Sacred Heart of Jesus exhibit, tampok sa PCNE XI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,546 total views

Bukod sa mga talakayan at pagninilay, tampok sa 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) ang Sacred Heart of Jesus exhibit ng National Shrine of the Sacred Heart sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavilion.

Ayon kay Sacred Heart Shrine Ministry of the Word assistant coordinator, Sis. Marilou Prudente, layunin ng exhibit na maipakita at maibahagi ang kasaysayan, mga panalangin, at mga patotoo kaugnay sa debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, kabilang ang first-class relics nina St. Mary Margaret Alacoque at St. Claude de la Colombiere.

“We would like to invite everyone to see the exhibit of the National Shrine of the Sacred Heart. In the exhibit, you will see the history of the National Shrine of the Sacred Heart. You will also get to know better the devotion, the history regarding the Sacred Heart. We would love to have you here. Please do come,” ayon kay Prudente.

Pormal na sinimulan, kahapon, ang unang araw ng PCNE XI sa pamamagitan ng pagdadambana ng imahen ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus, sa pangunguna ni Sacred Heart Shrine team ministry member at Radyo Veritas President Fr. Roy Bellen.

Bahagi ito ng paggunita sa ika-350 anibersaryo ng Sacred Heart apparitions kay St. Margaret na naitala mula 1673 hanggang 1675.

Pinalalim ng mga aparisyon ang pag-unawa sa pag-ibig at habag ni Kristo para sa sangkatauhan, at nagbigay-inspirasyon sa malawakang debosyon sa Banal na Puso na sumasagisag sa Kanyang wagas na pag-ibig at walang hanggang awa.

Dahil dito, lumaganap sa Simbahang Katolika ang First Friday at Holy Hour devotions bilang tugon sa paanyaya ni Hesus para sa pag-ibig at pagbabayad-sala.

Noong October 24, 2024, inilabas ng namayapang Papa Francisco ang ensiklikal na Dilexit Nos, na muling nananawagan sa debosyon sa Kamahal-mahalang puso ni Hesus sa mundong puno ng tunggalian at kawalang malasakit.

Magtatagal ang exhibit hanggang bukas, July 20, kasabay ng pagtatapos ng PCNE XI.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 57,149 total views

 57,149 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 66,513 total views

 66,513 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 92,969 total views

 92,969 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 141,316 total views

 141,316 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 142,445 total views

 142,445 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top