Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,742 total views

16th Sunday of Ordinary Time Cycle C
Gen 18:1-10 Col 1:24-28 Lk 10:38-42

Isa sa mainit sa usapin ngayon sa ibang bansa at pati na rin sa atin ay ang pagtanggap sa mga dumadating na mga tao. Ito ay ang usapin ng migration. Marami sa atin ay natatakot sa ibang tao. Kaya hindi na tayo welcoming sa mga bisita. Medyo nawawala na ang magandang kaugalian ng hospitality. Hindi natin masisisi ang mga tao kasi may marami tayong naririnig na nagsasamantala sa kabutihang loob ng kanilang kapwa tao. Nilolooban nila ang mga bahay. Kinikidnap at hino-hostage ang mga inosenteng tao. Pero kahit na may ganitong pangyayari, makinig tayo sa sinabi sa atin sa Bibliya: “Palaging maging bukas ang inyong pinto sa mga taga-ibang bayan. Lingid sa kanilang kaalaman, may ilang nakapagpatuloy na ng mga anghel.”

Ganyan ang ginawa ni Abraham. Ito ay narinig natin sa ating unang pagbasa. Buong puso na tinanggap ni Abraham ang tatlong tao na dumaan sa kanyang tolda. Hindi man niya kilala ang mga ito pero buo ang kanyang pagtanggap sa kanila. Patakbong sinalubong sila, yumuko na halos sayad sa lupa ang kanyang mukha. Ito ay tanda ng kanyang paggalang sa kanila. Inimbitahan niya sila na tumuloy sa kanyang tolda at humingi ng pahintulot na ipaghanda sila ng merienda. Pero hindi lang merienda ang inihanda niya. Ipinakatay niya ang kanyang pinatabang baka, nagpaluto ng tinapay, naghain ng gatas, keso at karne sa mga bisita. Tinanggap niya ng buong-buo ang bisita niya. Dahil dito pinangakuan siya ng anak sa susunod na taon pagbalik niya. Mga anghel pala ng Diyos ang tinanggap niya. Hindi lang iyon. Ang Diyos mismo pala ang dumalaw sa kanya.

Pinagpapala ng Diyos ang tumatanggap sa kanya. Sinabi pa ni Jesus sa aklat ng Pahayag, ang huling aklat sa Bibliya: “Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako sa kanyang tahanan at kakain kaming magkasalo.” Piniprisinta ni Jesus ang kanyang sarili bilang bisita.

Sa ating ebanghelyo tinanggap si Jesus ng dalawang magkakapatid sa kanilang bahay. Buong-buo rin ang pagtanggap sa kanya ni Marta. Abalang abala siya sa maraming gawaing bahay – paglilinis, pagluluto, paghahanda ng mapapahingahan. Tandaan natin na hindi lang si Jesus ang dumating. Kasama pa niya ang kanyang mga alagad. Kaya talagang marami ang alalahanin ni Marta sa pagtanggap sa kanyang mga bisita. Pero ipinakita ni Jesus na ang mas tamang pagtanggap sa kanya ay ang pagtanggap sa kanyang mga aral. At iyan ang ginawa ni Maria. Naupo siya sa paanan ng guro at buo ang atensiyon niya sa mga sinasabi ni Jesus. Ito ang pagtanggap kay Jesus na gusto niya – tanggapin ang kanyang salita.

Sa ating ikalawang pagbasa pinakita sa atin ni San Pablo ang isa pang paraan ng pagtanggap kay Jesus. Ito ay ang pagbata ng anumang kahirapan sa dumadating sa atin sa ating pagsunod kay Jesus. Tinatanggap natin ang salita ni Jesus hindi upang maging marunong tayo. Tinatanggap natin ang kanyang mga aral upang ito ay maisabuhay. Sa pagsasabuhay nito, may mga kahirapan tayong mararanasan. Tanggapin din natin ito. Sa mga kahirapang ito naipagpapatuloy natin ang paghihirap ni Jesus para sa simbahan. Patuloy pa ang gawaing pagliligtas ni Jesus at tayo ay isinasama niya sa gawain ng kaligtasan. Anumang kahirapan na ating nararanasan dahil sa ating pagtanggap sa Salita ng Diyo ay contribution natin sa gawain ng kaligtasan.

Generous ba tayo sa pagtanggap sa iba? Ano ang ginagawa natin sa iba, ginagawa natin kay Jesus. Sinabi niya: “ako ay isang dayuhan at ako’y tinanggap mo.” Huwag po tayong matakot sa ibang tao. Ituring natin silang kapwa tao, at kung kristiyano pa, kapatid kay Kristo. Huwag nating masyadong bigyang halaga ang pagkakaiba natin – na iba ang kulay ng kanilang balat, na nagaling sila sa ibang probinsiya, na iba ang kanilang salita, na sila ay bata pa kaysa atin o matanda na sa edad kaysa atin. Mas lalong mabigat ang pinagkaisahan natin kaysa ang pagkakaiba natin. Sila ay tao, tulad natin. Sila ay tinubos ni Kristo tulad natin; sila rin ay naghahangad ng mabuti tulad natin.

Mas lalong matatanggap natin ang iba kung dahil sa ating pananampalataya tinatanggap natin na ang Diyos ay ang Ama nating lahat. Tinatanggap natin ang Diyos kung tinatanggap natin ang kanyang salita. Tularan natin ang ginawa ni Maria. Ang pag-upo sa paanan ng guro ay ang posisyon ng isang disipulo. Iyan ang gusto ni Jesus, na maging disipulo tayo. Pakinggan natin si Jesus at gawin natin ang kanyang sinasabi, kahit na ito ay mahirap. Ang kahirapang ito ay ang ating pakikiisa sa gawain ng kaligtasan. Tandaan natin hindi lang tayo tagatanggap at tagapakinabang ng kaligtasan. Ibig ng Diyos na tayo rin ay maging tagapagbahagi ng kaligtasan sapagkat ito ay para sa lahat. Kaya nga tayo tinatawag na missionary disciple. Sa ating pagsisikap na maging disciples tayo ay nagiging misyonero din.

Mga kapatid, tanggapin natin ang Diyos. Dumadating siya sa ating buhay. Huwag tayo matakot na maging bukas sa pagtanggap ng ating kapwa. Sila ay si Jesus na kumakatok sa ating puso. Ang mas gusto ni Jesus na pagtanggap sa kanya ay tanggapin ang kanyang salita at ang pagsasagawa ng mga ito. Sa ganitong paraan nakikiisa tayo sa kanyang gawain na iparamdam sa lahat na nandito na ang Diyos. Tanggapin natin siya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 18,825 total views

 18,825 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 39,806 total views

 39,806 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 62,234 total views

 62,234 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 235,771 total views

 235,771 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 212,106 total views

 212,106 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily May 24, 2026

 7,103 total views

 7,103 total views Pentecost Sunday Cycle A Acts 2:1-11 1 Cor 12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang kapistahan ng mga Hudyo na nangyayari tuwing

Read More »

Homily May 17, 2026

 22,676 total views

 22,676 total views Ascension of the Lord Cycle A World Communications Sunday Acts 1:1-11 Eph 1:17-23 Mt 28, 16-20 Umakyat na si Jesus sa langit. Iniwan

Read More »

Homily May 10, 2026

 18,410 total views

 18,410 total views 6th Sunday of Easter Cycle A Mother’s Day Acts 8:5-8.14-17 1 Pt 3:15-18 Jn 14:15-21 Ngayon ay Mother’s Day. Batiin natin ang ating

Read More »

Homily May 3, 2026

 21,713 total views

 21,713 total views 5th Sunday of Easter Cycle A Acts 6:1-7 1 Pt 2:4-9 Jn 14:1-12 “Huwag kayong mabalisa!” Kailangan natin ang salitang ito ni Jesus.

Read More »
Scroll to Top