Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 303 total views

6th Sunday of Easter Mother’s Day

Act 8:5-8.14-17 1 Pt 3:15-18 Jn 14:15-21

Ngayon ay Mother’s Day. Batiin natin ang ating mga nanay ng Happy Mother’s Day. Iyong may mga nanay na nandito, halikan naman ninyo ang inyong mga nanay. (mag-antay ng kaunti) Kapag kinikilala natin ang ating mga nanay, kinikilala natin ang pag-ibig. Sa kanila natin nararamdaman ang pag-ibig. Kahit na may pagkukulang sila sa atin – at sino ba naman ang taong walang pagkukulang – kinikilala natin na dahil sa kanila, nandito tayo. Sa pagsilang nila sa atin, itinaya nila ang kanilang buhay. Ang panganganak ay isa sa pinakamapanganib sa buhay ng isang babae. Hindi lang nila tayo isinilang, sila ang nagpalaki sa atin. Sa sustansiya ng kanilang katawan – sa kanilang gatas – tayo ay nabuhay sa unang mga buwan ng ating buhay. Kahit na wala na sila sa piling natin, tulad ko na mga dalawampung taon na sumakabilang buhay ang mommy ko, kinikilala pa rin natin ang pag-ibig nila.

Pag-ibig. Iyan din ang paksa na tinutukoy ni Jesus sa ating pagbasa ngayon. Kilala natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin, binigay niya ang kanyang bugtong na anak sa atin. Kilala natin ang pag-ibig ni Jesus na atin, namatay siya sa krus para sa atin. Kaya kapag pinag-uusapan natin ang pag-ibig kilalanin natin una sa lahat ang pag-ibig ng Diyos. Siya ang unang nagmahal. Sa kanya nanggagaling ang lahat ng pagmamahal. Ang pag-ibig ng ating mga nanay ay galing sa pag-ibig ng Diyos. Ipagdasal natin sa Diyos na mapahalagahan natin kung gaano niya tayo kamahal, gaano niya ako kamahal!

Dahil sa mahal ako ng Diyos gusto ko rin siyang mahalin. Mabuti na lang at sinabi niya paano natin siya mamahalin. Hindi na natin ito huhulaan pa. Maliwanag ang sinabi siya: “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga utos.” Diniin pa niya: “Ang tumatanggap sa mga utos ko at tumutupad nito ang siyang umiibig sa akin.” Noong panahon ng mga Romano may kaugalian sila na nagpapadala ng kanilang luha sa isang maliit na lalagyan upang ipaabot at ipadala ang pag-ibig nila. Para kay Jesus hindi nasusukat ang pagmamahal sa luha na ibinuhos natin. Ngayon, may mga awit at mga tula na nagsasabi na ang pag-ibig ay nararamdaman sa bilis ng pantig ng ating puso. Hindi iyan ang tunay na sukatan ng pagmamahal para kay Jesus.

Gawin natin ang kanyang utos – iyan ang sinabi niya. At ano ang utos niya? Magmahalan tayo tulad ng pag-ibig niya sa atin. Ang ating pag-ibig sa Diyos ay napapahiwatig natin sa pag-ibig sa ating kapwa, lalo na sa kapwa na hindi kaibig-ibig. Kaya sinabi niya: “Kung ang nagmamahal sa inyo ang siya lamang ninyong mamahalin, anong gantimpala ang inyong maaasahan? Ginagawa din iyan ng mga makasalanan. Kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang ginagawa ninyong higit kaysa iba? Ginagawa din iyan ng mga pagano.” Kaya mahalin natin ang hindi natin kaano-ano. Mahalin natin ang kaaway. Mahalin natin sila hindi dahil sa mabuti sila sa atin. Mahalin natin sila kasi mabuti sa atin ang Diyos, kasi mahal tayo ng Diyos! Sa ganitong paraan natin napapakita ang pag-ibig natin sa Diyos.

Kaya kaya natin ito? Mahirap na nga magmahal sa ating pamilya, sa iba pa kaya? Kaya nga nangako si Jesus na magpapadala siya sa atin ng isa pang katulong, ng isang patnubay na magiging kasama natin. Ipapaalaala niya sa atin ang mga aral ni Jesus at bibigyan niya tayo ng kakahayan na ito ay magawa. Iyan ay ang Espiritu Santo na sasaatin at mananahan sa atin.

Sa ating unang pagbasa, nabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na ang mga Samaritano sa Samaria ay bukas loob na tinanggap ang mabuting balita dahil sa pahayag ng diyakonong si Felipe. Pumunta doon si Pedro at si Juan at nasaksihan nila ang magandang pagtanggap ng mga Samaritano sa balita tungkol kay Jesus. Pero nabinyagan pa lang sila at hindi pa nila natanggap ang Espiritu Santo. Kaya pinagdasalan nila sila at ipinatong ang kanilang kamay upang matanggap din nila ang Espiritu Santo. Kung sa atin pa, nabinyagan lang sila pero hindi pa nakumpilan. Kailangan din nila ang Espiritu Santo upang maisabuhay nila ang kanilang binyag. Kailangan din nating lahat ng kumpil. Sana ang mga hindi pa nakumpilan dito ay magpakumpil na rin. Ayaw ba ninyo na manahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos?

Sa taon ng simbahan, sa loob ng pitong linggo ng Muling Pagkabuhay pinapahayag sa atin ang bagong buhay na tinanggap natin noong nakiisa tayo sa muling pagkabuhay ni Jesus. Magtatapos itong panahon ng pagkabuhay sa pagbaba ng Espiritu Santo sa kapistahan ng Pentekostes. Ngayon na alam na natin paano mabuhay bilang mga binyagan, pinapaalaala sa atin na nandiyan din ang Espiritu Santo na ibinigay sa atin upang bigyan tayo ng kakayahan na isabuhay ang bagong buhay na binigay ng binyag.

Ang Espiritu Santo ay lakas at liwanag. Kailangan natin ito sa ating panahon na hinahamon tayo sa ating pananampalataya. Marami ang komokontra sa atin. Marami ang ignorante tungkol sa pananampalataya, kahit na sa mga katoliko na. Ang kuwento sa akin ng mga nagbibigay ng Banal na Aral na marami silang natuturuan na mga matatanda na hindi pa marunong kahit na mag-antanda ng krus. Marami pa nga na nag-aantanda nga ng krus pero hindi alam kung ano ang ibig sabihin nito, kaya kung anu-anong na lang ang pagkilos na ginagawa ng kamay sa kanilang dibdib. Hindi na mukhang krus! Nagbubugaw na lang ng langaw!

Kailangan talagang magpaliwanag tayo tungkol sa pananampalataya. Kaya nga sinulat ni Pedro sa ating ikalawang pagbasa: “Humanda kayong palagi na magpaliwanag sa sinumang nagtatanong sa inyo tungkol sa inyong pag-asa,” at ganoon din sa ating pananampalataya. Pero gawin natin ang pagpapaliwanag na ito na hindi paaway, lalo na kung nararamdaman natin na tayo ay pinipilosopo na lang. Gawin natin ng mahinahon at mapitagan ang ating pagpapaliwanag. Kahit na tayo ay alipustahin hindi tayo lalaban. Ipakita natin sa kanila ang pagmamahal. Hindi ito madali, kaya nga kailangan natin ang Espiritu Santo! Siya ang magbibigay sa atin ng kakayahan na matularan si Jesus na namatay para sa atin upang iharap tayo sa Diyos kahit na nandiyan ang hindi pagtanggap sa kanya.

Mahalin natin si Jesus. Sobra ang pagmamahal niya sa atin. Mahalin natin siya sa pagsunod sa kanyang mga utos. Ang utos niya ay mahalin natin ang ating kapwa kahit na iyong makulit at galit sa atin. Kaya natin ito, ibinigay ni Jesus ang kanyang Espiritu Santo na nananahan sa atin upang tayo ay liwanagan at palakasin sa ating paglalakbay sa landas ni Jesus.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

“Same pattern” kapag may kalamidad

 5,218 total views

 5,218 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 19,986 total views

 19,986 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 27,109 total views

 27,109 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »

Season of Creation

 34,312 total views

 34,312 total views Nakakalungkot, ginugunita ng buong Santa Iglesia ang “Season of Creation” o panahon ng paglikha mula a-uno ng Setyembre, kasabay ng “World Day of Prayer of Creation” na magtatapos sa ika-13 ng Oktubre 2024, araw ng National Indigenous Peoples’ Sunday. Kamakailan lang, nasaksihan at naranasan ng milyong Pilipino ang matinding epekto ng pagsasawalang bahala

Read More »

Bulag na tagasunod

 39,666 total views

 39,666 total views Mga Kapanalig, gaya sa larong tagu-taguan, ilang buwan nang “tayâ” ang ating kapulisang hindi mahanap-hanap si Pastor Apollo Quiboloy ng grupong Kingdom of Jesus Christ (o KOJC). Hinihinalang nagtatago siya sa compound ng grupo sa Davao. Mahigit isang linggo na ang nakalipas mula noong ibinalita ng Philippine National Police (o PNP) na, gamit

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 8, 2024

 762 total views

 762 total views 23rd Sunday of Ordinary Time Cycle B Is 35:4-7 James 2:1-5 Mk 7:31-37 Ngayong araw ay ang birthday ng ating Mahal na Ina. Happy birthday Mama Mary! Palakpakan natin siya. Pero dahil sa ngayon ay araw ng Linggo, ang mga panalangin at pagbasa natin sa Banal na Misa ay panlinggo. Ihingi natin kay

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily September 1, 2024

 2,076 total views

 2,076 total views 22nd Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Prayer for the Care of Creation Deut 4:1-2.6-8 James 1:17-18.2-22.27 Mk 7:1-8. 14-15. 21-23 Ang Salita ng Diyos. Napakahalaga nito. Napakinggan natin ang pagbasa kanina mula sa sulat ni Santiago: “Niloob ng Diyos na tayo’y maging anak niya sa pamamagitan ng SALITA NG

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 25, 2024

 4,806 total views

 4,806 total views 21st Sunday of Ordinary Time Cycle C Jos 24:1-2.15-17.18 Eph 5:21-32 Jn 6:60-69 Kayong nandito na nagsisimba, kayo’y mga katoliko. Ang karamihan sa atin ay naging katoliko dahil sa ipinanganak tayo sa isang pamilyang katoliko. Pero bakit ba kayo nanatiling katoliko? Bakit ba kayo patuloy na nagsisimba at nakikiisa sa simbahan? Ito ba

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 5,991 total views

 5,991 total views 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag kayong mga hangal. Unawain

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 18, 2024

 7,471 total views

 7,471 total views Homily August 18, 2024 20th Sunday of Ordinary Time Cycle B Prov 9:1-6 Eph 5:15-20 Jn 6:51-58 “Mga kapatid, ingatan ninyo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino, at di tulad ng mga mangmang. Sapagkat masama ang takbo ng daigdig, samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti. Huwag

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 11, 2024

 9,882 total views

 9,882 total views 19th Sunday in Ordinary Time Cycle B 1 Kgs 19:4-8 Eph 4:30-5:2 Jn 6:41-51 May mga panahon sa buhay na tayo ay nanghihina na o nalilito, at ayaw na nating magpatuloy sa ating ginagawa. Gusto na lang nating tumigil at tumalikod na lang. Nangyari ito kay propeta Elias. Kahit na mag-isang propeta lang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily August 4, 2024

 13,167 total views

 13,167 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. John Maria Vianney Sunday Ex 16:2-4.12-15 Eph 4:17.20-24 Jn 6:24-35 Hinahanap-hanap ba natin si Jesus? Saan natin siya hinahanap-hanap? Bakit natin siya hinahanap? Mabuti kung hinahanap natin si Jesus. Hindi natin siya dinideadma. Tulad tayo ng mga tao sa ating ebanghelyo. Hinahanap-hanap nila si Jesus.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 28, 2024

 15,601 total views

 15,601 total views 17th Sunday of Ordinary Time Cycle B World Day of Grandparents and the Elderly Fil-Mission Sunday 2 Kgs 4:42-44 Eph 4:1-6 Jn 6:1-15 Kapag mayroon tayong malaking problema o malaking project na gagawin, ano ang madalas nating tinatanong at ginagawa? Magkano ba ang kailangan natin para diyan? Tulad natin, may malaking cathedral tayong

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 17,461 total views

 17,461 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 19,771 total views

 19,771 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 25,898 total views

 25,898 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 24,027 total views

 24,027 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 26,310 total views

 26,310 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 29,216 total views

 29,216 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 30,155 total views

 30,155 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top