Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,247 total reads

Commemoration of all the Faithful Departed
2 Mac 12:43-46 Rom 8:31-35.37-39 Jn 14:1-6

Binabanggit po natin sa ating panalangin: “Sumasampalataya ako sa muling pagkabuhay ng mga namatay at sa buhay na walang hanggan.” Ang pananampalatayang ito ay ipinapahayag natin ngayong araw sa ating pag-alaala at pagdarasal sa ating mga yumao. Hindi sila nawala dahil patay na sila. Nandiyan pa rin sila at matutulungan pa rin natin sila sa pamamagitan ng ating dasal. Binanggit ni San Pablo na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos. Kahit na kamatayan ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos dahil sa pagtubos na binigay sa atin ni Jesus. Sa ating pagdarasal nakikiisa tayo sa kapangyarihan ng pag-ibig ng Diyos.

Ang paniniwala sa pagdarasal para sa mga yumao ay nandoon na sa panahon ng Lumang Tipan. Noong panahon ng mga Macabeo, ang mga Hudyo ay sinasakop ng mga Griego, kaya sila ay nakikipagdigma laban sa mga ito. Ipinagtatanggol nila ang kanilang kasarinlan at ang kanilang pananampalataya sa mga paganong Griego. Minsan, pagkatapos ng isang labanan, habang inililibing nina Judas Macabeo at ng kanyang mga soldado ang mga nasawi nilang mga kasama, natagpuan nila ang ilan sa kanila ay nagsusuot ng mga anti-anting. Ito ay labag sa kanilang paniniwala sa iisang Diyos. Ang mga kasamang ito ay makasalanan – naniniwala sila sa anting-anting -pero sila ay namatay din alang-alang sa pananampalataya. Ang ginawa ni Judas Macabeo ay nangolekta siya ng pera sa mga kasamahan niya upang magpadala ng pera para mag-handog ng alay ng patawad doon sa templo ng Jerusalem para sa mga kasamahan nilang nasawi. Sa pag-aalay na ito ipinakita ng mga Hudyo ang kanilang paniniwala sa buhay na walang hanggan sa mga nasawi. Naniniwala din sila sa bisa ng pag-aalay at panalangin para sa kanila kahit na patay na sila. Matutulungan pa rin natin ang mga patay sa pamamagitan ng ating mga dasal.

Tayo ay pumunta sa sementeryo kahapon, ngayon at sa mga araw na susunod. Ito ay hindi lang sa pag-alala sa mga yumao. Pumupunta tayo roon upang ipadama sa atin na bahagi pa rin sila ng ating buhay. Kaya naglalaan tayo ng panahon para sa kanila, kahit man lang isang araw sa isang taon. Pumupunta tayo doon upang magdasal. Kaya maganda pansinin ang mga taong nagdarasal doon at ang mga misa na ginagawa sa sementeryo. Tayo din ay nagsisindi ng kandila. Ang kandilang sinisindihan sa sementeryo, o sa simbahan, o sa bahay, ay isang tanda ng panalangin at buhay na pananampalataya. Nagdadala tayo ng bulaklak. Ito ay tanda ng ating pagmamahal, ng ating alaala sa mga yumao at ng ating dasal din. Kaya nag-aalay din tayo ng bulaklak sa simbahan at sa mga larawan ng Mahal na Ina at ng mga patron natin.

Ngayong taon tumama ang November 2 sa araw ng Linggo. Kaya ang mga misa natin ay para sa mga yumao. Nagpapamisa tayo sa mga yumao kasi ang misa ay ang pinakamabisang pag-aalay sa Diyos na maibibigay natin kasi ito ay ang pag-aalay ni Jesus. Sa bawat misa nakikiisa tayo sa pag-aalay mismo ni Jesus. Kaya mabuting kaugalian na magpamisa para sa mga patay.
Hindi wala na ang mga patay. Nandiyan pa rin sila at bahagi pa rin sila ng ating buhay. Dahil sa pag-alaala natin sa kanila pinag-iisa nila tayong mga buhay. Marami ay umuuwi sa kanilang mga probinsiya tuwing undas. Nagtatagpo uli ang mga magkamag-anak. Ang mga kabataan at mga apo ay nagkakaroon uli ng koneksyon sa kasaysayan ng pamilya dahil sa mga patay. Tumatatag ang pagkakaisa ng mga kamag-anak dahil sa mga yumao.

Isa rin na nagagawa ng mga yumao sa atin ay nagpapaalala sila sa atin sa isang katotohanan tungkol sa buhay – na ang kamatayan ay bahagi ng buhay. Lahat tayo ay mamamatay. Huwag nating talikdan at katakutan ang katotohanang ito. Mas nagiging makabuluhan ang buhay kung palagi nating isinasaalang-alang na tayo ay mamamatay. Mas mapapahalagahan natin ang buhay kasi ito ay mawawala. Hindi natin sasayangin ang panahon sa mga walang kwentang gawain at relasyon. Mas magiging responsable tayo sa buhay.

Isipin na lang natin ang mga nangungurakot ng milyon milyon sa bansa. Ano naman ang saysay ng maraming pera. Hindi naman nila ito madadala sa hukay, o ng maraming lupain, o ng maraming bahay, o kotse. Ang madadala natin sa kabilang buhay ay hindi kung ano ang mayroon tayo ngayon, kundi kung ano ang tinulong natin sa iba. Kaya nga sinabi ni Jesus na mag-impok tayo ng kayamanan hindi sa buhay na ito kundi para may tatanggap sa atin kabilang buhay – iyon ay iyong mga tao na natulungan natin.

Kaya mga kapatid, huwag tayong matakot sa kamatayan. Paghandaan natin ito at tanggapin natin kung ito ay dumating. Ang kamatayan ay hindi ang wakas. Ito ay pintuan tungo sa kabilang buhay na nag-aantay sa atin, kabilang buhay kung nasaan na ang mga mahal natin sa buhay na dumaan na sa pintuang ito. Balak natin na magsama-sama tayong muli sa tahanan ng ating Ama.

Sinabi ni Tomas, “Panginoon hindi namin alam kung saan ka pupunta, papaano namin malalaman ang daan?” Saan nga ba si Jesus pupunta? Sa Diyos Ama. Nanggaling tayo sa Diyos at sa Diyos tayo pupunta. Ano ang daan? Sino ang daan? Si Jesus. Tularan natin siya, pakinggan natin ang mga aral niya. Siya ang katotohanan at buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,621 total reads

 41,621 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,613 total reads

 121,613 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,060 total reads

 155,060 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 190,359 total reads

 190,359 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,312 total reads

 415,312 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily October 11, 2026

 10,741 total reads

 10,741 total reads 28th Sunday in Ordinary Time Cycle A Indigenous People’s Sunday Extreme Poverty Day Is 25: 6-10 Phil 4:12-14.19-20 Mt 22: 1-14 Kasaganaan! Iyan

Read More »

Homily October 4, 2026

 16,275 total reads

 16,275 total reads 27th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 5:1-7 Phil 4:6-9 Mt 21:33-43 Narinig po natin ang sinabi ni San Pablo: “Huwag kayong

Read More »

Homily September 27, 2026

 18,218 total reads

 18,218 total reads 26th Sunday in Ordinary Time Cycle A National Seafarers’ Sunday Migrants’ Sunday Ez 18:25-28 Phil 2:1-11 Mt 21:28-32 Ang impiyerno ay puno ng

Read More »

Homily September 20 2026

 31,387 total reads

 31,387 total reads 25th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 55:6-9 Phil 1:20-24.27 Mt 20:1-16 Ang Diyos ay dakila. Ibang iba siya sa lahat. Napakataas

Read More »
Scroll to Top