Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,322 total reads

Solemnity of our Lord Jesus, King of the Universe
Dan 7:13-14 Rev 1:5-8 Jn 18:33-37

Ngayon na ang huling Linggo ng taon ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, December 1, magsisimula na tayo ng bagong taon sa taon ng simbahan na tinatawag nating Liturgical Year. Ang Huling Linggo ay nagpapaalaala sa atin ng wakas ng panahon. Magwawakas ang mundo pero hindi natin ito kinatatakutan kasi sa wakas ng panahon mahahayag na ang kadakilaan ni Jesus. Makikilala na siya ng lahat na hari, siya ang hari ng mga hari, na ang ibig sabihin, ang pinakadakilang hari. Mga kapatid, hari si Jesus, pero kakaiba ang paghahari niya, kaya hindi siya madaling makilala ng maraming tao bilang hari. Ito ang sinabi niya kay Pilato noong siya ay hinuhusgahan nito. Sa tanong: “Ikaw ba ay hari ng mga Hudyo?” ang sagot ni Jesus ay: “Ang paghahari ko ay hindi sa sanlibutang ito.” Tama ang conclusion ni Pilato: “Kung gayon, isa kang hari.” Kaya, hari nga si Jesus.

Pero may malaking pagkakaiba ang paghahari niya. Hindi nga ito tulad ng paghahari sa mundong ito. Sa mundong ito ipinagtatanggol ng mga tauhan ang kanilang hari. Namamatay ang mga tao para sa kanilang hari. Hindi ganyan si Jesus bilang hari. Siya pa ang namatay upang tayo ay mabuhay. Ang mga hari sa mundong ito ay siyang sinusunod. Ang mga salita niya, kahit mali, ay sinusunod. Binabale-wala ng mga hari ang katotohanan, basta lang masunod ang gusto nila. Hindi ba nangyayari din iyan sa ating panahon? Maraming kasinungalingan ang sinasabi ng mga president at dakilang tao sa pamahalaan at hindi naman sila pinanagot sa mga kasinungalingang iyon. Maliwanag na sinabi ni Jesus na ang dahilan bakit siya ipinanganak at naparito sa sanlibutan ay upang magsalita tungkol sa katotohanan. Hindi ang gusto niya ang mahalaga. Ang mahalaga ay ang katotohanan, kaya ang nagpapailalim sa katotohanan ay nakikinig sa kanyang tinig. Ang trono ng haring ito ay ang krus at ang korona niya ay ang koronang tinik. Talagang kakaiba ang haring ito.

Ngunit sa wakas ng panahon titingalain siya ng lahat, pati na ng sumibat sa kanyang tagiliran. Darating muli ang haring ito ng buong kapangyarihan at kaluwalhatian. Kikilalanin siya na Alpha at Omega. Ang alpha ay ang unang letra ng Greek Alphabet at ang Omega ay ang huling letra. Siya ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas ng lahat. Ang lahat ay nilikha ng Diyos Ama dahil sa kanya at sa wakas ang lahat ay mapapasailalim sa kanya.

Ang dakilang paghahari ni Jesus ay nakinita na ni propeta Daniel. Darating ang isa na tila tao, na anak ng tao, at lalapit siya sa nakaupo sa Trono at bibigyan siya nito ng kapamahalaan, karangalan at kapangyarihan at paglilingkuran siya ng lahat ng tao, lahat ng bansa at lahat ng wika. Mamamahala siya sa lahat at ang hindi na magtatapos ang kanyang paghahari. Ang katuparan ng pangitaing ito ni Daniel na ating napakinggan sa unang pagbasa ay si Jesus, kaya ang paboritong tawag ni Jesus sa kanyang sarili ay ANAK NG TAO. Maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan ang tawag na ito. Para sa marami na mababaw lang ang paniniwala, ang ibig sabihin ng Anak ng Tao ay ordinaryong tao. Ito ay nagpapahiwatig ng karupukan ng buhay ng tao. Mahina siya at madaling mamatay. Pero sa mga may alam kay propeta Daniel at may pananampalataya, ang Anak ng Tao ay isang title ng isang binigyan ng Diyos ng buong kapangyarihan. Walang hanggan ang paghahari niya. Totoo naman kay Jesus ang dalawang kahulugan nito. Siya ay ordinaryong tao lang at namatay nga siya sa krus, pero siya ay mabubuhay muli at babalik muli na puno ng kadakilaan magpakailanman. Ang Jesus na sinasamba natin na maliit na bata sa Santo Nino, ang Jesus na nakadapa sa Poong Nazareno na nagbubuhat ng kanyang Krus, ang Jesus na nakapako sa krus, at ang Jesus na hawak hawak ni Maria ang kanyang bangkay na wala nang buhay, ay siya ring Jesus na pinupugayan natin ngayon na isang magiting na hari na may koronang ginto at nakasuot ng malaharing damit. Ito ay ang Jesus na mananatili, at inaasahan nating mapasama sa kanya sa kanyang kaharian magpakailanman.

Kung ibig nating maging kasama ng dakilang haring ito sa wakas ng panahon, samahan na natin siya ngayon. Magpailalim tayo palagi sa katotohanan. Huwag lang natin tanggapin ang katotohanan, mamuhay tayo ng totoo at hindi nagkukunwari. Tanggapin natin at paglingkuran ang mga mahal niya sa buhay – ang mga mahihirap. Ano ang ginagawa natin o hindi natin ginagawa sa kanila ay ginagawa o hindi natin ginagawa kay Jesus. Mahalin na natin siya ngayon at sinabi niya na ang nagmamahal sa kanya ay sumusunod sa kanyang mga utos. Tulad niya na ang paghahari niya ay ang pinapakita sa service, maglingkod din tayo sa ating communities at sa ating kriska. Para sa ating mga kristiyano ang paglilingkod ay ang pagsasabuhay ng pagiging hari.

Dinadakila ka namin Panginoong Jesus. Maghari ka sa amin ngayon at magpasawalang hanggan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 27,526 total reads

 27,526 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 50,237 total reads

 50,237 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 86,737 total reads

 86,737 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 307,362 total reads

 307,362 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 340,402 total reads

 340,402 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily September 6, 2026

 4,289 total reads

 4,289 total reads 23rd Sunday in Ordinary Time Cycle A Ez 33:7-7 Rom 13:8-10 Mt 18:14-20 Huwag kayong magkaroon ng anumang utang kanino man liban sa

Read More »

Homily August 30, 2026

 15,232 total reads

 15,232 total reads 22nd Sunday in Ordinary Time Cycle A Jer 20:7-9 Rom 12:1-2 Mt 16:21-27 Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong

Read More »

Homily August 23, 2026

 18,173 total reads

 18,173 total reads 21st Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 22:19-23 Rom 11:33-36 Mt 16:13-20 Nauuso ngayon ang paggawa ng mga survey upang malaman ang

Read More »

Homily August 16, 2026

 24,441 total reads

 24,441 total reads 20th Sunday in Ordinary Time Cycle A Is 56:1.6-7 Rom 11:13-15.29-32 Mt 15:21-28 Noong kapanahunan ng Lumang Tipan, ang mga Hudyo ay mapangmata

Read More »
Scroll to Top