Panalangin para sa mga biktima ng bagyong Crising, hiling ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,329 total views

Humiling ng panalangin ang opisyal ng Vatican para sa mga biktima ng pagbaha sa pananalasa ng Bagyong Crising.

Sa ikalawang araw ng 11th Philippine Conference on New Evangelization (PCNE XI) pinangunahan ni Dicastery for Evangelization Pro Prefect Cardinal Luis Antonio Tagle ang banal na misa sa University of Santo Tomas Quadricentennial Pavillon kung saan umapela ito sa mananampalataya na alalahanin sa mga panalangin ang mga nakaranas ng paghihirap dulot ng mga sakuna.

“Ipagdasal po natin ang ating mga kapatid na sa oras na ito ay dumaranas ng mahirap na sitwasyon dahil sa ulan at baha. Huwag natin silang iiwan lalo na sa ating mga panalangin,” ayon kay Cardinal Tagle.

Sinabi ni Cardinal Tagle na sa mga panahong nakararanas ng paghihirap ang sangkatauhan dulot ng mga sakuna at kalamidad ay bukod tanging si Hesus ang magbibigay ng liwanag at pag-asa sa bawat isa.

Matatandaang July 16 nang pumasok sa bansa ang Bagyong Crising sa Virac Catanduanes at lumabas ng Philippine Area of Responsibility, Sabado ng hapon.

Ilang lugar sa bansa ang isinailalim sa tropical cyclone wind signal dahil sa mga pag-ulang dulot ng bagyo.

Dahil sa bagyo mas pinaigting nito ang southwest monsoon o hanging habagat na nagdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa kabilang na ang Metro Manila.

Nagdulot ng mga pagbaha at landslide sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang bagyo at habagat na nakakaapekto sa mga komunidad.

Nakaantabay naman ang mga social arm ng simbahang katolika tulad ng Caritas Manila at Caritas Philippines at nakikipag-ugnayan sa mga apektadong diyosesis upang makapaghatid ng tulong para sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,266 total views

 46,266 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 79,348 total views

 79,348 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 107,699 total views

 107,699 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 175,431 total views

 175,431 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 195,356 total views

 195,356 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top