Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalagayan ng Cebu, ipinagkatiwala ni Archbishop Uy sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,811 total views

Lubos na ipinagkatiwala ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa Panginoon ang kasalukuyang kalagayan ng Archdiocese of Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa lalawigan kamakailan.

Sa kabila ng hirap at pinsalang dulot ng kalamidad, nananatiling matatag ang pananampalataya ng arsobispo na hindi sila pababayaan ng Diyos.
Patuloy rin ang kanyang panawagan sa mamamayan na magtulungan at tumugon sa pangangailangan ng mga lubhang apektado ng sakuna.

“I am not afraid because I know God is working with us… We encourage our people to help with our Hatag Paglaum fundraising campaign for earthquake survivors,” pahayag ni Archbishop Uy sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang Hatag Paglaum, inisyatibo ng Archdiocese of Cebu sa pangunguna ng Caritas Cebu katuwang ang LH Foundation, ay naglalayong makalikom ng mga donasyong cash o in-kind para sa mga komunidad sa Northern Cebu na labis na naapektuhan ng pagyanig.

Sa kasalukuyan, nagsimula na ang pamamahagi ng Hatag Paglaum ng tulong tulad ng medicine kits, family kits, household kits, tent kits, at bereavement assistance para sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa lindol.

Ayon kay Archbishop Uy, malaki pa ang hamon na kakaharapin ng mga Cebuano, lalo na sa proseso ng pagsasaayos at muling pagbangon ng mga simbahan at komunidad.

“We are still in the first phase of our relief operations. But the bigger work will be our churches’ rehabilitation and rebuilding,” dagdag pa ng arsobispo.

Nanawagan din si Archbishop Uy sa mga pari, lalo na sa mga lugar na direktang tinamaan ng lindol, na maging kasangkapan ng pag-asa at kalinga sa mga mamamayan.

“I ask our priests to continue saying Mass, to visit affected families, and to listen to them in their pain and struggle… We can give spiritual and moral support to our victims. The most important thing is that our help must be based on who needs it most — regardless of religion, regardless of political color,” aniya.

Mula nang ilunsad ang kampanya, nakalikom na ang Hatag Paglaum ng mahigit ₱5 milyon sa cash at in-kind donations. Patuloy pa rin ang pagtanggap ng tulong sa pamamagitan ng mga bank accounts na nakasaad sa kanilang official Facebook page, Hatag Paglaum.

Binigyang-diin ng arsobispo ang pag-iingat sa mga scammer na maaaring samantalahin ang sitwasyon.

Aniya, mahalagang tiyakin na lehitimo ang mga tatanggap ng donasyon, lalo na pagdating sa tulong pinansyal.

Sa kasalukuyan, ang Hatag Paglaum ay nakabase sa Pope John XXIII Seminary Gymnasium sa Mabolo, Cebu City, at tumatanggap ng donasyon mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM araw-araw.

Tiniyak din ni Archbishop Uy ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Cebu Governor Pamela Baricuatro, upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong at ang transparency at accountability ng simbahan sa lahat ng donasyong ipinagkatiwala sa kanila.

“We have to be accountable. Kasi tayo sa simbahan, we question people in government. So sabi ko, tayo sa simbahan mauna. We have to be accountable,” giit ng arsobispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 51,304 total views

 51,304 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 73,370 total views

 73,370 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 89,066 total views

 89,066 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 96,185 total views

 96,185 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 156,567 total views

 156,567 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top