Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,435 total reads

Homiliya para sa Linggo ng Palaspas, 13 Abril 2025, Lukas 22-23

Salamat sa Diyos at inalis na ang parusang kamatayan sa ating batas sa Pilipinas. Totoo naman kasi na madalas magamit ang batas laban sa mga taong wala namang kasalanan pero gusto lang gipitin ng mga nasa kapangyarihan. At hindi totoo na epektibo ito bilang paraan ng pagsupil sa kriminalidad sa lipunan. Mas delikado sa lipunan kapag ang mismong mga alagad ng batas ang nagiging instrumento ng kriminalidad, lalo na kapag lumakas ang loob nila na abusuhin ang kapangyarihan, kapag sa tingin nila ay hindi sila mapapanagot ng batas, kapag para sa kanila sila na mismo ang batas o hawak nila ang batas.

Sa kasaysayan ng ating bansa, noong mayroon pang death penalty sa atin, iba’t iba ang paraan ng pagbitay na ginamit ng gobyerno. Noong panahon ng gobyernong kolonyal ng Espanya, garrote ang paraan ng pagbitay, katulad ng ginawa sa tatlong paring sina Padre Gomez, Burgos at Zamora, o firing squad naman tulad ng ginawa sa atin bayaning si Jose Rizal. Noong panahon ng mga Amerikano pagbibigti naman ang paraan ng pagbitay o pagparusang kamatayan. At inabot ko pa noong bata pa ako ang silya elektrika noong martial law, at ang lethal injection noong pagkatapos ng martial law. Natigil nga ito noong 2006, pero nauso naman ang EJK pagkatapos—mga iligal na paraan ng pagbitay pero tahimik na sinang-ayunan ng maraming Pilipino dahil sa paniwala nilang mabisang paraan ito ng pagsupil sa kriminalidad.

May narinig ako noon na mga kuwento ng mga paring chaplain na umalalay sa mga binibitay sa Bilibid. Ang iba daw, dahil sa tindi ng kaba at takot sa nalalapit nilang kamatayan, dinadala pa lang sa lugar kung saan bibitayin, nagwawala na sila at nagsisisigaw, ang iba’y nagsusuka, may naiihi sa pantalon, at merong nababaliw.

Ano ang nakikita nating kakaiba sa kuwento ni San Lukas tungkol sa pagharap ni Hesus sa parusang kamatayan sa krus? Una, kalmado siya; panatag ang loob na humarap sa mga umuusig sa kanya. Pangalawa, nanindigan siya na walang katotohanan ang mga paratang laban sa kanya. Pangatlo, pinigilan niya ang paggamit ng dahas, at pinagaling pa niya ang nasugatan na kampon ng mga umuusig sa kanya. Pang-apat, nagpatawad siya; hindi nagbitiw ng mga banta ng paghihiganti. (Itinuring niya sila bilang hibang o nawawala sa sarili.). At panglima, hanggang sa huling sandali nagbibigay pa rin siya ng pag-asa—katulad ng ginawa niya sa tulisan na katabi niyang nabitay sa kalbaryo.

Pero hindi rin totoong hindi siya natakot. Tao rin siya. Subalit hinarap niya ang takot niya sa gitna ng pananalangin niya sa hardin ng Gethsemani, hanggang sa napalitan ito ng kapanatagan ng loob.

Kapanatagan sa pagharap sa pagsubok—ito ang sinisimbolo ng palaspas na minana lang natin sa bayang Israel mula sa karanasang pinagdaanan nila sa disyerto. Kaya pala naging simbolo din ito ng ating mga bayani at martir sa simbahan. Ginawang tanda at sagisag ng pagbibigay-patotoo, sa matibay na pagyakap at paninindigan sa kalooban ng Diyos. Ito kasi ang larawan na ginamit bilang alaala ng bayang Israel, na sa maraming beses ay natukso ring masiraan ng loob sa paglalakbay nila sa disyerto, matapos na tumakas sa pagkaalipin mula sa Egipto. Ang palaspas ay para bang pampalakas-loob sa kanila na magpatuloy sa paglalakbay, sumulong, huwag umatras, humarap sa init, sa pagod, sa uhaw, sa gutom, sa dusa at kamatayan na walang hinahangad sa puso kundi ang makapasok sa Lupang Pangako.

Ganoon kung umusbong ang PAG-ASA. Na kapag madilim ang paligid, sa kalooban, sa puso at diwa tayo maghahagilap ng liwanag na siyang gagabay sa atin upang magtiyaga at magpunyagi. Ganoon kasi ang totoong mga kuwentong buhay natin—hindi naman laging matamis, maginhawa at masarap ang mga daranasin ng taong nagmamahal. Pero pagmamahal din ang nagpapalakas sa atin para harapin ang anumang pagsubok, pagtitiis, pagdurusa na may pananampalataya at tiwalang hindi tayo nag-iisa.

Sa ganitong paraan lamang natin nabibigyan ng saysay at kahulugan ang mga krus sa buhay natin. Mas masakit daw ang magdusa kapag di natin mabigyan ito ng kahulugan. Ito ang pinakamahalagang aral na kaloob ni Kristo sa atin na mga alagad niya. Siya lang ang makapagtuturo sa atin kung paano mapapagaan ang mabibigat na pasanin. Na kung susunod tayo sa landas ng kalbaryo, matatagpuan natin sa kanyang piling ang hinahon, kapanatagan, at tiwala. Na kung haharapin natin ang ating mga pagdurusa at kamatayan bilang pakikiisa sa kanyang pagdurusa at kamatayan ay mabibigyan natin ito ng kahulugan bilang partisipasyon o pakikilahok sa kanyang misyon ng pagtubos sa mundong nakasangla, misyon ng pagpapalaya mula sa pagkakabihag, ang misyon pag-aalay at pagbibigay-buhay sa ikatatagumpay ng paghahari ng Diyos.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 15,310 total reads

 15,310 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 43,475 total reads

 43,475 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 103,973 total reads

 103,973 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 123,862 total reads

 123,862 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 204,516 total reads

 204,516 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 304,264 total reads

 304,264 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SINO?

 16,068 total reads

 16,068 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »

PAGSASAAYOS

 15,710 total reads

 15,710 total reads Dalawang talinghaga ang pagbasa sa ebanghelyo: ang mangingisda at ang maybahay. Parehong may kinalaman sa pagpili. Pagpili ng mangingisda sa mga nahuli ng

Read More »

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 40,897 total reads

 40,897 total reads Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 104,918 total reads

 104,918 total reads Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »
Scroll to Top