Cardinal Advincula, nagpahayag ng suporta sa Filipinong Apostolic Nuncio to Rwanda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 774 total views

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ikalimang Filipinong Apostolic Nuncio.

Sa inilabas na anunsyo ng Vatican, hinirang ni Pope Francis si Monsignor Arnaldo Catalan bilang Apostolic Nuncio to Rwanda.

Itinuring na makasaysayan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagkatalaga ni Msgr. Catalan bilang kinatawan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa Rwanda.

“His Eminence Jose Cardinal F. Advincula, Archbishop of Manila, thanks the Holy Father for this gift and honor and considers the appointment of Archbishop-elect Catalan as historic being the first priest of the Archdiocese of Manila to become a Nuncio,” bahagi ng pahayag ng Arkidiyosesis.

Kasalukuyang naglilingkod ang pari bilang Chargé d’affaires of the diplomatic mission of the Holy See sa China (Taiwan) mula noong 2019.

Nagsimulang manilbihan sa Holy See Diplomatic Service si Msgr. Catalan noong July 2001 kung saan kabilang sa napaglingkuran ang Apostolic Nunciatures ng Zambia, Kuwait, Mexico, Honduras, Turkey, India, Argentina, Canada at Pilipinas.

Tiniyak ni Cardinal Advincula sa bagong Nuncio ng Rwanda ang buong pusong suporta sa misyon ng pagiging kinatawan ng Santo Papa.

“In the name of the clergy, religious men and women, and the laity of the Archdiocese and assures him of their support and prayers as he takes on this new mission,” ani ng Cardinal.

Si Archbishop-elect Catalan ay naordinahang pari ng Archdiocese of Manila noong March 25, 1994.

Bukod kay Msgr. Catalan nanilbihan din si Archbishop Adolfo Tito Yllana bilang Apostolic Nuncio ng Israel at Cyprus at Apostolic Delegate to Jerusalem and Palestine; si Archbishop Francisco Padilla ang kinatawan ni Pope Francis sa Guatemala; Archbishop Bernardito Auza sa Spain at Andorra; habang Apostolic Nuncio Emeritus to Korea naman si Archbishop Osvaldo Padilla.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 9,129 total views

 9,129 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 133,540 total views

 133,540 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 176,992 total views

 176,992 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 257,818 total views

 257,818 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top