159 total views
Isusulong ng grupong Health Care without Harm ang pagpapalawak ng paggamit sa renewable energy sa malalaking institusyon tulad ng mga ospital.
Ayon kay Paeng Lopez – Campaigner on Healthy Energy Initiative ng grupo, malaki ang maiaambag ng mga hospital institutions kung mag-da-divest ito sa renewable energy.
Dahil aniya, malaki ang kinakaing enerhiya ng mga kagamitan sa ospital at mas makatitipid ang mga institusyon kung magkakaroon ito ng sariling pinag kukunan ng enerhiya.
“Kami sa Healthcare without Harm, isang pinaka critical na tinututukan namin ngayon ay yung pag-ra-rally nung ating mga health professionals na in the future ay piliin nang mabuti kung saan kukuhanin yung enerhiya na magpapatakbo ng kani-kanilang institusyon. So ang pinaguusapan natin dito ay mga ospital, mga brgy. Health centers etc…na ang gusto natin, in the future, pati sila ay mag divest na rin from fossil fuel based na energy ay magiging renewable energies,” bahagi ng pahayag ni Lopez sa Radyo Veritas.
Ngayong ikatlo ng Agosto magkakaroon ng Green Hospitals Asia Regional Conference sa Indonesia na inaasahang dadaluhan ng mahigit apatnapung hospital institutions.
Umaasa naman si Lopez, na isa sa magiging deklarasyon sa conference ang paglalagay ng renewable energy facilities sa mga ospital.
Sa Laudato Si ni Pope Francis, hinihimok nito ang sambayanan na pangalagaan ang kalikasan upang may malinis pang hangin na malanghap ang kasalukuyan at ang susunod na henerasyon.