Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 5,522 total views

1st Sunday of Advent Cycle B

Catholic handicapped Sunday and National Aids Sunday

Is 63:16-17.19; 64:2-7 1 Cor 1:3-9 Mk 13:33-37

Nasa panahon na tayo ng Adbiyento. Sinisimulan natin ngayong Linggo hindi lang ang isang bagong panahon ng Simbahan kundi ang isang bagong taon ng Simbahan. Happy New Year!
Ang ibig sabihin ng salitang Adbiyento ay pagdating. Sino ang darating? Ang Panginoong Jesus. Kailan siya darating? Sa kanyang ipinangakong muling pagdating. Si Jesus ay pumarito sa lupa. Gumawa siya ng kabutihan. Nagpahayag siya ng Magandang Balita na mahal tayo ng Diyos Ama. Pero hindi siya tinanggap. Pinatay siya. Ipinako sa krus. Ngunit siya ay muling nabuhay. Bilang muling nabuhay, nasaksihan siya ng mga alagad kasi nagpakita siya sa kanila at nakisama pa sa kanila. Pero pagdating ng takdang panahon, siya ay umakyat sa langit kung saan siya galing. Ngunit nangako siya na babalik uli siya. Binabanggit natin sa misa: “Sa kanyang lantarang muling pagdating ang pakikisama niya’y puspusang magniningning. At ang pangako niyang kapana-panabik ay inaasahan naming lubos na makakamit.”

Ito ang pagdating ni Jesus na ating ipinaghahanda. Maraming mga tao ay nakatuon sa pagdating ng Pasko. Siyempre, December na, at 22 days na lang at Pasko na. Oo, ipinaghahanda din natin ito, pero ang pasko ay paalaala lamang ng unang pagdating ng Anak ng Diyos sa atin, noong siya ay naging tao. Hindi naging handa ang Israel, ang bayan ng Diyos noon, na tanggapin siya, kahit na mga isang libong taon nang sinasabi ng mga propeta sa kanila na darating ang Mesiyas o ang Kristo sa kanila. Kaya nga siya ay isinilang sa sabsaban. Walang lugar sa kanya kahit na sa mga bahay panuluyan man lamang sa Bethlehem. Malungkot na sinulat ni San Juan: “Dumating siya sa kanyang bayan at hindi siya tinanggap ng kanyang mga kababayan.” Hindi sana ito maulit sa atin sa kanyang muling pagdating. Kaya mahalaga ang babala ni Jesus sa kanyang talinhaga na ating narinig: “Mag-ingat kayo at maging handa sapagkat hindi ninyo alam kung kailan ang takdang oras.”

Ang bawat isa sa atin ay binigyan ng kanya-kanyang gawain o pananagutan sa buhay. Ang iba ay magulang, ang iba ay empleyado, ang iba ay magsasaka, ang iba ay estudyante at marami pang tungkulin sa buhay. Sana madatnan tayo ng Panginoon na tapat sa mga tungkulin natin sa buhay. Baka sa kanyang pagdating maratnan tayong natutulog o nagpapabaya o nagwawalang kibo sa mga gawain na inaasahan sa atin. Ito ang paghahanda na inaasahan sa atin.

Maganda na ginagawa natin ang ating tungkulin sa buhay. Pero sinabi natin sa ating pambungad na panalangin sa misang ito: “Sa pagdating ni Kristo makasalubong nawa kaming may mabubuting gawa.” Ang panahon ng Adbiyento ay panahon din ng paggawa ng kabutihan. Tumulong tayo sa ating kapwa, lalo na sa kapwang nangangailangan. Sa ganitong paraan natatanggap natin ngayon pa lang ang Panginoon sapagkat ang ginagawa sa mahihirap ay ginagawa natin sa Panginoon. Jesus identifies himself with the poor.

May magandang nangyayari ngayon. Maraming mga businesses at maraming mga grupo sa simbahan man o sa labas ng simbahan ay gumagawa ng mga outreaches sa mga mahihirap bilang bahagi ng paghahanda sa pasko. Dumadalaw sila, nagbibigay ng regalo, nagka-carolling, nagpapakain sa mga bata, sa mga bilanggo, sa mga maysakit, sa mga katutubo at mahihirap. Tama at maganda ang ganitong gawain. Sana lumaganap pa ito at maging isang kaugalian na. Huwag lang pagkaabalahan na magparty tayo at maging maligaya tayo sa ating mga exchange gifts, kainan o sayawan. Bigyan natin ng aliw ang mga napapabayaan at magiging tunay na masaya tayo at tunay na matatanggap natin ang Panginoon.

Isang sector ng lipunan na hinihikayat tayong tanggapin at kung maaari ay aliwin at tulungan ay ang mga may kapansahan at ang mga may HIV-AIDS. Kaya ngayon ay Catholic AIDS Sunday at National Handicapped Sunday. Ang HIV-AIDS ay isang sakit na kumakalat ngunit hindi pa nagagamot hanggang ngayon. Wala pang gamot para dito. Pero madalas hindi ito pinag-uusapan at tinatago lang kasi ito ay madalas nakukuha dahil sa irresponsableng sexual activities. Ang sabi ko ay MADALAS kasi hindi naman lahat ay ang sexual activity ang dahilan, at kahit pa iyan ang dahilan, huwag nating pabayaan ang nagkasakit ng ganito. Sila ay may sakit at kailangang tulungan. Sana hindi natin marinig si Jesus na magsalita sa atin: “Ako ay may HIV-AIDS at pinabayaan mo ako.” Ganoon din ang may mga kapansanan. Tulungan din natin sila. Huwag silang ikahiya, bagkus mas alagaan pa nga. Mahalaga din ang buhay nila at maaari pa itong maging bukal ng pagpapala sa atin. May isa akong kilalang babae na may kapansanan. Pero mahal na mahal siya ng kanyang mga kapatid. Noong namatay na ang mga na nag-aalaga sa kanya, ang mga kapatid niya at ang kanilang mga anak ay naghalinhinang umuwi sa kanila para alagaan siya. Siya ang naging dahilan ng pagkakaisa ng mga magkakapatid at ng kanilang mga pamilya. Dahil sa pagmamahal sa kanya patuloy na nagkakaisa ang buong angkan.

Sinulat ni Pablo sa kanyang liham na ating narinig ngayon: “Hindi kayo nagkukulang sa anumang kaloob na espiritual habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Jesus. Kayo ay aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Jesus.” Kaya huwag nating pabayaan ang ating paghahanda sa pagtanggap kay Jesus, hindi lang sa paskong ito ngunit higit sa lahat sa kanyang muling pagdating. Maging handa palagi tayo. Binibigyan din niya tayo ng biyaya upang magampanan ang paghahandang ito. Ang Diyos na darating ay tumutulong sa mga lingkod niyang buong tiwalang nananalig sa kanya. Kaya kasama ni propeta Isaias ay isigaw natin: “Buksan mo ang langit at ikaw ay bumaba sa mundong ibabaw.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 22,790 total views

 22,790 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 30,271 total views

 30,271 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 43,411 total views

 43,411 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 49,384 total views

 49,384 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 55,138 total views

 55,138 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 1,575 total views

 1,575 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 3,888 total views

 3,888 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 10,015 total views

 10,015 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 8,144 total views

 8,144 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 10,427 total views

 10,427 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 13,333 total views

 13,333 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 14,272 total views

 14,272 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 14,266 total views

 14,266 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 17,984 total views

 17,984 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 19,830 total views

 19,830 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 19,827 total views

 19,827 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 24,336 total views

 24,336 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 29,652 total views

 29,652 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 31,810 total views

 31,810 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 33,965 total views

 33,965 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top