Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 471 total views

31st Sunday of the Year Cycle C

Wis 11:22-12:2 2 Thess 1:11-2:2 Lk 19:1-10

May isang tatay ng nagrereklamo sa akin tungkol sa kanyang anak na babae. Magkagalit sila at matagal na raw silang hindi nag-uusap. Ayaw daw na lumapit ang kanyang anak, nagmamatigas ng ulo. Sabi ko sa kanya kung pwede na siya na lang ang mauna na lumapit sa kanyang anak at kausapin siya. Agad sumiklab ang kanyang galit: “Aba, ako ang tatay. Siya dapat ang lumapit. Ano ang aakalain ng iba na mahina ako? Bakit ako magpapatawad?” Madalas po ang ganitong pag-iisip. Ang pagpapatawad ay tanda daw ng kahinaan. Hindi nagpapakumbaba ang malalakas. Kahinaan ang pagkikipagkasundo. Sila muna ang lumapit.

Iba ang paraan ng Diyos. Sinabi sa Aklat ng Karunungan sa ating unang pagbasa na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Ang buong sangnilikha – the whole universe – ay para lamang isang patak ng hamog sa umaga. Dahil sa magagawa niya ang lahat kaya may habag siya sa lahat. Hindi dahil sa siya ay malakas nagpaparusa na lang siya. Hindi! Pinapakita niya na malakas siya at makapangyarihan siya sa pagpapatawad niya sa lahat. Hindi bigla-bigla ang pagsabog ng kanyang galit sa masasama. Tinutuwid niya nang dahan-dahan ang lahat kasi makapangyarihan siya. Kahit na magagawa niya ang lahat ayaw niyang mapapahamak ang sinuman. Hindi niya ginagamit ang kanyang kapangyarihan upang sindakin o takutin o pilitin ang sinuman.

Itong katangian ng Diyos ay pinakita ni Jesus sa ating ebanghelyo. Si Zakeo ay mayaman at pangulo ng mga taga-kolekta ng buwis. Kahit na mayaman siya at isa siyang opisyales sa lunsod ng Jerico, hindi siya ginagalang ng mga tao. Maliit siya hindi lang dahil sa kanyang height; maliit din siya sa paningin ng mga tao. Kaya noong ibig niyang makita si Jesus sa daan, hindi siya makasingit o hindi siya pinapasingit ng iba. Minamaliit siya ng mga tao kasi makasalanan siya. Paano ba yumayaman ang tax collector? Corrupt siya ayon sa mata ng mga tao. At traidor pa sa kanyang kababayan. Nagko-cooperate siya sa mga dayuhang Romano na nang-aapi sa kanila.

Pero si Zakeo ay isang tao na hindi basta-basta nagpapatalo. Mapaghanap siya ng pamamaraan. Kahit ano ay gagawin niya para lang makuha ang gusto niya, kaya naging pangulo siya ng mga taga-kolekta ng buwis, kaya naging mayaman siya. Ayaw tumabi ang mga tao, kaya umakyat siya sa puno ng sikomoro para lang makita si Jesus. Oo, makita lang si Jesus! Pero iba ang balak ni Jesus. Gusto ni Jesus na tumigil, tumuloy sa kanyang bahay. Kilala pa siya ni Jesus, tinawag ang kanyang pangalan. Sa bawat hakbang natin na lumapit sa Diyos, ang Diyos ay gumawa na ng sampung hakbang palapit sa atin. Maliit lang ang ating hangarin na makiisa sa Diyos – pero ang Diyos ay may malaking kagustuhan na makiisa sa atin. Iniimbita niya ang kanyang sarili na makiisa sa ating buhay. Sino ba naman tayo? – mga taong hamak at di kilala. Sino ba naman ang Diyos? Dakila at makapangyarihan sa lahat, ngunit gusto niyang makiisa sa atin, pumasok sa ating buhay. Ito ang nangyayari sa bawat misa – si Jesus ay pumapasok sa ating puso sa pamamagitan ng kanyang salita at pumapasok sa ating katawan sa Banal na Komunyon.

Dali-daling bumaba si Zakeo at tinanggap si Jesus. Ang kanyang pakikipagtagpo kay Jesus ay nagdala ng pagbabago sa kanya. Oo makasalanan siya noon pero iba na ngayon. Kung noon mahalaga sa kanya ang pagkakamkam ng pera, ang magpayaman, ngayon pinamimigay na niya ito. Ibibigay niya ang kalahati ng kanyang ari-arian sa mga mahihirap. Sino ba sa atin ang makagagawa ng ganyan? Hindi lang siya naging mapagbigay. Naging makatarungan din siya. Apat na ibayo ang isasauli niya sa mga taong niloko niya! Gumagawa siya ng restitution. Mayroon nga tayong mga politiko na hindi umaamin sa mga bilyones na kanilang kinamkam at hindi ito binabalik sa taong bayan. Nasaan na ang mga pangako na magbibigay ng pera at ibabalik ang perang ninakaw?

Charity and Justice – iyan ang dapat gawin ng mga nagsisisi at nagbabago. May iba na hanggang sa charity lang pero walang justice. Madalas ito mangyari sa simbahan. May mga big donors ang simbahan sa kanyang mga projects at mga fiesta. Sila ay nagdodonate, pero makatarungan ba sila sa kanilang mga manggagawa? Nagbibigay sila pero ang pera naman nila ay galing sa sugal o sa jueteng o sa pangungurakot sa gobyerno o sa kanilang business. Panlabas lang ang kanilang pagdo-donate kasi hindi ito sinasamahan ng restitution, ang pagbalik sa kanilang kinuha. Kaya talagang totoo ang pagbabalik-loob ni Zakeo. Kaya nasabi ni Jesus na dumating na ang kaligtasan sa bahay ni Zakeo.

Dakila si Jesus at tanyag na noon. Ginamit ni Jesus ang kanyang pagkadakila sa pagtanggap sa mga makasalanan. Siya pa nga ang nanguna. Hindi muna hinantay ni Jesus na magbago si Zakeo bago siya tumuloy sa kanyang bahay. Sa halip, ang pakikiisa ni Jesus kay Zakeo ay ang nagdala ng pagbabago kay Zakeo, at malaking pagbabago! Si Jesus ay hindi namatay sa krus para sa atin kasi mabait tayo o bumait na tayo. Makasalanan pa tayo noon, kaaway pa tayo ng kabutihan, namatay na si Jesus para sa atin. Dahil sa kanyang pagtubos, dahil sa kanyang pag-aalay ng sarili saka na tayo nagsisi at bumait, at sana patuloy na bumabait. Kaya ang simbahan ay hindi para sa mga taong matutuwid. Ito ay para sa mga makasalanan at siya ay nagdadala ng pagbabago.

Mga kapatid, tulad ni Jesus, kilalanin natin ang mga makasalanan. Kilala ni Jesus si Zakeo. Tulad ni Jesus tumigil tayo sa ating paglalakbay upang makiisa sa mga makasalanan. Tumigil si Jesus sa daan at tumingala kay Zakeo. Hindi natin alam, baka ang paglapit natin sa kanila ang magbigay ng pagkakataon na sila ay magbago.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,458 total views

 5,458 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,431 total views

 11,431 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,186 total views

 17,186 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,449 total views

 24,449 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,434 total views

 32,434 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 14, 2024

 2,280 total views

 2,280 total views Homily July 14, 2024 15th Sunday of Ordinary Time Cycle B Amos 7:12-15 Eph 1:3-14 Mk 6:7-13 Ang Diyos ay palaging nagpapadala. Noon, nagpapadala siya ng mga propeta. Pinadala niya ang kanyang Anak. Pinadala niya ang kanyang mga alagad kaya sila ay tinawag na mga apostol, na ang kahulugan ay ang mga pinadala.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily July 7, 2024

 8,407 total views

 8,407 total views Homily July 7, 2024 14th Sunday Ordinary Time Cycle B Ez 2:2-5 2 Cor 12:7-10 Mk 6:1-6 Talagang nakakataka. Ang mabuti ay mahirap tanggapin at mahirap gawin, pero ang masama ay madaling paniwalaan at madaling gawin. Mahirap maniwala ang tao na nakabubuti sa kanila ang kabutihan pero madali sundin ang masasamang gawain. Hindi

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 6,536 total views

 6,536 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 8,819 total views

 8,819 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 11,725 total views

 11,725 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 12,664 total views

 12,664 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 12,658 total views

 12,658 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 16,376 total views

 16,376 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 18,222 total views

 18,222 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 18,219 total views

 18,219 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 22,728 total views

 22,728 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 28,044 total views

 28,044 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 30,202 total views

 30,202 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 32,360 total views

 32,360 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 32,705 total views

 32,705 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top