House speaker, nanawagan ng tulong para maibalik ang tiwala ng mamamayan sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,050 total views

Hinimok ni House Speaker Faustino Dy III ang mga empleyado at mambabatas ng Mababang Kapulungan na magtulungan upang maibalik ang tiwala ng taumbayan sa Kongreso.

Ito ay kaugnay na rin ng mga hamon na kinakaharap ng institusyon dulot ng mga nabulgar na katiwalian at pagkakasangkot ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga infrastructure project ng Department of Public Works and Highways.

Nagpapasalamat din si Dy sa mga kawani, security personnel, at maintenance workers ng Kamara sa kanilang patuloy na paglilingkod, lalo na sa panahon ng mahahabang budget deliberations na umaabot hanggang madaling araw.

Ayon kay Dy, hindi madali ang kasalukuyang sitwasyon ng Kongreso at ramdam ang pagbaba ng tiwala ng publiko na dapat magsilbing paalala na pagbutihin pa ang trabaho at patunayan sa mamamayan na karapat-dapat silang pagkatiwalaan.

“Masakit mang tanggapin, talagang bumaba ang tiwala ng taumbayan sa ating institusyon. Pero ito rin ay paalala na mas kailangan nating pagbutihin ang ating trabaho at ibalik ang tiwalang iyon sa pamamagitan ng tapat na paglilingkod,” ayon kay Dy.

Binigyang-diin niya na walang batas na maisasagawa kung wala ang sipag at dedikasyon ng mga manggagawa sa Kamara.

Pinaalalahanan din ng Speaker ang mga kawani na mahalaga ang bawat gampanin—mula sa mga mambabatas hanggang sa mga rank-and-file employee—sa pagpapatatag ng isang tapat at makabayang institusyon.

“At sa huli, mga kasama, tandaan natin: Ang lahat ng unos ay may katapusan. Ang lahat ng dilim ay may liwanag na darating,” ayon pa sa mensahe ni Dy sa isinagawang flag raising ceremony sa Mababang Kapulungan.

Bilang pagtatapos, binigyang-diin ni Dy na ang watawat ng Pilipinas ay sagisag ng panata ng bawat lingkod-bayan na dapat maging inspirasyon ang bawat hamon upang mas paigtingin ang marangal at tapat na paglilingkod sa mga Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

International Wellness Day

 96,537 total views

 96,537 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 119,696 total views

 119,696 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 140,970 total views

 140,970 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 303,569 total views

 303,569 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top