237 total views
Ito ang naging pahayag ni dating CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop emeritus Oscar Cruz sa banta ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tanggalin sa puwesto ang mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na hindi boboto pabor sa death penalty.
Binalaan din ni Archbishop Cruz si Alvarez sa pagtanggal ng “plunder” sa listahan ng mga krimen na maaaring mahatulan ng parusang kamatayan matapos itong kasuhan ng plunder ng Office of the Ombudsman.
Iginiit ng Arsobispo na walang karapatan ang isang tao o sinuman may posisyon man sa pamahalaan o wala na bigyang limitasyon at exemption ang ika – limang utos ng Diyos na “Huwag kang papatay” dahil lahat ng buhay ay mahalaga.
“Unang – una, he is playing God. Para bang siya ang may utos ng huwag kang papatay at siya rin ang magsasabi kung sino ang papatayin mo o hindi. Ikalawa, yung utos na ‘Thou shall not kill,’ walang nakalagay dun na except or provided or until basta ‘Thou shall not kill.”diin ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.
Ikinabahala din ni Archbishop Cruz ang pangingibabaw ngayon ng “political motives” sa pagsusulong ng death penalty.
“The boss of Congress is acting purely on political motives. Meaning to say kung ano ang sinabi ng boss ay siyang gagawin, nakakahiya, nakakasama ng kalooban. Kahit na masama o mabuti yung boss mo diyan sa gobyerno ay siyang susundin mo?” giit pa ni Archbishop Cruz sa Veritas Patrol.
Nanindigan naman at naglabas ng liham pastoral ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines laban sa lumalaganap na kultura ng kamatayan kasama na rito ang pagpapanumbalik ng death penalty.
Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-pastoral-letter-deaths-killings/
Umaapela din si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng panalangin at pagkilos laban sa death penalty.
http://www.veritas846.ph/cardinal-tagle-umaapela-ng-panalangin-pagkilos-laban-sa-death-penalty/
Hinimok naman ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang taumbayan na lumahok sa “Walk for Life” laban sa death penalty,abortion at extra-judicial killings sa Luneta.
Read: http://www.veritas846.ph/cbcp-hinimok-ang-mamamayan-na-makiisa-sa-walk-life/
Nabatid na nakapagtala ang Amnesty International noong 2015 ng pinakamataas na bilang sa kasaysayan ng mga nahatulan ng parusang kamatayan na umabot sa 1, 634.