Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 1,352 total views

First Sunday of Advent

Is 2:1-5 Rom 13:11-14 Mt 24:37-44

Happy New Year sa inyong lahat! Bagong taon na ngayon ng Simbahan. Ito ang unang Linggo ng Adbiento. Ang ibig sabihin ng salitang Advent o Adbiento ay Pagdating. Inaasahan natin ang pagdating. Oo, ang pagdating ng Pasko.

Apat na Linggo na lang Pasko na. Pero hindi lang pasko ang inaantay at inaabangan natin. Inaantay, inaabangan at pinananabikan natin ang muling pagdating ni Jesukristo. Dumating siya sa unang pasko sa anyo ng mahinang baby. Darating muli sila sa anyo ng makapangyarihan at makatarungang hari at hukom. Ilan lang ang nakakita at nakakilala sa kanya sa Bethlehem. Pero ang kanyang muling pagdating ay magiging lantad sa lahat. Sinimulan ng anak ng Diyos ang kanyang gawaing magligtas noong siya ay isinilang. Kaya siya ay binigyan ng pangalang Jesus na ang kahulugan ay ang Diyos na magliligtas. Tatapusin at gagawing ganap ng Muling Nabuhay na Jesus ang gawain ng pagliligtas sa kanyang muling pagdating. Lubos nang matatalo ang kasamaan at kamatayan. Kaya mga kapatid, dapat nating abangan ito. Kaya ang focus natin sa panahon ng Advent ay hindi lang ang pasko. Kasama dapat sa focus natin ang muling pagdating niya. Mas ito ang paghahandaan natin.

Pero inaabangan ba natin ang muling pagdating ni Jesus? Kung sa totoo lang – hindi! Kinatatakutan pa nga natin at sa loob-loob natin, sinasabi natin – huwag muna ngayon. Bakit? Bigla kasi ang pagdating ni Jesus at ayaw natin na mabigla. Mabuti pa ang pasko ay mabibilang natin – 28 days na lang Pasko na. Makakal-culate natin at matatantsya natin ito. Pero itong muling pagdating ay hindi natin alam kung kailan. Kaya ang babala ni Jesus sa ating ebanghelyo ay maingat kayo baka kayo mabigla tulad nang ang mga tao ay nabigla pagdating ng malaking baha noong panahon ni Noe. Patuloy sila sa kanilang pangkaraniwang buhay – nagtitinda, naglalaba, nagsasaka, nagtatayo ng bahay at hindi nila alam na babahain na pala silang lahat. Ganoon kabigla iyan, tulad din na ganoon kabigla ang kamatayan para sa marami. Kasama mo lang sa trabaho at sa sumunod na araw patay na. Kasama lang sa bahay at sa pagtulog at hindi na nagising. Hindi natin hawak ang buhay natin at ang buhay ng sinumang mahal natin.

At aminin natin na mas malapit na bawat araw ang pagdating ni Jesus, tulad ng araw-araw nalalapit na ang ating kamatayan. Kaya huwag na tayong magpabaya. Gumising na. Maging listo na para sa kabutihan. Gusto man natin o hindi, talagang darating ang araw na iyan sa bawat isa sa atin. Pero huwag tayong matakot kasi darating siya bilang manliligtas.

Ang natatakot ay ang gumagawa ng masama o ang nagpapabaya at walang ginagawa. Katulad din yan ng pagdating ng pulis. Kung gumagawa ka ng masama, tulad ng nagnanakaw o nagdrodroga, matatakot ka sa pagdating ng pulis. Mahuhuli ka at mapaparusahan. Pero kung ikaw ay inaapi o pinagsasamantalahan, matutuwa ka at inaasahan mong dumating na agad ang pulis kasi ililigtas ka niya. Kaya ang tingin natin sa pagdating muli ni Jesus ay nagdedepende sa takbo ng buhay natin ngayon.

Kung pa-enjoy enjoy lang tayo sa mga makamundong bagay, ayaw natin na dumating na agad siya. Mawawala na ang mga makamundo at makalamang mga bagay na hawak natin – tulad ng ating pera, ng ating kaaliwan, at ng ating makamundong kapangyarihan. Pero kung ang pinagkakaabalahan natin ay ang paggawa ng mabuti at ang maging kalugud-lugod sa Diyos, gusto natin na dumating na ang magbibigay ng gantimpala. Kung inaayawan natin ngayon sa buhay ang masasamang kalakaran na nangyayari sa bansa tulad ng pagsasamantala sa mahihirap, tulad ng pagpapakalat ng fake news, tulad ng pandaraya, gusto natin na dumating na ang manliligtas at matigil na ang mga ito. Dumating ka na Panginoon at panibaguhin mo na kami!

Huwag nating katakutan ang muling pagdating ni Jesus. Itatayo na niya sa piling natin ang kaharian ng langit. Kaya tulad ng narinig natin kay propeta Isaias sa unang pagbasa, anyayahan natin ang bawat isa: Halina kayo, pumunta na tayo sa bundok ng Panginoon. Tuturuan niya tayo ng kanyang mga aral at lalakad tayo sa kanyang daan, ang daan ng kaligtasan at kaganapan ng buhay. Sa pagdating ni Jesus, darating siya bilang dakilang hukom at siya na ang magpapalakad sa mundo. Babaguhin niya ang lahat.

Ngayon nababalitaan natin ang nangyayari sa Ukraine. Ang daming armas na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar ang pinapadala sa Ukraine ng America, ng UK, ng France, ng Germany. Ang dami ring mga bomba ang pinapalipad ng Russia at ng Iran sa Ukraine, na ang bawat isa noon ay nagkakahalaga ng ilang milyong dolyar. Ang daming pera ang nagugugol sa digmaan hindi lang sa Ukraine pero sa buong mundo. Ang daming kaalaman at techonolgy ang ginagamit para gumawa ng mga sandata para lalong mabisa na pumatay at masira ng kaaway.

Nagbabanta pa nga ng paggamit ng nuclear weapons. Mababang uri pa lang ang atomic bomb na ginamit sa Nagasaki noong 1945 at higit na 74,000 ang direktang napatay ng isang bomba lang, hindi pa dito nabibilang ang libo-libong nagkasakit ng cancer at leukemia. Ano pa kaya ang mga nuclear bombs ngayon? Kay ganda sana ng mundo na wala nang sandata, digmaan at mga bomba. Ang pera na ginagamit sa paggawa ng mga bomba at mga baril ay ginugugol sana sa pagpatayo ng hospital, ng mga paaralan at mga palengke.

Gagawin ng karit ang mga tabak, sabi ni Propeta Isaias. Gumagastos ng malalaking pera sa armas ang mga bansa pero walang pera ang mundo para sugpuin ang global warming at climate change. Kung kalahati lang ng pera na para sa armas ay gamitin sa pagbigay ng clean energy, ng gamot, ng pagkain, ng binhi at gamit sa mga magsasaka, mawawala na ang kahirapan sa mundo. Kay ganda ng mundo na wala nang digamaan at mga war games o pagsasanay sa digmaan. Ito ang hinahangad nating mundo. Ito ang pagdating muli ni Jesus na dapat nating pinananabikan! Halina Jesus, dumating ka na!

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 16,356 total views

 16,356 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 23,837 total views

 23,837 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 36,977 total views

 36,977 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 42,950 total views

 42,950 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 48,704 total views

 48,704 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 21, 2024

 1,179 total views

 1,179 total views 16th Sunday of Ordinary Time Cycle B Jer 23, 1-6 Eph 2:13-18 Mk 6:30-34 Pagkalito. Walang pagkakaisa. Nagkakagulo. Madaling masilo ng iba. Nanghihina. Iyan ang katangian ng kawan na walang pastol o napapabayaan ng pastol. Iyan din ang kalagayan ng mga tao na walang maayos na leader. Noong panahon ni Jeremias magulo ang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 3,492 total views

 3,492 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 9,619 total views

 9,619 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 7,748 total views

 7,748 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 10,031 total views

 10,031 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 12,937 total views

 12,937 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 13,876 total views

 13,876 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 13,870 total views

 13,870 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 17,588 total views

 17,588 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 19,434 total views

 19,434 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 19,431 total views

 19,431 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 23,940 total views

 23,940 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 29,256 total views

 29,256 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 31,414 total views

 31,414 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 33,569 total views

 33,569 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top