Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 545 total views

Homiliya para sa Linggo ng Banal na Santatlo, Ika-12 ng Hunyo 2022, Juan 16:12-15

Alam kong naging pamilyar na sa inyo ang salitang SYNODALITY dahil ito ang itinataguyod na diwa ni Pope Francis sa Simbahan ngayong kasalukuyan. Dahil tayong lahat ay naglalakbay sa mundong ito, mahalaga daw ayon sa kanya na pag-aralan natin ang “sama-samang pakikilakbay”. Iyon ang literal na ibig sabihin ng salitang SYNODALITY: “together on the way.”

Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, naisip kong iugnay ang kahulugan ng SYNODALITY hindi lang sa tao kundi sa Diyos mismo bilang Banal na Santatlo.

Santatlo ang translation natin sa salitang TRINITY. Ang galing naman ng Filipino ano? Napakadali nating gumawa ng salita tungkol sa pagkakaisa ng marami. Lagyan mo lang ng “prefix” o unlaping SANG- o SAM-, sapol na agad ang ibig sabihin. Gaano man kaarami natutukoy natin bilang isa. Halimbawa: sangkaterba, sandamakmak, sangdamukal, sanduguan, sangkatauhan, sambahayan, sambayanan, sangnilikha, santinakpan.

Pag sinabi natin na ang Diyos ay Santatlo, hindi natin sinasabing ang Diyos ay tatlo kundi pagkakaisa ng tatlong persona: Ama, Anak, at Espiritu Santo. Ibig sabihin, ang pagiging ISA ng ating Diyos ay hindi PAG-IISA kundi PAGKAKAISA.

Alam natin ang pagkakaiba ng PAG-IISA sa PAGKAKAISA. Negative ang PAG-IISA, positive ang PAGKAKAISA. Di ba iyon ang sinasabi ng madalas nating kantahin sa simbahan, “Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.” Iyung mabuhay at mamatay para sa sarili lamang, iyon ang PAG-IISA. Malungkot iyon. Ok lang na magsarili, pero hindi ok na maging makasarili.

Sa ebanghelyong narinig natin, nagsasalita si Hesus bilang Anak. At ang sabi niya, “Dadakilain ako ng ESPIRITU dahil ang ipapahayag niya sa inyo ay nagmula sa akin. At lahat ng nasa akin ay sa AMA nanggaling.” Ibig sabihin, anuman ang sa Ama ay sa Anak din, at anuman ang sa Anak ay sa Espiritu Santo rin.

Di ba may ganito tayong kinakanta noong mga bata pa tayo? “Ang akin ay iyo ang iyo ay akin, kung tayo ay samasama, tayo ay masaya.” Mga bata pa lang tayo tinuruan na tayong magmalasakit sa kapakanan ng isa’t isa kung ibig nating mabuhay na masaya. Hindi magandang laging bukambibig ang AKIN, as in AKIN ITO, AKIN IYAN. Palagay ko inimbento ang salitang SAKIM para tukuyin ang mga mahilig mangamkam at di marunong magsabing ATIN, imbes na AKIN.

Kaya siguro naiinis ako pag nakikita ko iyong ipinapaskel sa mga barangay: TAPAT KO LINIS KO. Ba’t di na lang BARANGAY NATIN LINIS NATIN? O kapag nagpicnic, hindi ba mas maganda, imbes na KKB (kanya-kanyang baon) SSB (sama-samang baon)? Sa karanasan natin, di ba pag KKB, mabilis maubusan, pero pag SSB, sobra sobra?

Sabi ni Pope Francis isang katangian ng simbahang sinodal ang COMMUNION—pakikipagkaisang-puso at diwa. At ito ang dahilan kung bakit pinagkalooban tayo ng iisang Espiritu sa binyag. Ang Espiritu ang magtuturo sa atin na magkaisa kung paanong ang Ama at Anak ay nagkakaisa.

May karugtong pang pangalawang salita ang COMMUNION, ayon sa Santo Papa: PARTICIPATION, pakikibahagi. Ang maraming alagad na nagkakaisang puso at diwa ay natututong ituring ang bawat isa bilang kabahagi. Ito ang nangyayari kapag marunong na tayong magmalasakit sa isa’t isa. Nasasabi natin, “Hindi ka na iba sa akin.” Pag natututo tayong makipagkaisang-puso at diwa, natututunan din nating maramdaman ang sakit at kaligayahan ng isa’t isa, dahil tayo’y nagiging iisang katawan kay Kristo.

Ganoon din sa Diyos, ayon kay Kristo. Kaya sinabi niya rin sa ebanghelyo, “Pagdating ng Espiritu Santo, gagabayan niya kayo sa buong katotohanan. Ang ipahahayag niya ay ang narinig niya sa akin.” (Ang sinimulan ng Anak, itutuloy ng Espiritu.) Ibig sabihin, ang hangarin ng Anak ay ang tuparin ang hangarin ng Ama at tinutupad din ito ng Espiritu Santo.

Sa lahat pala ng gawain ng Diyos—ang paglikha, ang pagtubos o pagpapanatili—sama-samang gumagawa ang Banal na Santatlo. At dahil kalarawan niya tayo, mahalaga din sa atin ang sama-samang paggawa. Sa Ingles, TEAMWORK. Ang prinsipyo ay tulungan hindi gulangan. May tunay na partisipasyon ang bawat isa. At totoo naman na mas higit pa ang nakakayanan nating gawin kapag tayo ay nagtutulungan.

Minsan kahit gaano kahusay ang isang tao, kung hindi siya marunong makitrabaho, kung hindi siya team-player, sayang pa rin. Sa basketball, buwaya ang tawag sa kalaro na basta pinasahan ng bola hindi na bibitawan at shoot kaagad kahit hindi ready.

May pangatlo pang sangkap ang SYNODALITY ng Diyos. At ito ang MISYON. Sa misyon, may nagsusugo at may isinusugo. Ang Anak ay sugo ng Ama, ang Espiritu ay sugo ng Anak at Ama. Ang pagkilos ng Diyos parang paikot, pabilog, laging lumalabas sa sarili. Parang ipu-ipo ang galaw ng Santatlo, nagsisimula sa maliit, lumalaki. Pero ang epekto ay kabaligtaran ng ipu-ipo. Imbes na makasira, nakalilikha, nakapagbabago, nakapagpapabuti, nakapagpapatotoo, nakapagpapaganda.

Sabi ni Pope Francis—hindi pa tayo lubos na Kristiyano kung hanggang pagsunod lang tayo. Kaya tayo sumusunod ay para tayo ay maisugo, para magdala ng mabuting balita, upang maranasan natin ang langit sa lupa, upang maranasan natin sa daigdig ang paghahari ng Diyos. Ang Diyos na Santatlo ang nagpapagalaw sa Simbahan upang habang umuunlad tayo sa communion, participation at mission, unti-unti rin tayong nagiging sanhi ng pagbabago ng lipunan at ng buong sanlibutan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 10,813 total views

 10,813 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 26,902 total views

 26,902 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 64,659 total views

 64,659 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 75,610 total views

 75,610 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 20,216 total views

 20,216 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

CHRIST IN US

 5,871 total views

 5,871 total views Homily for Fri of the 11th Wk in OT, 20 June 2025, 2Cor 11, 18, 21-30 & Mt 6, 19-23 What do we

Read More »

“TANGING YAMAN”

 14,517 total views

 14,517 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Antonio de Padua, 13 Hunyo 2025, 2 Cor 4:7-15, Mat 5:27-32 Noon huling pyesta na nagmisa ako

Read More »

THE SPIRIT AND US: Partners in Mission

 13,536 total views

 13,536 total views Homily for the 6th Sunday of Easter, 25 May 2025 Readings: Acts 15:1–2, 22–29; Revelation 21:10–14, 22–23; John 14:23–29 Thank you all for

Read More »

TEARS

 23,576 total views

 23,576 total views Homily for Mass for the Easter Octave Mass for the Eternal Repose of Pope Francis, Jn 20:11-18 It is the Octave of Easter.

Read More »

PAGSALUBONG

 25,932 total views

 25,932 total views Homiliya para sa Paskong Pagkabuhay 2025, Juan 20:1-9 Kung may kakaiba o natatangi tungkol sa Pilipinong pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay, ito ay

Read More »

EKSENANG KARUMAL-DUMAL

 36,489 total views

 36,489 total views Homiliya sa Biyernes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong hapon ng Biyernes Santo, tahimik tayong nagtitipon sa harap ng isang larawang karumal-dumal, ang imahen

Read More »

KAIN NA

 19,767 total views

 19,767 total views Homiliya para sa Misa ng Huling Hapunan ng Panginoon Huwebes Santo 2025 Mga kapatid, ngayong gabing ito, ipinagdiriwang natin ang tatlong malalalim na

Read More »

FULFILL YOUR MINISTRY

 16,381 total views

 16,381 total views Homily for Chrism Mass 2025 My dear brother priests and our beloved priestly people, magandang umaga po sa inyong lahat. Every year, on

Read More »

KAPANATAGAN NG LOOB

 23,892 total views

 23,892 total views Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23 Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas

Read More »

“HUDYO” AT “ROMANO”

 12,069 total views

 12,069 total views Homiliya para sa Huwebes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 10 Abril 2025, Jn 8:51-59 Sa kadahilanang hindi sinasadya, alam n’yo ba na naging

Read More »
Scroll to Top