265 total views
Inilabas na ng Department of Environment and Natural Resources ang cancellation at suspension order sa 23 mining company sa Pilipinas.
Nilinaw ni DENR secretary Gina Lopez na naantala ang paglalabas ng kautusan dahil muling isinaayos ng ahensya ang pagbibigay ng magkakahiwalay na kautusan sa bawat kumpanya.
“When the presscon was done, the evaluations have been completed days before. What happened was an omnibus directive. It was prepared for all mining companies and our lawyers have decided it should be issued to individual mining companies. That’s why there’s been a delay,” pahayag ni Lopez.
Muling tiniyak ni Secretary Lopez na malinis, patas, at naaayon sa batas ang isinagawang mining audit sa kabila ng pambabatikos ng mining sector na may kinikilingan ang DENR.
Nilinaw naman ng kalihim na ang ginawang audit ay upang ma protektahan ang kasalukuyan at ang susunod na henerasyon tulad ng nasasaad sa Mining Law at sa Philippine Constitution.
Gayunman sa kabila ng kautusan, inihayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella na binibigyan pa ng pamahalaan ng pagkakataon ang mga mining firm na magpaliwanag at i-dispute ang resulta ng mining audit ng DENR.
Sinang-ayunan naman ng Simbahang Katolika ang pagpapasara sa 23-minahan na lumalabag sa environmental laws at regulation.
Read: http://www.veritas846.ph/pagpapasara-sa-23-minahan-sinang-ayunan-ng-simbahan/
Samantala sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang hindi makatarungang operasyon ng pagmimina ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.