VeritasPH

The Word, The Truth

 235 total views

4th Sunday of Ordinary time Cycle C

Jer 1:4-5.17-19 1 Cor 12:31-13:13 Lk 4:21-30

Maraming mga issues na naging dahilan sa hindi pagkakasundo sa simbahan sa Corinto noong nawala si San Pablo sa kanila. Isa na rito ay pinagtatalunan, pinaghahambing-hambing nila at pinagkakainggitan ang iba’t-ibang kakayahan at tungkulin ng mga miembro ng simbahan. Hindi ba nangyayari din ito sa atin ngayon? Ang posisyon, ang kagalingan at kakayahan ng mga tao ay pinag-aawayan. Kitang kita iyan sa politika. Ano ba ang kanyang kwalipikasyon? Ano ba ang kanyang kakayahan? Nararapat lamang na ihambing,

sila kasi pipili tayo kung sino ang nararapat na mamuno sa atin. Sa election sila ang mga job applicants sa bayan. Ang taong bayan ang uupa sa kanila upang magserve sa atin. Tayo ang magpapasuweldo sa kanila kaya nararapat na kilatisin natin sila. Pero hindi tayo dapat mag-away-away dahil sa kanila. Hindi mahalaga na ang manok natin ang mananalo. Ang mahalaga ay ang nararapat na tao ang mapagkakatiwalaan natin ng posisyon. Ang masama ay pinag-aaway-away tayo ng mga politiko kasi hawak nila tayo at nag-aaway-away nga naman tayo! So they say that politics is divisive. Politics need not be divisive if we do not allow ourselves to be divided.

Balik tayo sa mga Corinto at kay San Pablo. Sumulat si San Pablo na hindi natin pagtatalunan ang mga posisyon at kakayahan sa simbahan kasi lahat ng iyan ay galing sa Espiritu Santo. Iba iba ang kakayahan kasi iba’t-iba ang biyaya. Ang simbahan ay tulad ng isang katawan na may iba’t-ibang bahagi pero ang lahat ay kailangan at nagtutulungan. Sa simbahan ay mayroon ding iba’t-ibang biyaya. Iisang Espiritu lang ang pinanggalingan ng mga iyan at ang mga iyan ay naglilingkod sa iisang Panginoon lamang.

Ngayon, kung gusto ninyong humingi sa Diyos ng kanyang biyaya, hingin na ninyo ang pinakamahalaga, na walang iba kundi ang biyayang umibig. Humingi na ba tayo sa Diyos na matuto tayong magmahal nang tunay? Ang biyaya ng pagsasalita ng iba’t-ibang lenguaje ay nakakatawag ng pansin at hinahangaan. Pero kung walang pag-ibig, kahit na nakakasalita tayo ng maraming lenguaje hindi pa rin tayo magkakaintindihan. Tulad lang tayo ng mga batingaw na umaalingawngaw. Sa UN ang mga diplomats doon ay nakakasalita ng 3 o 4 na languages pero hindi sila nagkakaintindihan. Wala naman kasing pag-ibig. Kahit na may spiritual gifts pa tayo tulad ng kaalaman o pananampalataya, kahit na malakas ang ating pananampalataya na masasabihan natin ang bundok na lumipat at susunod sa atin, pero kung walang pag-ibig wala namang kabuluhan ang spiritual gifts na iyan. Kahit na tayo ay mapagbigay na ibibigay natin ang lahat sa mahihirap at pati na ang ating buhay sa iba, pero kung wala namang pag-ibig, walang kabutihan na maidudulot iyan sa atin. Nakakaranas tayo ng mga taong masipag at matulungin, pero sa pagtulong nila sa iba nasisigawan na ang iba at mayabang pang magsalita. Tumutulong nga pero walang pag-ibig.

Ano ba ang pag-ibig na tinutukoy ni San Pablo na hangarin natin? Ito ay hindi pag-ibig na sentimental o emotional na paiyak-iyak pa o patibok-tibok pa ang puso. Ito ay pag-ibig na praktikal. Ang taong tunay na umiibig ay matiyaga at maganda ang loob. Hindi siya mapagmataas, hindi magaspang ang ugali, hindi magalitin, hindi makasarili, at hindi mapagtanim ng galit. Hindi siya natutuwa sa masama at hindi natatakot sa katotohanan. Ang tunay na pag-ibig ay mapagbata, mapagtiwala at matiyaga hanggang sa wakas.

Praktikal ang mga katangian ng pag-ibig. Ito ang tunay na pag-ibig. Ito ang hangarin natin at ipagdasal natin. Ito ay mananatili hanggang sa wakas. Ang kaalaman ay maglalaho – magiging ulyanin din tayo. Ang mga lenguaje na alam natin ay makakalimutan din. Oo, mananatili ang pananampalataya at pag-asa, pero pagdating natin sa langit mawawala na rin ang mga ito. Hindi na tayo mananampalataya sa langit kasi nakikita na natin ang Diyos. Hindi na tayo aasa sa Diyos kasi nasa piling na natin siya. Ano ang gagawin natin sa langit – makiisa sa pag-ibig ng Diyos. We will love for eternity. So it is only love that will last. Simulan na natin ngayon na magmahal, gustuhin na nating magmahal. Kaya ang biyaya ng pag-ibig ang hingin natin sa Diyos. Let us pray: Lord, teach me how to love.

Sa ating gospel ngayong araw gustong ipaabot ni Jesus sa kanyang mga kababayan na ang tunay na pag-ibig ay hindi makasarili. Natuwa ang mga taga-Nazareth na bumalik si Jesus sa kanila. Hanga sila sa kanyang pangaral. Inaasahan nila na dahil si Jesus ay lumaki sa kanila at kilala nila siya at kilala naman niya sila, mabibiyayaan sila ng mga himala na ginawa niya sa ibang lugar: “Gawin mo naman sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum.” Pero pinaliwanag ni Jesus sa kanila na iba ang pagkilos ng Diyos. Binigay niyang halimbawa ang dalawang pangyayari sa Lumang Tipan. Alam ni Jesus ang Bible kaya ngayong National Bible Sunday pahalagahan natin ang kaalaman sa Bible. Noong panahon ni Propeta Elias ang tinulungan ay ang balo sa Sarepta, isang dayuhan at hindi isang balo sa Israel. Noong panahon ni propeta Eliseo ang napagaling sa ketong ay si Naaman, isang general na taga Siria, at hindi isang ketongin sa Israel. Kumikilos ang Diyos hindi lang sa sariling lugar. Nagalit ang mga taga- Nazareth. “Wala pala kaming mapapakinabangan sa iyo! Umalis ka na!” Muntik pa nilang ibulid siya sa bangin. How selfish people can be! Itinataboy natin ang wala tayong makukuha sa kanila.

Balik uli tayo sa politika dito sa atin. Kapag tinanong natin, bakit iboboto mo si ganitong kandito? May madalas tayong naririnig, “kasi nakatulong siya sa amin.” Oo nakatulong siya sa inyo pero siya ay mamumuno hindi lang sa inyo kundi sa buong bansa o sa buong probinsiya. Tingnan natin ang magagawa niya for the common good, hindi lang para sa inyo. “Iboboto namin siya kasi taga-amin siya, galing siya sa region namin o sa probinsiya namin.” Ang tingnan natin ay ang ikabubuti ng lahat hindi lang ng inyong region.

Minsan sinabi ni Jesus: “Kung ang mamahalin lamang ninyo ay ang nagmamahal sa inyo, ano ang gantimpala na maaasahan ninyo? Hindi ba ginagawa din iyan ng masasamang tao? Kung ang babatiin ninyo ay ang bumabati lang sa inyo, ano ang ginawa ninyo ng higit sa iba? Hindi ba ginagawa din iyan kahit ng mga pagano? Huwag kayo maging mapili kung sino ang mamahalin ninyo; tularan ninyo ang inyong Amang nasa langit na nagpapaulan at nagbibigay ng sinag ng araw sa lahat, masasama man o mabubuti.” Hindi sana mapili ang ating pagmamahal. Kung may pipiliin man, mas unahin natin iyong mga hindi kaibig-ibig, iyong mga hindi pinapansin, iyong mga nasa laylayan ng lipunan. Mas sila ang papahalagahan kasi sila ang naiiwanan.

Hingin natin sa Diyos na bigyan tayo ng tunay na pag-ibig kasi ito ang katangian na mas mahalaga kaysa ibang biyaya at hindi madali ang tunay na pag-ibig. Lord, teach me how to love.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 11,602 total views

 11,602 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 19,587 total views

 19,587 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 27,123 total views

 27,123 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 43,108 total views

 43,108 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 51,152 total views

 51,152 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 1,829 total views

 1,829 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 7,956 total views

 7,956 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,085 total views

 6,085 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,368 total views

 8,368 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,274 total views

 11,274 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,213 total views

 12,213 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,207 total views

 12,207 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 15,925 total views

 15,925 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 17,771 total views

 17,771 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 17,768 total views

 17,768 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,277 total views

 22,277 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 27,593 total views

 27,593 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 29,751 total views

 29,751 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 31,909 total views

 31,909 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,256 total views

 32,256 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top