Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 272 total views

3rd Sunday of Lent Cycle C

Ex 3:1-8.13-15 1 Cor 10:1-6.10-12 Lk 13:1-9

Hindi lang tayo nilikha ng Diyos at saka pinabayaan na. Nilikha tayo ng Diyos at patuloy siyang nakikipag-relate sa atin. Patuloy siyang nakikipag-communicate sa atin. Ginagawa niya ito kasi mahal niya tayo. Tinatawag ng Diyos ang ating pansin upang magkaroon tayo ng kaugnayan sa kanya.

Sa unang pagbasa natin, tinawag ng Diyos ang pansin ni Moises sa pamamagitan ng puno na nag-liliyab ngunit hindi nauupos. Nagtaka si Moises at na-curious siya. Pinuntahan niya ang puno na umaapoy at doon nagsalita ang Diyos sa kanya. Sa ating ikalawang pagbasa, sinulat ni San Pablo na tinatawag ng Diyos ang ating pansin sa pamamagitan ng mga pangyayari noon sa kasaysayan ng bayan ng Israel. Ang mga pangyayari sa Bibliya ay para sa atin, upang magbigay ng lessons sa atin. Sa ating ebanghelyo naman, sinabi ni Jesus na ang mga pangyayari sa buhay natin ay may mensahe na galing sa Diyos. Kaya, mga kapatid, ang Diyos ay gumagamit ng maraming paraan upang tawagin ang ating pansin at makipag-communicate sa atin.

Noong lumapit na siya sa punong nagliliyab, pinahayag ng Diyos kay Moises na alam niya ang nangyayari sa mga Israelita sa Egipto. Napakinggan niya ang kanilang mga daing sa pang-aalipin sa kanila at nakikita niya ang kanilang paghihirap. Kaya pinapadala niya si Moises sa kanila upang iligtas sila. Upang paniwalaan si Moises ng mga Israelita, binigay ng Diyos sa kanya ang kanyang pangalan. Siya ay si Yahweh, si AKO NGA, ang Panginoon, ang Diyos ni Abraham, ni Isaac at ni Jacob. Hindi nilihim ng Diyos ang kanyang sarili sa atin. Sinabi niya ang kanyang pangalan. Hindi natin sinasabi ang ating pangalan sa basta kani-kanino lang, lalo na ang ating balak. Minsan kapag ako ang tinatanong, “Bishop, saan kayo pupunta?” Naiisip ko sa loob ko, ano ang pakialam mo! Pero alam naman natin na hindi talaga nag-oosyoso sa atin ang nagtatanong. Ito ay isang uri ng pagbati lang. Kaya kontento na sila sa sagot na “diyan lang” o “doon!” Pero ang Diyos ay nagpapaabot sa atin ng kanyang pangalan at ng kanyang balak. Balak niya
ay iligtas ang kanyang bayan at dalhin sa lupa na ipinangako niya sa kanilang mga ninuno.

At ang balak nga ng Diyos ay kaligtasan. Kaya dapat nating tingnan ang mga pangyayari na nakasulat sa Bible bilang mga aral sa atin upang tayo ay maligtas sa kasamaan. Kahit na matagal na ang mga pangyayari na nasulat sa Bible, at ito ay pangyayari sa mga tao na matagal nang nabuhay, ito ay may kahulugan pa rin para sa atin. Ang mga pangyayaring ito ay mga halimbawa sa atin. Huwag nating tularan ang masasamang ginagawa nila tulad ng pagrereklamo nila at hindi pagpapahalaga sa mga kababalaghan na ginagawa ng Diyos sa kanila. Kahit na napakain sila ng tinapay na galing sa langit at napainom ng tubig na galing sa bato, ang mga bangkay nila ay kumalat sa disyerto kasi mareklamo sila sa Diyos.

Ngayong panahon, dahil sa social communication at sa mass media, mabilis kumalat ang balita sa atin. Ano ang attitude natin sa mga balitang ito? Ito ba ay pinapakinggan lang natin at binabale wala na? Naaawa lang ba tayo sa mga tao na namamatay o nasusugatan? Sinisisi ba natin ang iba dahil sa mga pangyayari at sumasama ang loob natin? Sinasabi ni Jesus na ang mga balita ay mga paraan din ng Diyos upang mag-communicate sa atin. Ang mga ito ay hindi lang tungkol sa iba. Ito ay tungkol din sa atin. Noong panahon niya mayroong dalawang balita na kumalat sa mga tao. May mga taga-Galilea na pinapatay ni Pilato habang sila ay nagdadala ng kanilang handog sa templo. May labing-walong mga tao na nabagsakan ng tore sa Siloam sa Jerusalem. Bakit ba nangyari ang mga ito sa kanila? Dahil ba sa masasamang tao sila? Ayon kay Jesus ang mga pangyayaring tulad nito ay isang panawagan ng Diyos sa mga nakabalita nito na magsisi. Bigla-bigla ang mga pangyayari. Maaari ring mangyari ang mga ito sa atin. Kaya magsisi na tayo.

Wala tayong panahon na magpabaya. Ang kalagayan natin ay tulad ng isang puno na hindi namumunga sa talinhaga ni Jesus. Naghahanap ang may-ari sa atin ng bunga. Hindi lang sapat na nabubuhay tayo. May kabuluhan ba ang buhay natin? Ito ba ay namumunga ng kabutihan? Kung nandito pa tayo at hindi pa pinutol ang buhay natin, ito ay dahil nakikiusap lang si Jesus sa Ama na bigyan pa tayo ng pagkakataon at inaalagaan pa tayo ni Jesus. Pero dapat tayo ay mamunga na. We are just living on borrowed time. Nakiusap lang si Jesus para sa atin.

Ngayong mga tatlong linggo na ang nakaraan, ang laman ng mga balita ay tungkol sa Ukraine. Basta na lang sila ginera ng Russia. Dambuhalang bansa ang Russia na may maraming armas at mga soldado, at may mga nuclear bombs pa. Ang katabing bansa na Ukraine ay hindi kasing yaman at kasing armado ng Russia. Basta na lang itong sinalakay. Kawawa naman ang Ukraine. Aabot na sa tatlong milyon na mga Ukrainians ang lumilikas sa ibang bansa sa Europa. Kaya ang Santo Papa ay nanawagan na tulungan natin ang mga refugees. Kaya may second collection tayo sa misang ito para sa Ukraine. Nananawagan din ng panalangin si Papa Francisco. Ang buong simbahang katoliko ay magdadasal ng consecration ng Russia at ng Ukraine sa Kamahal-mahalang puso ni Maria sa March 25, ang Kapistahan ng Pagbati ng Arkanghel Gabriel kay Maria. Makiisa tayo sa ganitong dasal ng pagtatalaga.

Ang pangyayari sa Ukraine ay nananawagan sa atin na makiisa at makiramay sa mga biktima. Pero ito ay may mensahe rin sa atin sa Pilipinas ngayong naghahanda tayong pumili ng mga leaders natin. Maging maingat tayo sa dambuhalang kalapit na bansa natin. Maging maingat tayo sa Tsina. Huwag tayo basta-bastang magpapadala sa kanila. Hindi natin alam ang balak nila. Kaya, keep distance amigo! Kailangan natin ng leader ng ating bansa na may lakas ng loob na maninindigan para sa ating karapatan sa harap ng Tsina. May salita din ang Diyos sa atin sa pangyayari sa ating panahon ngayon.

Ang kuwaresma ay panahon ng paglapit sa Diyos. Siya ay nagmamahal sa atin. Palagi siyang nagpaparamdam sa atin at inaabot niya tayo. Suriin natin ang banal na kasulatan. Suriin natin ang mga pangyayari sa ating panahon. Sa mga ito nagsasalita ang Diyos sa atin. Basahin natin ang diaryo at basahin natin ang Bible. Pakinggan natin ang balita at pakinggan natin ang Bibliya. Huwag ipasabukas ang ating tugon sa Diyos. Baka wala nang bukas na darating. Mabilis ang mga pangyayari. Ngayon na ang panahon ng kaligtasan. Ngayon na tayo tumugon sa Diyos. If today you hear the voice of the Lord, harden not your hearts.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 8,944 total views

 8,944 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 14,917 total views

 14,917 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 20,672 total views

 20,672 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 27,935 total views

 27,935 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 35,919 total views

 35,919 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 90 total views

 90 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,405 total views

 2,405 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,532 total views

 8,532 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,661 total views

 6,661 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,944 total views

 8,944 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,850 total views

 11,850 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,789 total views

 12,789 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,783 total views

 12,783 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,501 total views

 16,501 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,347 total views

 18,347 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,344 total views

 18,344 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,853 total views

 22,853 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,169 total views

 28,169 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,327 total views

 30,327 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,485 total views

 32,485 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top