Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 402 total views

12th Sunday of Ordinary time Cycle A

Jer 20:10-13 Rom 5:12-15 Mt 10:26-33

Ang dami nating kinatatakutan sa buhay. Takot tayong magkasakit. Noong panahon ng covid maraming tao ay takot magka-covid. Takot tayong mamatay. Takot tayong mawalan ng trabaho. Takot tayong bumagsak sa exam. Ang dami nating takot. Kaya maganda ang sabi ng Panginoong Jesus ngayong Linggo: huwag kayong matakot.

Sa maiksing pagbasa natin ngayon, tatlong beses sinabi sa atin: Huwag kayong matakot. Bakit huwag tayong matakot? Kasi may butihin at makapangyarihang Ama sa langit na nakakaalam ng ating kalagayan at nangangalaga sa atin. Ganoon niya tayo kakilala na bilang niya ang bawat buhok natin. Hindi nga natin alam kung ilan ang buhok natin pero ito ay alam ng ating Ama. He knows us more than we know ourselves. Hindi lang na alam niya ang kalagayan natin; hindi niya pahihintulutan na mapasama tayo. Pati nga ang mga maya ay naaalagaan niya. Hindi naman tayo nakakita ng maya na nahulog dahil siya ay gutom. Ano pa kaya tayo na mas mahalaga tayo kaysa sa libu-libong maya? Pababayaan ba tayo ng Diyos Amang makapangyarihan?

Si propeta Jeremias ay minamanmanan ng maraming tao. Galit sila sa kanya kasi sinasabi niya na sinasalakay sila ng kaaway dahil sa mga kasalanan nila. Kaya ang paraan ng kanilang kaligtasan ay ang pagsisisi at pagtitiwala sa kanilang Diyos kaysa makipagdigma sa kaaway. Ayaw tanggapin ng mga tao na mali sila at may kasalanan silang dapat pagsisihan. Kaya naghahanap sila ng pagkakamali ni Jeremias upang siya ay dakpin, mahatulan at mapaghigantihan. Pero hindi natatakot ang propeta. Panatag ang kanyang loob na kakampi niya ang Diyos at alam niya ang nagyayari sa kanya. Ang kanyang mensahe ay wala namang iba kundi ang ipinaparating ng Diyos. Alam ng Diyos ang binabalak ng mga kaaway niya. Ang dasal niya ay: “Ipinagkatiwala ko sa mga kamay mo, O Panginoon, ang aking kapakanan.” Panatag ang loob niya na ang Diyos ay nagliligtas sa mga api mula sa kamay ng mga gumagawa ng masama. Ipinagtatanggol ng Diyos ang mga inaapi!

Mas lalong malakas ang ating tiwala sa Diyos nang dumating na si Jesus. Naging tao siya. Naging katulad siya natin ang Diyos. Dumating siya upang iligtas tayo at hindi upang parusahan. Mas malakas siya kaysa kasalanan at anumang kasamaan. Siya ang bagong Adan na mas malakas kaysa unang Adan. Ang unang Adan ay nagdala ng kasalanan at kamatayan sa mundo. Nagsimula ang kasamaan dahil sa pagsuway niya. Kahit na kumalat na ang kamatayan sa mundo, pagdating ng Bagong Adan na si Jesus, nabago niya ang lahat. Natalo niya ang kamatayan. Walang nagawa ang maraming kasalanan. Nalinis itong lahat ni Jesukristo. Kaya bakit tayo matatakot? Naibigay na ng Ama ang kanyang bugtong na anak para sa atin, ano pa kaya ang hindi niya maitutulong sa atin? Manalig lamang tayo sa Diyos. Huwag tayong matakot!

Pero ang takot ay nakakatulong din sa atin kung tama ang kinatatakutan natin. Dahil sa takot tayong bumagsak, kaya nag-aaral tayo. Dahil sa takot tayong magkasakit, inaalagaan natin ang ating kalusugan at hindi tayo nagbibisyo kasi sa bandang huli ikasasama din natin ang ating bisyo. Kaya nakakaiwas tayo sa maraming kasamaan dahil sa may takot tayo, basta wasto lang ang kinatatakutan natin. Dahil sa may takot tayo sa Diyos, hindi tayo gumagawa ng masasama na ikagagalit niya. Kaya ano ang dapat nating katakutan? Iyan ang katakutan natin – ang Diyos at hindi ang tao. Ang pinakamasama na magagawa ng tao sa atin ay saktan at patayin ang ating katawan. Hindi nila maaabot ang ating kaluluwa. Maaari tayong ipatapon ng Diyos katawan at kaluluwa sa impiyerno. Matakot tayo sa kanya! Matakot tayong maging duwag sa pagpapatotoo sa katotohanan at sa Diyos. Kung ikinahihiya natin si Jesus ngayon sa harapan ng mga tao, ikahihiya din niya tayo sa harapan ng mga anghel. Matakot tayong magpakalat ng fake news o gumawa-gawa ng mga kwento na hindi totoo. Ang pasikretong sinasabi-sabi natin ay malalaman ng lahat. Ang binubulong natin ay isisigaw sa bubong. Kung ano ang ipino-post natin ay kakalat sa buong mundo at mananatili iyan sa internet. Kaya maging maingat tayo sa pagpo-post. Ang internet ay isang mabisang paraan upang ipakalat ang Magandang Balita at upang manindigan. Pero ito ay isang paraan din upang ikalat ang kasinungalingan.

Ang gulo ng mundo natin ngayon. Marami ang nakakatakot na maaaring mangyari. Marami din ang nananakot sa atin upang tayo ay patahimikin at kontrolin. Kaya maging mapagpanuri tayo kung ano ang dapat nating katakutan at ano naman ang hindi natin katakutan. Paano natin ito malalaman? Sa pamamagitan ng Espiritu Santo, ang Espiritu ng katotohanan at ang Espiritu na nagpapalakas ng ating loob. Magdasal tayo sa kanya at magpagabay tayo sa kanya. Nasa atin siya. Ibinigay siya sa atin ni Jesus.

Simulan na natin ito ngayon. Hindi tayo basta-bastang matatakot kung malakas ang ating pananalig sa Diyos na makapangyarihang Ama. Bilang Ama, mapagkalinga siya. Makapangyarihan siya kaya alam niya ang nangyayari sa atin at hindi niya tayo pababayaan. Mas matakot tayo sa kanya kaysa sinumang tao. Kaya mas sundin natin siya kaysa mga parinig at pagtuligsa ng mga tao. Iyan ang ginawa ng mga martir. Iyan ang ginawa ni San Lorenzo Ruiz at ni San Pedro Calungsod, ang dalawang Plipinong santo natin. Si San Lorenzo Ruiz ay pinako sa krus sa Nagasaki, Japan, at si San Pedro Calungsod ay sinibat sa Guam, USA. Iyan ang ginawa ni San Pedro at ni San Pablo, ang dalawang patron ng simbahan ng Roma. Si San Pedro ay pinako sa krus ng patiwarik at si San Pablo ay pinugutan ng ulo. May takot sila at wala silang takot. May takot sila sa Diyos at wala silang takot sa mga tao. Tinupad nila ang salita ni Jesus kung sino ang katatakutan at ano at sino ang hindi dapat natin katakutan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 2,109 total views

 2,109 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 15,249 total views

 15,249 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 21,222 total views

 21,222 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 26,977 total views

 26,977 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 34,240 total views

 34,240 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 298 total views

 298 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,613 total views

 2,613 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,740 total views

 8,740 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,869 total views

 6,869 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 9,152 total views

 9,152 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,058 total views

 12,058 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,997 total views

 12,997 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,991 total views

 12,991 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,709 total views

 16,709 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,555 total views

 18,555 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,552 total views

 18,552 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,061 total views

 23,061 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,377 total views

 28,377 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,535 total views

 30,535 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,693 total views

 32,693 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top