Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,084 total views

Feast of the Baptism of the Lord Cycle A
Is 42:1-4.6-7 Acts 10:34-38 Mt 3:13-17

Ngayong Linggo ay ang kapistahan ng Pagbibinyag kay Jesus. Ang pagbibinyag kay Jesus ay may kapareho at may pagkakaiba rin sa pagbibinyag sa atin. Tayo ay binibinyagan upang matanggal ang kasalanan sa atin. Hindi ito nangyari kay Jesus. Wala naman siyang kasalanang mana. Dahil sa binyag, nagiging anak tayo ng Diyos. Si Jesus ay palaging Anak ng Diyos. Bakit ngayon si Jesus nagpabinyag? Noong makita siya ni Juan Bautista na magpapabinyag, ayaw sana siyang binyagan. Sabi ni Juan na siya pa nga ang dapat binyagan ni Jesus kasi mas matuwid siya kaysa kanya. Pero nagpumilit si Jesus kasi ito ang nararapat nilang gawin upang matupad ang kalooban ng Diyos. Ang pagbibinyag kay Jesus ni Juan Bautista ay isang tanda ng pakikiisa ni Jesus sa makasalanang kalagayan ng mga tao. Wala siyang kasalanan na kailangang linisin pero ibig niyang ituring siya na makasalanan tulad nating mga tao na kanyang ililigtas. Sa pagbuhos sa kanya ng tubig hindi siya ang nilinis ng tubig, pero ang tubig ang binigyan niya ng kapangyarihan na maglinis ng ating kasalanan sa sakramento ng binyag.

Ang pagbibinyag kay Jesus ay siya ring simula ng kanyang misyon. Iniwan na niya ang kanyang personal na buhay doon sa Nazaret at nagsimula na siyang magpahayag ng Magandang Balita at magpagaling at tumulong sa mga tao. Ano ang kanyang misyon? Sinabi ito ng Diyos sa awit ng Lingkod ng Panginoon na narinig natin sa ating unang pagbasa: “Ako ang Panginoon na tumawag sa iyo. Binigyan kita ng kapangyarihan upang pairalin ang katarungan sa daigdig.”

Nagpatotoo ang Espiritu Santo at ang Ama tungkol kay Jesus noong siya ay umahon sa ilog Jordan. Bumaba ang Espiritu Santo sa kanya sa anyo ng kalapati at may tinig na nanggaling sa ulap na nagsabi: “Ito ang minamahal kong anak na lubos kong kinalulugdan.” Hindi ba ito rin ang sinabi ni propeta Isaias sa ating unang pagbasa? “Ito ang lingkod ko na aking itataas, na aking pinili at kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at sa mga bansa siya ang magpapairal ng katarungan.”

Sa ating panahon ngayon, marami ang nananawagan ng katarungan. Pero kakaiba ang misyon na gagawin ng lingkod ng Panginoon. Hindi siya sisigaw upang marinig sa kalye. Hindi siya makikipaglaban sa mga riot police. Hindi siya magtatapon ng bato o susunog ng kotse o gulong sa daan. Banayad at mahinahon siyang magsasalita. Hindi siya magtutumba o magtatapon ng mga bagay-bagay. Ang baling tambo ay hindi nga niya puputulin at hindi niya papatayin ang aandap-andap na apoy. He is very gentle. Iba siya magpairal ng katarungan. Ang mga biktima ng pang-aapi ang kanyang tinutulungan – ang mga inaalihan ng demonyo, ang mga may sakit, ang mga mahihirap na isinasantabi ng iba. Nagsimula si Jesus ng paggawa ng misyong ito noong siya ay mabinyagan.
Sana makita din natin ito sa ating binyag. Ang ating binyag ay hindi lang ang pagtanggal ng ating kasalanan. Ito ay ang simula ng ating misyon na makiisa sa misyon ni Jesus. Huwag tayo maging pabaya sa kalagayan ng kahirapan at ng pang-aapi sa lipunan. Dalhin natin ang liwanag ng kaligtasan sa mundo sa pamamagitan ng ating mabuting gawa. Madilim ang mundo dahil sa alitan. Dalhin natin ang liwanag ng pagmamalasakit sa kapwa at pagtulong sa kanila. Ito ay ang panawagan ng ating binyag.

Si Jesus ay kinilala ng Diyos Ama na kalugud-lugod sa kanya sa simula ng kanyang pagmimisyon noong siya ay bininyagan. Sa bandang huling panahon ng kanyang buhay, nanatili pa rin siyang kalugud-lugod sa Ama. Nagsalita uli ang boses mula sa langit sa pagbabagong anyo niya sa bundok ng Tabor noong siya ay papunta na sa Jerusalem para mag-alay ng kanyang sarili. Noong tayo’y bininyagan, naging kalugud-lugod din tayo sa Diyos. Tinanggal niya ang ating mga kasalanan at inampon niya tayo bilang kanyang anak. Hanggang ngayon natutuwa pa rin ba ang Diyos sa atin? Nananatili ba tayong tapat sa ating binyag hanggang ngayon na ginagawa ang kalooban ng ating Ama sa langit?

Ang pagbibinyag kay Jesus sa ilog Jordan ay isang paalaala sa ating binyag. Bagamat iba ang binyag niya kaysa binyag sa atin, ito ay may paalaala sa sariling binyag natin. Tulad ni Jesus, tayo din ay naging kalugud-lugod sa Diyos noong tayo ay bininyagan. Ang binyag ni Jesus ay ang simula ng kanyang buhay pagmimisyon. Dahil sa ating binyag may misyon din tayo sa buhay.

Makiisa tayo kay Jesus na pairalin ang katarungan sa mundo at magbigay ng liwanag sa mundo natin na balot ng dilim. Magagawa natin ito sa ating pakikiisa sa misyon ni Jesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kanino natututo ang mga bata?

 4,263 total views

 4,263 total views Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 60,304 total views

 60,304 total views Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 123,985 total views

 123,985 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 193,242 total views

 193,242 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 223,477 total views

 223,477 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 9, 2026

 6,193 total views

 6,193 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle A 1 Kgs 19:9.11-13 Rom 9:1-5 Mt 14:22-33 Siguro naman gusto nating makipagtagpo sa Diyos? Siyempre Oo,

Read More »

Homily August 2, 2026

 15,839 total views

 15,839 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 17,546 total views

 17,546 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 22,885 total views

 22,885 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »
Scroll to Top