taga-ibang bansa, ang mga dayuhan o nasa ibang sekta na minamata natin habang pinagmamayabang natin na tayo ay katolikong sarado ay napagsarhan.

Sinabi ni propeta Isaias sa unang pagbasa na darating ang Panginoon upang tipunin ang lahat ng bansa, at mga tao sa iba’t ibang bansa. Kaya ang mga tao na galing sa Tarsis, sa Pul, sa Lydia, sa Tuban at sa Lavan ay darating na sakay ng lahat na uri ng transportasyon – ng mga kabayo, asno, kamelyo, karwahe at kariton – ay magdadala na iba’t-ibang mga handog papunta sa templo. Ang iba sa kanila ay gagawin pang mga pari at mga levita na maaaring mag-alay sa Diyos. Talagang ang Diyos ay pupurihin ng lahat ng tao sa balat ng lupa.

Oo, ang kaligtasan ay para sa lahat. Ito ay bukas sa lahat. Sana kasama tayo doon. Ang wish na “sana all” ay tinutupad ng Diyos. Ang malaking tanong ay, nabibilang ba tayo sa “all”?

Minsan nagdududa tayo kung kasama tayo sa mga naililigtas kapag tayo ay nakakaranas ng kahirapan sa ating buhay. Parang nakakaligtaan tayo ng Diyos o hindi niya tayo pinapansin. We feel the absence of God when we experience difficulties and sufferings. Mga kapatid, hindi absence of God ang sufferings. Baka doon mas lalong present ang Diyos. Saan ba mas present ang Diyos? Doon kay Jesus na nakabitin sa krus!

Kaya tingnan natin ang suffering not as punishment of God o ang pagtalikod niya sa atin. Sinasabi sa atin sa sulat sa mga Hebreo ng ating ikalawang pagbasa na tingnan natin ang kahirapan bilang pagpapahalaga sa atin ng Diyos Ama bilang kanyang mga anak. Ganoon niya tayo kamahal na hindi niya tayo pinapababayaan, sa halip itinutuwid niya tayo kasi ayaw niyang mapasama pa tayo o maligaw tayo ng landas. He cares enough to correct us.

May mga bata na nagsisigawan at nagmumurahan sa kanilang maingay na paglalaro. Dumating ang isang nanay na hinablot ang kanyang anak pauwi ng bahay na pinapagalitan at pinatitigil na magmura. Nangatuwiran ang bata. “Nanay, ang dami naming mga nagmumura sa daan, bakit ako ang pinapagalitan mo?” Ang sagot ng nanay: “Ikaw kasi ang anak ko!” Dahil sa mahal niya ang anak niya, siya ang itinutuwid niya.

Magpasalamat tayo na itinutuwid tayo ng Diyos. Mahal niya tayo. Nasasaktan ang taong itinutuwid pero ma-re-realize natin later on ang wisdom at ang love ng nagtutuwid sa atin.

Ngayong linggo ay ang mga araw na pinagdiriwang natin ang biyaya ng kaligtasan dito sa Palawan. Apat na daang taon na na tayo ay Kristiyano. DEMDEMEN TA ang biyaya ng kaligtasan at ang mga tao na nag-ambag upang itanim ang pag-ibig ng Diyos dito sa Palawan. ICELEBRA TA ang dakilang pag-ibig ng Diyos at ang ating pagkakaisa bilang Palaweno. IPADAYON TA ang pagpapalalim at pagiging mabunga ng pananampalataya. Sa lahat ng mga ito dapat natin tanungin ang ating sarili kung nagbubunga ba ang pag-ibig ng Diyos sa aking buhay at sa ating lalawigan.

After 400 years, mas nagiging kristiyano ba ang ating pamumuhay? Ito ay hindi lang nangangahulugan na mas marami ang nagsisimba o nakikibahagi sa gawain ng simbahan. Nakakaugat ba sa paghahari ng Diyos ang mga kalakaran sa ating lipunan? To be practical: napapangalagaan ba ang kagandahan ng nilikha ng Diyos na nararanasan pa natin sa ilang parte ng Palawan? Mas lalo bang napapahalagahan ang mga mahihirap at ang mga katutubo na mas dumadami sa atin? Ang yaman ng lalawigan ay nababahagi ba sa lahat at hindi nahihigop ng mga dayuhan at ng may mga pera? Napapangalagaan ba ang makataong pakikitungo at pagtutulungan ng mamamayan?

Ang pananampalatayang Kristiyano ay Katoliko, na ang ibig sabihin, ito ay inclusive. Ang kaligtasan at kaunlaran ay para sa lahat. Sama-sama tayong naglalakbay patungo sa kaharian ng Diyos. Kaya abutin natin ang mga katutubo at maliliit na tao na madalas ay nakakaligtaan. Kasama din sila sa hapag ng paghahari ng Diyos. IPAGPADAYON TA ANG ATENG TARABIDAN NGA PAGPANAW PAPAKON SA INADIAN ANG DIOS.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 9,381 total views

 9,381 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 15,354 total views

 15,354 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 21,109 total views

 21,109 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 28,372 total views

 28,372 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 36,356 total views

 36,356 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 114 total views

 114 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,429 total views

 2,429 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,556 total views

 8,556 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,685 total views

 6,685 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,968 total views

 8,968 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,874 total views

 11,874 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,813 total views

 12,813 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,807 total views

 12,807 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,525 total views

 16,525 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,371 total views

 18,371 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,368 total views

 18,368 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,877 total views

 22,877 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,193 total views

 28,193 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,351 total views

 30,351 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,509 total views

 32,509 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top