216 total views

Holy Trinity Sunday

Prov 8:22-31 Rom 5:1-5 Jn 16:12-15

Ngayong araw ay ang ating Independence Day. Mahalaga na ipaalaala sa atin ang ating Independence, ang ating Kasarinlan taon-taon upang mapahalagahan natin ang Kalayaan na ipinaglaban ng ating mga ninuno. Magpasalamat tayo sa kanila lalo na sa mga nagbuhos ng buhay upang tayo ay maging malaya. Ingatan din natin ang kalayaang ito upang hindi ito mawala sa atin. Ipinaglaban natin ito laban sa mga Kastila, laban sa mga Amerikano, at laban sa mga Japones. Ipaglaban din natin ito laban sa kapwa Pilipino na magsasamantala sa atin. Nangyari ito noong Martial Law na ang nang-api sa atin ay kapwa Pilipino at mga military at police na mga Pilipino. Huwag po tayo magpaapi muli. Huwag natin i-surrender ang Kalayaan natin na mag-isip, na magsalita, na maniwala at ng sama-samang pagkilos para sa kabutihan ng lahat. Ipasalamat, ipagdasal at panindigan natin ang ating kasarinlan.

Sa simbahan mayroon din tayong ipinagdiriwang ngayong araw. Ito ay ang Trinity Sunday. Pinapaalaala sa atin sa kapistahang ito kung sino ang Diyos natin. Ang Diyos natin ay iisa. Siya ay pagkaka-isa ng Ama, Anak at Espiritu Santo. Ang iisang Diyos natin na Ama, Anak at Espiritu Santo ay pinapahayag natin sa bawat pagkakataon na nag-aantanda tayo ng Krus. Binabanggit ng ating labi: “Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Ang lahat ay ginagawa natin sa ngalan ng ating Diyos kaya sa bawat pagkilos natin nag-aantanda tayo ng Krus. At ang pagkilos ng Diyos ay lalo nating natatanggap sa pagkamatay ni Jesus sa Krus para sa atin. Kaya kinukrusan natin ang ating sarili. Inalay ng Ama ang kanyang anak na nag-alay ng kanyang sarili sa Krus at napapabanal tayo nito sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Hindi po natin malalaman na ang iisang Diyos ay Ama, Anak at Espiritu Santo kung hindi po ito ipinahayag ni Jesukristo, ang Diyos anak na naging tao. Siya ang nagsabi nito sa atin kaya naniniwala tayo sa Diyos na Isa’tlo o Diyos na IsangTatlo. Sa ating ebanghelyo ngayon sinabi ni Jesus na marami pa siyang ibig sabihin sa atin pero hindi natin kayang maintindihan ang lahat. Kaya nagpapadala siya ng isa pang katulong na gagabay sa atin tungo sa buong katotohanan. Siya ang Espirtu ng Katotohanan. Ang kanyang sasabihin ay hindi naman kakaiba sa mensahe ni Jesus, at ang mensahe ni Jesus ay hindi naman kakaiba sa mensahe ng Ama. Ang lahat lang na nanggaling sa Ama ang sinabi ni Jesus at siya naman ang sasabihin at palalalimin ng Espiritu Santo. Kaya nandiyan na ang pahayag ni Jesus sa Isa’tlo o sa Trinity sa mga pangungusap na ito ni Jesus.

Ang pagpapakilala ni Jesus na ang Diyos ay Isa’tlo ay pinaniniwalaan naman ng mga apostol at ito rin ang tinuturo nila. Sa ating ikalawang pagbasa sinulat ni San Pablo sa mga taga-Roma na nagkakaroon tayo ng kapayapaan sa Diyos Ama sa pamamagitan ni Jesukristo dahil sa ating pananampalataya na nagbibigay sa atin ng pag-asa kahit na dumadaan tayo sa kahirapan at mga pagsubok. Ang pag-asang ito ay galing sa pag-ibig ng Diyos na ibinuhos sa ating mga puso ng Espiritu Santo. Kaya kumikilos ang Isa’tlo sa atin para sa ating kaligtasan. Ito ay galing sa Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesukristo, ang Diyos Anak, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo na binibigay sa atin.

Ang Ama, Anak at Espiritu Santo ay magkakaiba. Hindi sila magkapareho. Pero sila ay nagkakaisa sa kanilang pagkilos kasi binubuklod sila ng pag-ibig. Sa kanilang pagkakaibigan sila nagkakaisa kaya nga isa na lang sila sa kanilang pagka-Diyos. Noong tayo ay bininyagan tayo ay naging anak ng Diyos. Ibinahagi ng Diyos Anak ang kaniyang pagiging Anak kaya ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu, ang Espiritu Santo. Dahil sa kanyang kapangyarihan matatawag na natin ang Diyos na “Tatay, Ama ko.” Kaya nagiging kasama tayo sa pagmamahal ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. We become part of the dynamics of love of the Holy Trinity. What a wonderful thought. We take part, already now, in the eternal loving of the Trinity.

Ang hamon nito sa atin ay magkaisa din tayo tulad ng ating Diyos. Kahit magkaiba tayo – matanda at bata, lalaki at babae, mayaman at mahirap, iba’t-iba ang ating ugali at pananaw, kay BBM mano kay Lenie – pero tayo ay nagkakaisa kung tayo ay pinagsasama ng pag-ibig. Ang pairalin natin ay hindi ang ating pagkakaiba, kundi ang ating pag-iibigan. Malalampasan ng ating pag-ibig na walang iba kundi ang pag-ibig ng Diyos, kahit anuman ang ating pagkakaiba.

Pero ang pagkakaisa sa pag-ibig ay hindi nagbabalewala sa ating pagkakaiba. Hindi nawala ang ating individualities. Nandiyan pa rin ang pagkakaiba natin at ang mga ito ay hindi naghihiwalay sa atin bagkus nagpapatingkad pa sa ating pagkakaisa.

Sa Holy Trinity naglalaro ang pagkakaisa at pagkakaiba dahil sa pag-ibig. Ganyan din dapat tayo. Kaya sa simbahan sa Pilipinas ang Holy Trinity Sunday ay siya ring BEC Sunday, Sunday of the Basic Ecclesial Community. Upang maging tunay tayong simbahan at upang maranasan natin ang ating pagkakaisa sa simbahan kailangan na maging BEC tayo. Hindi tayo iniligtas ng Diyos nang isa-isa. Nililigtas tayo bilang kasama ng isang communidad.

Nagsasama-sama tayo. Paano tayo magmamahal kung nag-iisa tayo? Lumalago ang ating pagmamahalan sa ating pagkakaisa at sa ating pagsasama sa iba. Ang BEC ay samahan ng mga Kristiyano na magkapit-bahay. Doon natin naisasabuhay ang love of neighbor. Ang modelo at inspirasyon ng ating pamilya at ng ating BEC ay ang Diyos mismo – ang Isa’tlo. Kaya ang Diyos na Isangtatlo ay hindi lang isang palaisipan. Ito ay isang hamon at isang karanasan. Danasin natin ang Isa’tlo. Pumasok tayo sa pag-iibigan ng ating Diyos at isabuhay natin ito sa simbahan, sa ating BEC at sa ating pamilya.

Nag-gets ba natin ito? Hindi. Totoo, malalim ito. Pero pinangako naman ni Jesus ang kanyang Espiritu na gagabay sa atin sa buong katotohanan. Buksan natin ang ating sarili sa gabay ng Holy Spirit upang lalo nating maisabuhay ang Diyos na Isa’tlo!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 5,193 total views

 5,193 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 13,238 total views

 13,238 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 18,318 total views

 18,318 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 24,025 total views

 24,025 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 32,813 total views

 32,813 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 6,478 total views

 6,478 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,607 total views

 4,607 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,890 total views

 6,890 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,796 total views

 9,796 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,735 total views

 10,735 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,729 total views

 10,729 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,447 total views

 14,447 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,293 total views

 16,293 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,290 total views

 16,290 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,799 total views

 20,799 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 26,115 total views

 26,115 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,273 total views

 28,273 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,431 total views

 30,431 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,781 total views

 30,781 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,250 total views

 44,250 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top