Pagiging non-partisan ng mga ahensiya ng pamahalaan, binigyang-pansin ni Bishop David

SHARE THE TRUTH

 542 total views

Inihayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na pinakamahalaga ang pagiging non-partisan ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapanatili ang mabuting paglilingkod sa mamamayan.

Sa social media post ng Opisyal, iginiit nitong napapahamak ang interes ng bayan dahil sa usaping political ng mga kawani ng pamahalaan.

“It is in the realm of public service in agencies of government that the concept of non-partisanship is most essential. We’re doomed, the moment our career public servants fail to do their jobs because they of partisan political interests,” bahagi ng pahayag ni Bishop David.

Ipinaliwanag ni Bishop David na ang pagiging non-partisan ng mga naglilingkod sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ay mas nagagampanan ang mga tungkuling iniaatas alinsunod sa sinasaad ng konstitusyon.

Tinukoy ng Obispo ang mga opisyal na ‘appointed’ sa kani-kanilang posisyon sa pamahalaan.

Ayon pa kay Bishop David, tanda ng pagiging matatag ng isang kagawaran ang pananatiling pagsunod sa sinusumpaang tungkulin.

“I think one of the best signs that our government institutions remain strong is when career public servants can remain positively indifferent to the political interests of elected government officials,” ani Bishop David.

Sa ginanap na ika-123 CBCP Plenary Assembly inihayag ni Bishop David na maglalabas ng pastoral statement ang mga obispo kaugnay sa nalalapit na 2022 National and Local Elections sa Mayo.

Kasabay nito puspusan din ang pagsusulong ng Halalang Marangal 2022 ng CBCP para matulungan ang 67 milyong botante na kilatisin ang bawat kandidato.

Bukod pa rito ang One Godly Vote campaign ng media arm ng Archdiocese of Manila at ang voter’s education campaign ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 32,670 total views

 32,670 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 43,675 total views

 43,675 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 51,480 total views

 51,480 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 67,424 total views

 67,424 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 82,586 total views

 82,586 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Paglago ng bokasyon, misyon ng NYD 2025

 2,854 total views

 2,854 total views Umaasa ang Family Ministry ng Archdiocese of Caceres na magbunga ng mas malalim na ugnayan sa pamilya, pananampalataya at bokasyon ang isinasagawang National

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top