972 total views

22nd Sunday of Ordinary Time Cycle A

Jer 20:7-9 Rome 12:1-2 Mt 16:21-27

Sinabi si San Pablo sa ating ikalawang pagbasa: “Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito.” Ano ba ang takbo ng mundong ito? Maging makasarili. Ang sarili ay ang sentro. Ang hinahanap ay ang sariling kapakanan lang, ang sariling kasiyahan at kapakinabangan. Kaya nga sinabi ni Jesus sa ating ebanghelyo, “Kung sinumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin.” Ipinagpatuloy pa niya: “Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito.” Oo, mamatay sa sarili upang mabuhay sa Diyos. Iyan ang kahulugan ng binyag na tinanggap natin. Dito natin ginagaya si Jesus. Namatay siya at dahil dito nagkaroon siya ng bagong buhay.

Hindi madali na lumangoy tayo laban sa agos ng kalakaran ng mundo. Kaya kailangan natin ng makabagong pananaw. Pati si Pedro, ang apostol na pinili ng Ama na makilala si Jesus na Kristo at Anak ng Diyos, ang apostol na ginawa ni Jesus na bato na mapaninindigan ng simbahan, at taong binigyan ni Jesus ng susi ng langit – siya mismo, si Pedro, ay nadala din ng agos ng mundo. Noong nagsasalita na si Jesus ng mangyayari sa kanya sa Jerusalem, na doon siya ay dadakpin, papasakitan at papatayin, itinabi siya ni Pedro at pinagsabihan na huwag siyang magsalita ng ganyan. Hindi iyan mangyayari sa kanya. Siya yata ang Kristo. Ang Kristong inaasahan ng maraming tao noon ay ang leader na ipadadala ng Diyos upang iligtas sila sa kalaban nila. Ang kaligtasan na kanilang inaasahan ay kaligtasan sa mga Romano na umaapi sa kanila. Ang kaligtasan na hinahanap nila ay sapamamagitan ng armed struggle – kapangyarihan ng armas. Diyan lamang nila mapapatalsik ang mga Romano. Iyan ang paraan upang magkaroon ang mga Hudyo ng kanilang sariling kaharian tulad noong panahon ni David. Ang isang galing sa angkan ni David ang mamumuno sa kanila sa ganitong paghihimagsik. Iyan ang Kristong inaasahan nila. Kaya kung si Jesus nga ang Kristo, hindi mangyayari na maaapi siya at siya ay papatayin. Iyan ang pananaw ng mga tao noon. Iyan din ang akala ni Pedro. Kaya siya ay pinagwikaan ni Jesus. Tinawag siyang satanas, na ang ibig sabihin ay manunukso. “Lumayo ka Satanas! Hadlang ka sa aking landas. Ang iniisip mo’y hindi sa Diyos kundi sa tao.”

Ang pag-iisip ng ganito ay hindi lang kay Pedro o sa mga tao noong panahon. Hanggang ngayon marami pang mga tao, kahit na nga mga Kristiyano, na nag-iisip ng ganito. Wala tayong nakikita na kabutihan sa kahirapan. Inaayawan natin ito. Kaya ayaw nating magdasal araw-araw. Mahirap ito. Ayaw natin magbalik-handog ng ating yaman. Akin naman ito, bakit ko ba ibibigay sa iba? Ayaw nating magsakripiso para sa iba. Mas gusto nating makatanggap kaysa tayo ang magbigay kahit na sinabi ni Jesus na mas mapalad ang nagbibigay kaysa ang tumatanggap.

Kaya ano ang dapat nating gawin upang huwag tayo madala ng kalakaran ng mundo? Tatlong salita ang nangignibabaw: TALIKDAN ANG SARILI, PASANIN ANG KRUS, SUMUNOD KAY JESUS.

Talikdan ang sarili. Huwag tayo magpadala sa ating makalamang kagustuhan, lalo na sa hilig sa mga hindi mabuti. Tanggihan ang pang-aakit ng bisyo. Iwasan ang pagiging sakim na ayaw nating mag-share. Huwag lang isipan ang sariling kapakanan. Darating na naman ang halalan – halalan sa barangay. Ang boto kaya natin ay boto para sa ikabubuti ng pangkalahatan o dahil sa may natanggap tayo? Ibiniboto ba natin ang nararapat o ang kamag-anak o kabarkada lang?

Pasanin ang krus. Ang unang krus na pasanin natin ay ang ating responsibilidad sa buhay. Gawin ng maayos ang ating tungkulin bilang tatay, bilang estudyante, bilang kagawad, bilang manggagawa. Ang ating tungkulin ay ang krus na magpapabanal sa atin kung ginagawa natin ang mga ito ng may pag-ibig sa Diyos. Ang krus na ito ang naranasan ni propeta Jeremias sa ating unang pagbasa. Pinagtatawanan siya at kinukutya siya ng kanyang kababayan dahil pinapahayag niya ang Salita ng Diyos na ayaw nilang pagkinggan. Nasabi ng propeta sa kanyang sarili: “Lilimutin ko na ang Panginoon at di na sasambitin ang kanyang pangalan.” Ngunit hindi man niya ito magawa dahil sa ang Salita ng Diyos ay parang apoy na lumalagablab sa kanyang dibdib. Hindi niya ito mapigilan. Kaya patuloy siyang nagpapahayag. Ginampanan niya ang kanyang pagiging propeta. Binuhat niya ang kanyang krus.

Ang isang krus na dapat din natin buhatin ay ang krus ng pagsasabuhay ng panawagan ng ating pananampalataya. Isang panawagan ng pananampalataya sa atin ngayon ay ang pagpapahalaga at pangangalaga ng ating kapaligiran. Damdam na damdam na natin ngayon ang pagbabago ng klima. Talagang umiinit na ang panahon. Nasa El Nino na naman tayo. Sa ibang mga bansa marami ang mga kagubatan na nasusunog at kasama na rito ay ang kanilang mga lungsod tulad ng nangyari sa Maui, Hawaii. Halos isang daan katao ang nasunod ng apoy noong ito ay pumasok sa kanilang lunsod. Dito na atin dumadami na rin ang baha. Tumataas na ang lebel ng tubig dagat. Ito ay dala ng kagagawan ng tao na ang hinahanap lang ay ang pera tulad ng mga pagmimina at mga reclamation projects. Isulong po natin ang panawagan ng pangangalaga sa kalikasan lalo na ngayong buwan ng Season of Creation, ang buwan ng Septyembre. Huwag tayo basta bastang magtapon ng plastic. Iwasan ang plastic sa ating pamimili. Simpleng bagay lang pero makakatulong tayo na pangalagaan ang kalikasan.

Sumunod kay Jesus. Ang layunin ng buhay Kristiyano ay maging tulad ni Jesus. Ilang beses nanawagan sa atin si Jesus na tularan natin siya. Tularan natin si Jesus, ang anak ng Diyos na naging tao, upang makapamuhay tayo na mga tunay na anak ng Diyos. Kunin natin ang kanyang ugali. Mapasaatin ang kanyang pananaw. Pagkaabalahan natin ang pagtatayo ng paghahari ng Diyos sa mundo na walang iba kundi ang paghahari ng pag-iibigan, ng katarungan, nga pagkakaisa sa ating mga tahanan, sa ating simbahan, sa ating kriska at sa ating sambayanan.

TALIKDAN ANG SARILI, PASANIN ANG ATING KRUS, SUMUNOD KAY KRISTO. Ito ang panawagan sa atin ngayon upang sa panahon ng pagdating muli ni Jesus kasama ng kanyang mga anghel magagantimpalaan tayo ayon sa ating ginawa. Huwag tayong umayon sa mundong ito. Sa halip, gawin natin ang kalooban ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 63,801 total views

 63,801 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 67,780 total views

 67,780 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 78,672 total views

 78,672 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 91,114 total views

 91,114 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 101,875 total views

 101,875 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 30, 2024

 4,410 total views

 4,410 total views 13th Sunday of Ordinary Time Cycle B St. Peter’s Pence Sunday Wis 1:13-15; 2:23-24 2 Cor 8:7. 8. 13-15 Mk 5:21-43 Napakaraming kasamaan ang nababalitaan natin at nararanasan – pag-aaway, karamdaman, bisyo, at marami pa. Ang pinakamasama na iniiwasan natin pero madalas na nangyayari at sinasadya pang gawin ay ang kamatayan. Ang Magandang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 23, 2024

 6,693 total views

 6,693 total views 12th Sunday of Ordinary time Cycle B Job 38:1.8-11 2 Cor 5:14-17 Mk 4:35-41 Nakakatakot talaga na datnan ng bagyo sa gitna ng dagat. Kahit na iyong malayo sa Diyos ay napapatawag sa kanya. Lahat ng santo ay natatawagan nila. Ang mga kasama ni Jesus ay mga mangingisda. Sanay sila sa dagat. Pero

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 16, 2024

 9,599 total views

 9,599 total views 11th Sunday of Ordinary Time Cycle B Father’s Day Ez 17:22-24 2 Cor 5:6-10 Mk 4:26-34 Happy Father’s Day sa mga tatay na nandito! Ang ikatlong Linggo kada buwan ng Hunyo ay Father’s Day. Pinapaalaala po sa atin ang mga tatay natin. Malaki ang influensiya nila sa atin at malaki ang utang na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 9, 2024

 10,538 total views

 10,538 total views Homily June 9, 2024 10th Sunday of Ordinary Time Cycle B Gen 3:9-15 2 Cor 4:13-5:1 Mk 3:20-35 Bising-bisi si Jesus. Marami ang mga tao na pumupunta sa kanya at sa kanyang mga alagad. Marami ang dumadating upang magpagaling sa anumang karamdaman. Lalong marami ay dumadating upang makinig sa kanyang mga aral. May

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily June 2, 2024

 10,532 total views

 10,532 total views Homily June 2, 2024 Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ Cycle B Ex 24:3-8 Heb 9:11-15 Mk 14:12-16.22-26 Napakalaki ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Naging tao siya upang makapiling tayo. Kahit na siya ay umakyat na sa langit patuloy pa rin tayong pinangangalagaan. Ipinamamagitan niya tayo sa Ama.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 26, 2024

 14,250 total views

 14,250 total views Solemnity of the Most Holy Trinity Cycle B Basic Ecclesial Community Sunday Deut 4:32-34.39-40 Rom 8:14-17 Mt 28:16-20 Matapos ang makababalaghang karanasan ng mga Israelita sa paglikas nila sa Egipto at matapos ang mahabang paglalakbay nila sa disyerto ng apatnapung taon, pinaisip sila ni Moises bago sila pumasok sa lupaing ipinangako sa kanila.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 19, 2024

 16,096 total views

 16,096 total views Homily May 19, 2024 Pentecost Sunday Cycle B Acts 2:1-11 1 Cor12:3-7.12-13 Jn 20:19-23 Ang Pentekostes ay isang dakilang pista ng mga Hudyo, kaya mayroong maraming tao noon sa Jerusalem na galing sa iba’t-ibang bansa. Namimiesta sila. Sa kapistahan ng Pentekostes ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang pagbibigay sa kanila ng mga batas ng

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 12, 2024

 16,093 total views

 16,093 total views Homily May 12, 2024 Ascension Sunday World Communications Sunday Mother’s day Acts 1:1-11 Eph 4:1-13 Mk 16:15-20 Bahagi ng buhay ng tao ay ang pag-welcome at ang pamamaalam. Kadalasan masaya tayo sa pag-welcome sa isang dakila o mabait na tao at malungkot tayo sa pag-alis niya. Masaya tayo sa pagtanggap sa auntie na

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 20,602 total views

 20,602 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 25,918 total views

 25,918 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 28,076 total views

 28,076 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 30,234 total views

 30,234 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 30,584 total views

 30,584 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 44,054 total views

 44,054 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 3, 2024

 44,477 total views

 44,477 total views 3rd Sunday of Lent Cycle B Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25 Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top