LASAC, naka-monitor sa kalagayan ng Taal Volcano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 808 total reads

Patuloy ngayong binabantayan ang sitwasyon ng Bulkang Taal matapos ang phreatomagmatic burst noong January 29.

Ayon kay Christopher Olave, Disaster Management In-charge ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), tuloy-tuloy lamang ang paghahanda ng arkidiyosesis para sa mga posibleng maganap sakaling lumala ang sitwasyon ng Taal Volcano.

Kaakibat nito ang pakikipag-ugnayan sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para mabantayan ang kalagayan ng Bulkang Taal, maging ang pagpapadala ng mga volunteer upang makapangalap ng impormasyon mula sa paligid.

“Continuous ang communication natin sa PHIVOLCS at pag-live monitoring ng ating CCTV na nakatutok sa bulkan. Tuloy-tuloy din po ang pangangalap ng impormasyon ng ating mga volunteers natin from the ground,” pahayag ni Olave sa panayam ng Radio Veritas.

Dagdag ni Olave na nakikipagtulungan din ang Arkidiyosesis ng Lipa sa lokal na pamahalaang panlalawigan ng Batangas batay na rin sa bilateral understanding na nilagdaan noong Agosto 2021.

Ito’y hinggil sa pagtugon sa pangangailangan ng mga maaapektuhang pamilya sakaling magkaroon ng anumang sakuna.

“The Archdiocese also has a partnership with the Provincial Government of Batangas if in case na kailanganin ng tulong tulad po ng pagkakaroon ng mga evacuation centers for the worst case scenario,” ayon kay Olave.

Batay sa ulat ng PHIVOLCS, nananatiling nasa alert level 2 ang Bulkang Taal habang naramdaman naman sa nakalipas na 24 na oras ang walong volcanic earthquakes at malakas na volcanic plume o pagsingaw na aabot sa 600 metro ang taas.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island lalo na sa Main Crater upang maiwasan ang anumang panganib mula sa aktibidad ng bulkan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 27,788 total reads

 27,788 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,907 total reads

 107,907 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 202,133 total reads

 202,133 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 262,622 total reads

 262,622 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 275,102 total reads

 275,102 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,939 total reads

 70,939 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top